Agad na sumakay ng sasakyan si Blade saka niya ito pinaharurot ng takbo.
Nanginginig siya sa galit at halos mamuti na ang kamao niya habang nakahawak ng madiin sa manibela.
Hindi niya alam kung ano ang magagawa niya kay Sandra oras na makita niya ito. Sana lang ay mapigilan niya ang sarili dahil alam niyang sa oras na makita niya ang babae ay tiyak niyang masasaktan niya ito kahit ayaw pa niya.
Habang nasa biyahe ay tinawagan niya ang bahay kung saan nakatira si Sandra. Ngunit napag-alaman niyang wala ito sa bahay at nasa opisina ng mga magulang niya kaya naman agad niyang tinawagan ang kuya Bryan niya.
"Blade?!" Nagtatakang ani Bryan ng sagutin nito ang tawag niya.
Bibihirang tumawag si Blade sa kapatid kaya alam nitong mahalaga ang pakay niya dito.
"Kuya, nasa opisina ka ba?" Tanong niya sa kapatid na nasa kabilang linya habang nagmamaneho siya.
Nagtatakang napatingin naman si Bryan sa mga ka meeting niya saka siya tumayo at nag excuse upang kausapin si Blade.
"Yeah. Bakit may kailangan ka ba?"
"Kasama nyo ba si Sandra? Nandyan ba siya ngayon?" Tanong muli ni Blade.
Kumunot ang noo ni Bryan saka ito sumulyap sa likuran niya at bigyan ng tingin si Sandra na abala sa pakikipag usap sa mga magulang nila. Ramdam niya sa boses ni Blade ang galit ng banggitin nito ang pangalan ng babae.
"Nandito siya. Actually, may meeting kami ngayon at siya ang ipinadala ng mga magulang niya bilang representative ng kompanya nila. Bakit Blade, may nangyari ba? May ginawa ba si Sandra?" Tanong ni Bryan.
Mas lalong pinatakbo ng mabilis ni Blade ang sasakyan patungo sa kompanya ng mga magulang niya ng marinig ang sinabi ng kapatid.
"Mamaya ko na ipapaliwanag ang lahat. Huwag mong hahayaan na umalis si Sandra. Papunta na ako dyan." Ani Blade saka niya pinutol ang linya.
Damn you Sandra.. Hindi kita mapapatawad sa ginawa mo kay Jaica. Nanggagalaiting bulong ng isip ni Blade habang mabilis siyang nagmamaneho.
Nang makarating siya sa kompanya ng mga magulang ay agad siyang pumasok sa loob ng building. Hindi na niya binigyan pa ng pansin ang mga empleyado na bumabati sa kanya habang paakyat siya sa conference room.
Wala na siyang pakialam kung sino ang nakakasalubong niya dahil ang gusto lamang niya ng mga oras na iyon ay harapin si Sandra at pagbayarin ito sa ginawa nito kay Jaica.
Bakas sa mukha niya ang matinding galit habang paakyat siya sa ikawalong palapag kung nasaan ang conference room ng kompanya.
At nang makarating siya ay agad niyang binuksan ang pinto, kaya napatingin sa kanya ang lahat ng tao sa loob ng conference room.
Napatayo pa si Bryan at ang ama nila sa gulat nang makita siya ng mga ito.
"Blade?!" Gulat na ani ng mga magulang niya at kapatid habang nakatingin sa kanya.
Ngunit hindi niya binigyan ng pansin ang mga ito at agad na hinanap ng kanyang mata kung nasaan si Sandra.
Napatayo naman si Sandra ng magtama ang paningin nila. Ngumiti ito at masayang humarap sa kanya.
"Blade, what a pleasant surprise." Nakangiting ani Sandra. Mukhang masaya ito na makita siya.
Ngunit imbis na sumagot si Blade ay mabilis niyang tinawid ang pagitan nila at agad na sinakal ang leeg ni Sandra kaya napatayo ang lahat ng tao at gulat na napasigaw si Sandra sa ginawa niya.
BINABASA MO ANG
(Agent Series 8) The thief and the agent
RomanceCompleted Warning: Mature Content | R-18 Dahil sa hirap ng buhay at sa pagkakaroon ng sakit sa puso ng kanyang nakababatang kapatid ay pinasok ni Jaica ang trabahong hindi niya gusto upang matustusan niya ang mga pangangailangan nila at gamutan nito...
