"Baby, kailangan ba talaga may bridal shower kayo? Eh ako nga wala naman stag party eh." Nagmamarkulyong tanong ni Blade ng maihatid niya si Jaica sa sarili nitong cabin.
Bukas na ang kanilang kasal at ngayong gabi gaganapin ang inihandang bridal shower ng mga kaibigan nila para sa kanya.
"Oh, bakit nagmamaktol ka? Hindi naman kita pinagbawalan ah. Edi mag bachelor party din kayo." Nakataas kilay na ani Jaica.
Lalong bumusangot ang nguso ni Blade dahil sa isinagot ni Jaica dito.
Alam naman kasi niya na labas sa ilong ang pagpayag ng mga asawa nila sa sanang bachelor party na gusto nila.
"Tapos magagalit kayo. Tapos hindi nyo kami patutulugin sa kwarto, outside de kulambo kami. Kung hindi sa sala, sa labas ng bahay ang bagsak namin. Nasaan ang hustisya don baby?"
Humalukipkip si Jaica saka nakataas ang kilay na tumingin sa kanya.
"Nagrereklamo ka?"
Mabilis pa sa alas kwatro na umiling si Blade dahil sa tanong nito. Makikita niya ang pagdidilim ng mukha ng asawa kaya naman ilang beses siyang lumunok ng laway at umiwas ng tingin dito.
Pangalawang beses na nila itong kasal. Noong nag propose si Blade ay ikinasal agad sila sa judge at simpleng kasalan lang ang ginanap.
Matapos ang isang taon ay nagpakasal muli sila at tulad ng mga kaibigan nila ay sa Isla Ortiz na pagmamay-ari ng pamilya ni Nathalia ito gaganapin.
"Yon naman pala eh. Anong minamaktol mo dyan?" Galit na tanong ni Jaica sa kanya.
Humugot muna ng malalim na hininga si Blade bago sinalubong ang mataray na titig ni Jaica.
"Hindi naman sa nagrereklamo ako. Pero baby.."
Napatigil siya sa pagsasalita nang itaas ni Jaica ang palad upang patigilin siya nito.
Kahit kailan ay hindi talaga siya mananalo sa pakikipagtalo kay Jaica. Siguro ay mahal lang niya ito ng sobra kaya masyado niyang na-spoiled. Pero gusto niya ang ginagawa niya lalo na kapag nakikita niya ang mga ngiti nito sa labi. Ika nga ng kapitan nila, wife is always right and happy wife, happy life. Kaya naman siya ang laging tama.
Wee? Takot ka lang eh. Bulong ng isang bahagi ng utak niya.
Kahit sarili niya ay hindi na naniniwala sa kanya. Napailing na lamang siya.
Bumuntong-hininga muna si Jaica bago nagsalita. "Boss, wala ba kayong tiwala sa amin?"
"Meron! Kaya lang..."
"Kaya lang ano?" Pagputol ulit ni Jaica sa kanya.
"Baka may lalaki kaming kasama ganon ba? Ayaw nyo na makakakita kami ng ibang katawan ng lalaki dahil gusto nyo yung inyo lang ang titingnan namin, tama ba?" Ani Jaica na sumulyap pa sa ibabang parte ng katawan ni Blade at itinuro iyon.
Muling bumuntong-hininga si Jaica.
"Oh sige ganito na lang. Para matahimik ka, tatawagan kita kapag may hindi magandang nangyari. Pero sinisigurado ko sa inyo, lalo na sayo. Hindi kami gagawa ng bagay na ikagagalit nyo. Okay na ba?"Tumango-tango si Blade saka hinapit ang baywang niya at hinalikan siya nito sa labi.
"Promise mo tatawagan mo ako." Naglalambing na ani Blade.
Napailing na lamang si Jaica saka pinisil ang ilong niya. "Oo na. Huwag kang mag-alala kahit makakita ako ng ibang lalaki, yung iyo pa rin ang hahanap-hanapin ko."
Ngumiti si Blade na parang bata saka ibinaon ang mukha sa leeg ni Jaica.
"Promise? Hindi ka maghahanap ng iba? Ako lang? Akin lang ang titingnan mo at hahawakan mo?" Tanong niya bago hinalikan ang leeg ni Jaica.
![](https://img.wattpad.com/cover/284463026-288-k250421.jpg)
BINABASA MO ANG
(Agent Series 8) The thief and the agent
RomanceCompleted Warning: Mature Content | R-18 Dahil sa hirap ng buhay at sa pagkakaroon ng sakit sa puso ng kanyang nakababatang kapatid ay pinasok ni Jaica ang trabahong hindi niya gusto upang matustusan niya ang mga pangangailangan nila at gamutan nito...