Chapter 13

1.2K 54 12
                                    

Nang makarating sila sa mansion ng mga Fernandez ay agad hinila ni Beatriz si Jaica palayo kay Blade.

Tumingin pa siya sa binata na para bang nagpapaalam dito kaya tumango naman ito.

Ilang beses na niyang nakasama ang mga asawa ng kaibigan ni Blade kaya naman mabilis niyang nakapalagayan ng loob ang lahat.

Hindi lang magaganda at mayaman ang mga ito dahil mababait din at hindi matapobre tulad ng ibang mayayaman.

"Dahan dahan ka lang buntis, baka madapa ka.." Aniya dito na tinawanan lang ni Beatriz.

"Bakit ang tagal nyo? Kanina pa kita hinihintay." Ani naman nito.

Napangiwi siya saka ngumuso. "Eh yung abnormal kong amo, ayon pinagtripan na naman ako." Sagot niya dito habang nanghahaba ang nguso.

Tumawa lang si Beatriz saka siya hinila nito kung nasaan ang iba pang asawa ng mga kaibigan ni Blade.

"Girls, look who's here?" Masayang sigaw ni Beatriz nang makapasok sila sa isang malaki at maaliwalas na sala.

"Jaica...!" Halos sabay-sabay na sigaw naman ng mga ito nang makita siya saka lumapit sa kanya at humalik sa pisngi.

Sa totoo lang ay hindi naman siya sanay sa pasosyal na batian ng mga ito. Sa eskinita kasi nila ay tamang fist bump lang okay na. O di kaya naman batukan.

Kaya lang mukhang hindi naman tama na batukan niya ang mga magagandang babae na ito. Isa pa ay baka barilin siya ng mga asawa nila kapag ginawa niya iyon.

Kapag kasama niya rin ang mga ito ay parati siyang sinasampal ng kahirapan. Minsan hindi lang sampal dahil may kasama pang bugbog ng kahirapan.

Nanliliit siya sa mga ito at parating literal na nose bleed kapag nagsisipag ingles na ang salita. Nahihilo pa nga siya at parang hihimatayin dahil hindi maproseso ng loading niyang utak ang lahat ng mga lumalabas sa bibig ng mga ito.

"Kumain ka na ba?" Tanong ni Nathalia sa kanya. "Magpapakuha ako ng pagkain. Dito ka na kumain."

Tumango siya saka bahagyang ngumiti. Lumapit siya dito at hinawakan niya ang kamay nito.

"Mam Nathalia, gusto ko lang po magpasalamat sayo sa bahay na ibinigay mo para sa pamilya ko. Sobrang laking tulong po ng ginawa nyo. Sobrang salamat po." Aniya.

Napatingin sa kanya ang lahat at sabay-sabay na tumayo ang mga ito at lumapit sa kanya.

Hinawakan ni Nathalia ang balikat niya habang nakayakap naman sa kabilang braso niya si Beatriz.

"Wala yon Jaica. At isa pa, kaibigan kita at pamilya. Natural sa magkakaibigan ang nagtutulungan. At saka ilang beses ko bang sasabihin sayo na Nathalia na lang. Feeling ko ayaw mo akong ituring na kaibigan kapag tinatawag mo akong mam." Reklamo ni Nathalia sa kanya.

Ilang beses siyang umiling dahil sa sinabi nito. Hindi sa ayaw niya itong maging kaibigan. Talaga lang na nahihiya siyang tawagin sa pangalan ito.

"Oo nga, hanggang ngayon mam din ang tawag niya sa akin." Busangot na reklamo rin ani Althea.

"Sa amin din." Sabay na ani naman nina Avia at Aria.

"See, halos lahat kami mam ang tawag mo. Tapos yang si Beatriz buntis lang." Sagot naman ni Lexie na tulad niya ay halos bagong kaibigan din nila dahil pinsan ito ni Beatriz.

"Oo nga. Talagang may favoritism ka ah." Reklamo muli ni Nathalia.

Natawa siya at umiling muli sa mga ito. Mas nauna kasi niyang naging kaibigan si Beatriz dahil parating magkasama si Blade at Jace. At sa tuwing mamamasyal ang mga ito ay lagi siyang isinasama ni Blade.

(Agent Series 8) The thief and the agentTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon