"Hindi ka pa ba uuwi? Hindi ba ngayon yung birthday party ng daddy mo? Huwag mong sabihin na hindi ka pupunta?"
Napaangat ang ulo ni Blade nang magsalita si Jake at umupo ito sa harapan niya.
Nakataas ang kilay nito habang nakatingin sa kanya.
"Ano naman ang gagawin ko sa party na yon? Alam nyo naman na hindi ako sanay makipag plastikan sa mga mayayaman na bisita nila." Aniya saka itinuon muli ang sarili sa harap ng computer niya.
Napailing si Jake saka muli itong nagsalita. "Hindi mo pa rin ba napapatawad ang mga magulang mo? Ang tagal na non, bud. Baka it's about time na makausap mo na sila."
Bumuntong-hininga si Blade bago nito inihinto ang ginagawa at mariing tumingin sa kapitan nila.
"Paano ko naman sila papatawarin kung umpisa lang ay hindi naman sila humihingi ng tawad. Kap, mahirap magpatawad sa mga taong matitigas ang puso at hindi marunong umamin sa kasalanan. Paano ko ibibigay ng buo sa loob ko ang pagpapatawad kung sila mismo ay hindi marunong tumanggap sa mga mali nila?" Aniya.
Sa totoo lang ay hindi naman ganon katigas ang puso niya. Alam niyang kahit masama ang mga magulang niya at mahirap pakisamahan ay mahal niya ang mga ito.
Sadyang malayo lang ang loob niya dahil hindi niya kinalakihan ang mga ito. Idagdag pa ang mga katarantaduhang ginawa ng mga ito sa kanilang magkapatid.
Kaya lalong lumayo ang loob niya. At alam niyang hindi niya masisisi ang sarili dahil mismong mga magulang niya ang nagturo sa kanya na maging malayo sa kanila.
"Bud, maikli lang ang buhay. Hindi natin alam kung ano ang mga mangyayari sa mga susunod na oras at araw. Alam kong mahal ka nila. Siguro ngayon ay nagsisisi na sila dahil hindi lang ang kuya mo ang nawala sa kanila dahil maging ikaw ay lumayo sa kanila."
Hindi niya alam kung ano ba ang dapat niyang sabihin. May dalawang taon na siyang hindi umuuwi sa mansion ng mga magulang o nagpapakita man lang sa mga ito. Matapos ang ginawa ng mga ito sa kuya Bryan niya ay tuluyan na siyang lumayo sa mga magulang. Tuluyan na niyang pinutol ang anomang ugnayan niya sa mga ito.
Kinasusuklaman niya ang ginawang kahayupan ng mga ito sa kapatid niya. Lalo na ang ginawa ng kanyang ina.
"Pag-isipan mo. Hindi mo naman kailangang makipagplastikan sa mga bisita. Magpakita ka lang sa kanila. At saka hindi ba sabi ng kapatid mo ay gusto kang makita ng inyong ama. Baka hihingi na siya ng tawad sayo."
Humugot siya ng malalim na hininga saka mariing tumingin sa kapitan nila.
Tumayo si Jake saka nito tinapik ang balikat niya. "Tumatanda na sila. Kaunting oras na lang ang ilalagi nila sa mundo, kaya kapain mo sa puso mo ang pagpapatawad, Robles." Anito saka siya iniwan at pumasok sa sarili nitong opisina.
Muli siyang napabuntong-hininga saka sandaling nag-isip. Tinawagan niya ang kapatid at sinabi niya ditong pupunta siya sa birthday party ng kanilang ama.
Matapos ang naging trabaho niya ay agad siyang umuwi upang maghanda sa pagpunta sa party.
Suot ang black three-piece suit ay lumabas siya sa loob ng kwarto.
Agad namang napatingin at napatayo si Jaica nang makita niya si Blade na pormang-porma sa suot nitong amerikana.
"Hanep, ang gwapo mo boss." Namamanghang ani Jaica.
Lumapit ito sa kanya saka inikutan siya habang nakangangang nakatingin sa kanya. Napataas naman ang kilay niya dahil sa ginawa nito.
"Jaica, yung laway mo baka tumulo." Aniya kasabay ng mahinang pagtawa.
BINABASA MO ANG
(Agent Series 8) The thief and the agent
RomanceCompleted Warning: Mature Content | R-18 Dahil sa hirap ng buhay at sa pagkakaroon ng sakit sa puso ng kanyang nakababatang kapatid ay pinasok ni Jaica ang trabahong hindi niya gusto upang matustusan niya ang mga pangangailangan nila at gamutan nito...