Isang linggo ang mabilis na lumipas. Naging abala si Blade sa pagtugis at paghahanap sa grupo ni Dino habang si Jaica ay naging abala din sa lihim niyang pag-eensayo.
Isang linggo din niyang pinlano ang balak niyang pakikipagharap sa El Diablo at pag-alis sa puder ni Blade. Alam niyang magagalit ito sa kanya ngunit wala siyang pagpipilian pa.
Mas naging buo ang desisyon niya ng may magtangka sa buhay niya at kay Blade na alam niyang kagagawan ng El Diablo.
Inilihim niya kay Blade ang lahat lalo na plano niya na muling harapin ang dating organisasyon na kanyang tinakasan. Ang organisasyon na sumakal sa kanya ng maraming taon. At ang organisasyon na kumuha at nagnakaw ng inosente at musmos niyan isipan.
Ayaw na niyang magtago pa at magpakain sa takot na nararamdaman niya. At alam niyang kahit anong tago niya ay mahahanap at mahahanap siya ng mga ito.
"Tala..!" Agad siyang napatingin sa likuran ng tawagin siya ni Nognog.
Nasa bakanteng lote sila na siyang napag-usapan nilang lugar.
Nagpalinga linga ito sa paligid saka naglakad palapit sa kanya.
"Dala mo ba yung mga kailangan ko?" Tanong niya dito.
Tumango si Nognog saka iniabot sa kanya ang isang itim na duffle bag.
"Tala, sigurado ka ba sa plano mo? Wala ka bang planong ipaalam kay boss Blade ito?" Kinakabahang tanong ni Nognog sa kanya na agad niyang inilingan.
Alam niyang natatakot ito sa gagawin niya ngunit wala na siyang pakialam pa. Ang mahalaga sa kanya ay maprotektahan niya ang mga mahal niya sa buhay.
Muli silang nagpalinga linga sa paligid saka niya binuksan ang bag bago tiningnan ang laman nito.
"Tala, huwag mo na kayang ituloy yang pinaplano mo. Natatakot ako baka mapahamak ka." Nag-aalalang ani Nognog.
Kinuha niya ang baril sa loob ng bag saka tumingin kay Nognog.
"Nog, kailangan ko 'tong gawin. Alam mong kahit anong gawin ko ay hindi sila titigil, kaya kailangan ko silang unahan, bago pa mahuli ang lahat."
"Pero paano kung may mangyaring masama sayo? Paano ang kapatid mo at si Lola Narda? Si boss Blade? Tiyak kong hahanapin ka nila."
Bumuntong-hininga siya saka isinarado niya ang bag bago niya ito isinukbit sa balikat.
"Mas lalo nila akong nakakasama, mas lalong delikado ang mga buhay nila. At isa pa, nandyan ka naman. Alam kong hindi mo sila pababayaan. Basta ipangako mo sa akin na hindi mo sila iiwan kahit anong mangyari. Mangako ka Nognog." Aniya kasabay ng paghawak niya sa kamay nito.
Bumuntong-hininga si Nognog saka tumango. "Pangako tala. Pero paano kapag nagalit si boss Blade sayo. Sabi mo nga nagalit na siya nung malaman niya na ikaw si Black star. Paano pa kapag nalaman niya itong gagawin mo? Baka hindi ka na niya mapatawad pa."
Humugot siya ng malalim na hininga saka mapait na ngumiti sa kaibigan.
"Sa ngayon Nog, hindi ko na iniisip ang galit niya. Alam kong mahal niya ako at maiintindihan din niya ang gagawin ko. Mas importante sa akin ang kaligtasan ng pamilya ko lalo na ang kaligtasan niya. Mas hindi ko mapapatawad ang sarili ko kung pati siya ay madadamay dahil sa madumi kong nakaraan."
"Basta mag-iingat ka tala. Sabihan mo agad ako kapag may problema."
Ngumiti siya saka niya ito niyakap ng mahigpit.
Matapos siyang makipagkita sa kaibigan ay pinasyalan naman niya ang kapatid at Lola niya. Maayos na ang lagay ng nakababata niyang kapatid at sa sususnod na pasukan ay mag-aaral na rin ito.
BINABASA MO ANG
(Agent Series 8) The thief and the agent
RomansaCompleted Warning: Mature Content | R-18 Dahil sa hirap ng buhay at sa pagkakaroon ng sakit sa puso ng kanyang nakababatang kapatid ay pinasok ni Jaica ang trabahong hindi niya gusto upang matustusan niya ang mga pangangailangan nila at gamutan nito...