"Blade?!"
"Blade are you okay?"
Kukurap na napatingin si Blade sa kapatid habang mariin naman itong nakatingin sa kanya.
May pag-aalala sa mukha ni Bryan kaya napabuntong-hininga siya at tumango dito.
"Really? But you don't look like okay. Is there something bothering you?"
Muli siyang bumuntong-hininga saka malamlam na tumingin sa kuya niya.
Hindi kasi niya alam kung ano talaga ang nararamdaman niya sa mga oras na iyon. Bukas na nila malalaman kung nasaan si Jaica. Kung ano ang lagay nito at kung maililigtas ba nila ito. Halos hindi na siya nakatulog magdamag dahil sa pag-iisip.
"Hindi ko alam kuya, kung ano ang mararamdaman ko." Pag-amin niya dito.
Ang totoo ay kinakain siya ng samot-saring emosyon. Nariyan na ang takot, pag-aalala at pananabik na muling makita si Jaica. Ayaw man niyang mag-isip ng hindi maganda, ngunit hindi niya iyon maalis sa isip.
Napayuko siya bago inihilamos ang mga kamay sa mukha. Ni hindi nga niya magawang galawin ang pagkain na nasa harapan niya dahil sa pag-iisip.
Matapos siyang makipag meeting sa mga kasamahan ay tinawagan siya ng kapatid at nakipagkita ito sa kanya sa resto na pagmamay-ari ni Beatriz. Gustong gusto kasi ng kapatid niya ang mga pagkain na isini-serve doon na mismong si Beatriz ang may gawa ng mga recipe.
"Ano bang kinakatakot mo?" Tanong ni Bryan bago ito humugot ng malalim na hininga saka ibinaba sa mesa ang mga kubyertos na hawak at nagpunas ng bibig.
Mariin itong tumingin kay Blade saka nagsalita. "Hindi ba pulis ka? Bakit ka natatakot? Wala ka bang tiwala sa sarili mo, sa kakayahan mo? Wala ka bang tiwala sa mga kaibigan mo? Hindi ka ba naniniwala na makakasama mong muli si Jaica? Kung lahat ng tanong ko ay hindi ang sagot mo, well, its about time para itigil mo na ang paghahanap sa kanya. Kasi sa oras na ito, hindi makakatulong sayo ang takot. Isa pa, ang kilala kong Blade ay matapang. Yong Blade na walang inuurungan."
Napayuko siya habang nakikinig sa kapatid. Dinig pa niya ang pagbubuntung hininga nito.
"Blade, alam kong natatakot ka at alam kong maraming naglalaro dyan sa isip mo. Alam ko rin na iniisip mo na baka huli na ang lahat o baka hindi mo siya magawang mailigtas. Pero paano mo malalaman kung hindi mo susubukan."
"Kailangan mong maging matatag, Blade. At kahit hindi mo kasama si Jaica at hindi nakikita, alam kong isa ka sa hinuhugutan niya ng lakas. Kaya kailangan mong maging matapang para sa kanya."
Muli siyang humugot ng malalim na hininga bago tumango sa kapatid.
"Nandito lang kaming lahat, Blade. Kahit anong mangyari nasa likod mo lang ako. Kaya kailangan mong tatagan ang loob mo. Maging positive ka sa lahat. At isipin mong makikita mo siya. Na makakasama mo ulit siya."
Bahagya siyang ngumiti sa kapatid saka tumango. Kahit papaano ay nabawasan ang bigat na dinadala niya sa dibdib dahil sa kuya niya.
"Sige na, kumain ka na. At pwede ba, next time ikaw naman ang magbayad. Namimihasa ka na. Saan mo ba dadalhin yang pera mo?" Ani kuya niya habang nakataas ang kilay nito.
Umiiling siyang ngumisi saka sumagot dito. "Nag-iipon ako kuya. Pagbalik ni Jaica, magpapakasal na kami kaya kailangan kong magtipid."
Ngumiwi si Bryan saka lalong itinaas ang isang kilay nito. "Ang sabihin mo, kuripot ka lang talaga. Ginamit mo pa si Jaica. Sige na kumain ka na." Ani ng kapatid na siyang tinawanan niya.
Matapos nilang kumain ay nagpasya na silang umuwi sa condo.
Halos magkasabay na dumating sa parking lot ang sasakyan nilang dalawa.
![](https://img.wattpad.com/cover/284463026-288-k250421.jpg)
BINABASA MO ANG
(Agent Series 8) The thief and the agent
RomansaCompleted Warning: Mature Content | R-18 Dahil sa hirap ng buhay at sa pagkakaroon ng sakit sa puso ng kanyang nakababatang kapatid ay pinasok ni Jaica ang trabahong hindi niya gusto upang matustusan niya ang mga pangangailangan nila at gamutan nito...