Pagod na ibinagsak ni Jaica ang katawan sa malambot niyang kama habang nakatitig siya sa kisame.
Katatapos lang niyang maglinis sa buong bahay dahil wala siyang magawa at parating lumilipad sa kung saan ang isip niya.
Hindi rin siya nakatulog kagabi dahil sa matinding pag-aalala para kay Blade. Hindi pa kasi ito umuuwi at talagang nag-aalala na siya para dito.
Napabuntong-hininga na lamang siya ng maalalang muli ang sinapit ni Beatriz at ng anak nitong si Kaleb.
Dinukot kasi ang mag-ina sa araw mismo ng kasal ni Jace at Beatriz.
At naiintindihan niyang abala ang grupo nito sa paghahanap sa mag-ina.
Tumayo siyang muli mula sa pagkakahiga saka niya kinuha ang cellphone sa ibabaw ng maliit na mesa na nasa tabi ng kama niya.
Napabuntong-hininga na lamang siya ng makitang wala ni isang mensahe na galing kay Blade.
Alam naman niyang wala siyang karapatan na maghintay ng tawag o text man lang nito, ngunit hindi niya maalis na umaasa.
"Grabe ka na. Ni hindi ka man lang mag text kung anong nangyayari. Balak mo ba talaga akong patayin sa pag-aalala?" Aniya habang nakatitig sa larawan ni Blade na nasa cellphone niya.
Hinaplos niya ang larawan nito na palihim niyang kinuhanan noong minsan na makaidlip ito sa sofa.
Umupo siya sa kama saka muling bumuntong-hininga. Hindi niya alam kung nakaka ilang buntong-hininga na ba ang ginawa niya mula pa kahapon. Dahil sa mga oras na iyon ay iyon lamang ang tangi niyang nagagawa bukod sa pagdadasal.
Hindi na siya mapakali at gusto na niyang malaman ang mga nangyayari sa mga kaibigan. At talagang nag-aalala na siya para sa kaligtasan ng mga ito. Ni hindi nga niya magawang mag-isip ng maayos dahil parang lumilipad ang isip niya dahil sa pag-aalala lalo na kay Blade.
Natatakot siyang baka may mangyaring masama sa binata. At alam niyang hindi niya iyon kakayanin. Mahal na mahal niya si Blade at hindi niya matatanggap kung mapapahamak ito.
Ni hindi pa nga niya nasasabing mahal niya ito. "Hay... Huwag ka munang machuchugi. Wala sa plano ko ang maging biyuda. Kaya umayos ka boss. Kung hindi ako mismo papatay sayo." Pakikipag-usap niyang muli sa larawan nito.
Napailing siya saka binitawan sa kama ang cellphone na hawak niya. "Senyales naba 'to na nababaliw na ako?" Tanong pa niya sa sarili.
Mabilis siyang tumayo saka pumasok sa loob ng banyo. "Anak ng pating, makaligo na nga para mahimasmasan. Kulang lang siguro sa ligo." Aniya.
Mabilis siyang naligo at nagbihis saka nagpasyang pumunta sa mansion ng mga Fernandez. Hindi pwedeng wala siyang gawin dahil tiyak niyang mababaliw siya sa pag-aalala sa mga ito.
At kung mayroon mang nakakaalam sa mga nangyayari ay tiyak niyang isa si Nathalia dahil asawa ito ni Jake.
Nang makababa siya ng taxi ay agad siyang lumapit sa gate.
Magtatanong na sana siya sa guwardiya ng biglang bumukas ang gate at lumabas ang isang itim na sasakyan.
Huminto ito sa harapan niya kaya napatingin siya dito.
"Jaica..!" Sabay-sabay na ani ng mga ito nang bumukas ang pinto ng sasakyan.
Nanlaki ang mata niya sa gulat nang makitang kompleto ang casting at may kasama pang extra. Lahat kasi ng asawa ng mga kaibigan ni Blade ay kasama ni Nathalia maging si Lexie ay kasama nila. May kasama pa silang isang babae na umiiyak. Bakas sa mukha ng mga ito ang matinding pag-aalala.
Agad siyang hinila ni Avia papasok sa loob ng sasakyan kaya naman wala siyang nagawa kung hindi magpahila dito.
"S-Saan ka pupunta?" Tanong ni Lexie sa kanya ng makaupo siya sa tabi nito.
BINABASA MO ANG
(Agent Series 8) The thief and the agent
RomanceCompleted Warning: Mature Content | R-18 Dahil sa hirap ng buhay at sa pagkakaroon ng sakit sa puso ng kanyang nakababatang kapatid ay pinasok ni Jaica ang trabahong hindi niya gusto upang matustusan niya ang mga pangangailangan nila at gamutan nito...