Chapter 32

1.3K 53 12
                                    

"Sir?!" Boses iyon ni Hiro na dinig nilang lahat mula sa earpiece na suot nila.

"Kumusta? Anong lagay sa loob, Garcia?" Tanong naman ni Jake dito.

Lahat sila ay mariim na nakikinig sa earpiece na suot habang hawak ang kani-kanilang baril, nakasuot ng bullet proof vest at matiyagang naghihintay ng sasabihin ni Jake sa kanila.

Nasa labas ng isang abandonadong warehouse ang grupo nila dahil sa natanggap nilang tip na naroroon ang wanted na si Dino at ang grupo nito.

Matapos ang halos isang buwan nilang paghahanap dito ay sa wakas may nakuha na silang positive na lugar na kinaroroonan nito.

Hindi tumigil ang grupo nila lalo na si Blade na hanapin at imbistigahan ang lahat ng kaso na may kinalaman sa grupo nito, dahil alam nilang maaaring masangkot si Jaica sa lahat ng kaso.

"Sir, positive po, nasa loob sila." Muling saad ni Hiro.

"Good. Let's end this, para naman makapag propose na yong isa dyan at manahimik na." Ani Jake kaya agad na napangiti si Blade.

Tawanan na may kasamang pang-aasar ang narinig ni Blade mula sa mga kasamahan niya kaya hindi niya naiwasang mapailing.

Napatingin pa siya kay Jace na nasa tabi niya at nakangiti ring nakatingin sa kanya.

"Yown! Sa wakas makakahigop ulit ng sabaw." Ani Xander habang nasa tabi naman nito si Kurt na nakangiti rin.

"Basta sir Blade huwag nyong kakalimutan ang lumpiang shanghai. Paborito ko po iyon. Pagbalutan nyo rin ako." Ani naman ni Azrael habang nasa tabi ang buddy nitong si Chavez.

"Tang ina ka Azrael, kailan ka pa naging disipolo ni Robles?." Ani Hiro na tinawanan ng lahat.

Kahit siya ay hindi naiwasang matawa dahil sa sinabi nito.

Napanguso naman si Azrael saka bumulong ito na dinig nilang lahat. "Para shanghai lang. Ang damot nyo naman.

Napangiti siya dahil sa mga kaibigan niya. Napaka swerte niya dahil hindi siya iniiwanan ng mga ito. At alam niyang kahit anong mangyari ay nasa likod niya ang mga kasamahan at kaibigan niya upang rumesbak sa kahit anong laban na kakaharapin niya. Mapatotoong labanan man ito o maging sa hamon ng buhay ay alam niyang nasa likod niya ang mga ito.

"Salamat sir. Salamat sa inyong lahat." Ani Blade.

"Huwag ka munang magpasalamat Robles. Tapusin na muna natin ito para makapag propose ka na. Naghihintay na si Jaica sayo." Ani naman ni Kurt.

Matapos silang bigyan ng order at signal ni Jake ay maingat nilang pinasok ang warehouse.

Agad na pumasok si Blade habang naka back up sa kanyang likuran si Jace.

Maingat at dahan dahan nilang pinasok ang likod ng warehouse. Habang papasok sila ay agad silang napahinto at nagtago sa medyo madilim na parte ng makarinig sila ng dalawang tao na nag-uusap palapit sa kanila.

Naghiwalay sila ni Jace sa magkabilang gilid habang matiyagang naghihintay sa paparating na mga lalaki.

"Naiinip na ako sa warehouse na'to. Hindi pa ba tayo pwedeng lumabas?" Dinig nilang tanong ng lalaki sa kausap nito.

Nagkatinginan sila ni Jace habang pinakikinggan ang pag-uusap ng dalawa.

"Huwag ka ng mainip. Ang sabi ni boss Dino, kailangan pa nating magpalamig ng ilang linggo. Lalo na ngayon na mga NBI na ang naghahanap sa atin." Sagot naman ng isa.

Nang makalabas ang dalawang lalaki na nag-uusap at lampasan ng mga ito ang pwesto nila ay muli silang nagkatinginan at nagtanguan bilang senyas sa isa't-isa

(Agent Series 8) The thief and the agentTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon