Chapter 28

1.3K 58 11
                                    

Matapos ang maraming rebelasyon na nasaksihan ni Blade na halos ikinatigil ng kanyang paghinga ay minabuti niyang magpalipas ng oras sa headquarters.

Nakatanaw siya sa langit at sa mga bituin habang paulit-ulit ang kanyang pagbubuntong-hininga.

Sa totoo lang ay hindi niya alam kung paano niya haharapin si Jaica. Paano niya ito kakausapin o titingnan man lang.

Halo halong emosyon ang nararamdaman niya ngunit mas nangingibabaw sa kanya ang galit dahil naglihim ito sa kanya. At mukhang wala itong planong sabihin sa kanya ang lahat.

Pakiramdam niya ay nagmukha siyang tanga at tautauhan na pinapasunod at pinapaniwala sa lahat ng kasinungalingan nito.

Oo mahal niya si Jaica. Sobra nga niya itong mahal kaya ganon na lamang ang nararamdaman niyang sakit dahil sa ginawa nitong pagtatago ng totoo.

At alam niyang kalahati pa lang ang nalalaman niya. Gusto niyang malaman kung may kinalaman ba ito sa underground organization na tinatawag nilang El Diablo. Na kung tattoo ba ang nasa batok nito. Gusto niyang malaman kung paano siya napasama sa mga taong halang ang kaluluwa. At gustong gusto niyang malaman ang lahat lahat, pero paano?

Muli niyang hinithit ang sigarilyo na nasa kanyang mga daliri. Agad siyang napaubo ng maamoy ang usok ng sigarilyo.

Kunot noong binitawan niya ito sa sahig saka niya inapakan.

"Bakit ba ako naninigarilyo, eh hindi naman ako marunong?" Aniya na napailing pa sa sarili.

"Kailan ka pa natutong manigarilyo?" Ani ng boses na kadarating lang.

Nang lingunin niya ito ay nakita niya si Hiro na papalapit sa kanya at nakangising parang aso.

Inikutan niya ito ng mata saka sumagot sa tanong nito. "Wala lang, mukhang astig eh, kaya sinubukan ko." Aniya kaya mahinang natawa si Hiro.

Sandaling namayani ang katahimikan sa kanilang dalawa at sabay pa nilang pinagmasdan ang mga bituin sa langit.

Nasa rooftop sila ng headquarters at doon nagpalipas ng oras si Blade upang sumagap kahit papaano ng hangin. Pakiramdam kasi niya ay naso-suffocate siya sa lahat ng nalaman niya. Sa lahat ng rebelasyon na sumambulat sa mukha niya.

"Ayos ka lang ba?" Tanong ni Hiro sa kanya.

Tipid niya itong tinanguan saka humugot ng malalim na hininga.

"Bud, valid naman yung nararamdaman kong galit diba? Tulad mo noon nagalit ka rin kay Aria dahil nagsinungaling siya sayo tungkol sa buo niyang pagkatao." Aniya saka humarap kay Hiro at mariing tumingin sa mukha nito.

Kung may taong mas nakakaintindi sa nararamdaman niya ngayon, ay walang iba kung hindi si Hiro iyon.

"Well, nagalit talaga ako. Pakiramdam ko kasi hindi niya ako mahal dahil itinago niya sa akin ang totoo. Pakiramdam ko wala siyang tiwala sa akin at sa pagmamahal ko para sa kanya."

Tumingin si Hiro sa kanya saka nagpatuloy sa pagsasalita. "At alam kong pareho ang nararamdaman mo ngayon sa naramdaman ko noon. Ang ipinagkaiba lang, alagad ng batas si Aria, habang si Jaica ay hinahanap ng batas."

Bumuntong-hininga siya saka yumuko. "Paano mo siya napatawad? Paano mo natanggap yung pagsisinungaling niya sayo? Sapat ba na mahal mo siya para lang kalimutan mo yung mga ginawa niya?"

Tinapik ni Hiro ang balikat niya kaya napatingin siya dito.

"Bud, naglihim lang siya hindi nagsinungaling. Magkaiba kasi yon. Ang pagsisinungaling ay bagay na ginawa niya habang kasama ka niya at hindi niya sinasabi, samantalang ang paglilihim ay maaaring mga bagay na nangyari bago ka pa dumating sa buhay niya. In short, wala ka pang kinalaman doon. At tulad ni Aria, alam kong may rason si Jaica kung bakit niya nagawa iyon. Kaya panghawakan mo yung pagmamahal mo sa kanya, bud. Huwag mo siyang susukuan, dahil sa mga oras na ito, mas higit ka niyang kailangan."

(Agent Series 8) The thief and the agentTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon