"Hmp..!" Impit na ungol ni Jaica sa pagitan ng halik na ipinagkakaloob ni Blade sa kanya.
Halos mapugto na ang kanyang hininga dahil sa marahas at nakakapigil hininga nitong halik.
Ang marahas ay unti-unting naging banayad at puno ng emosyon na halik. Nakayakap ang isang kamay nito sa katawan niya habang ang isa naman ay nakasuporta sa likod ng ulo niya upang mas palalimin ang halik.
Hindi niya namamalayan na nakayakap na rin ang mga braso niya sa leeg at batok nito at sinasabayan na niya ang mapaghanap nitong halik.
"Open your mouth, baby." Bulong ni Blade sa pagitan ng kanilang halik.
Masunuring ibinuka naman ni Jaica ang bibig kaya malayang nagalugad ng dila nito ang kanyang bibig. Mapaghanap at puno ng sensasyon ang mga halik nito. Ang mga kamay nito ay humahaplos na rin sa kanyang baywang.
Nang parehong kapusin ng hangin ay bahagya nilang inilayo ang mukha sa isa't-isa. Ngunit nanatiling nakayakap at magkadikit ang mga katawan nila.
Ilang beses pang humugot ng malalim na hininga si Blade upang pakalmahin ang sarili.
Ilang segundo rin silang tahimik bago nakakuha ng lakas ng loob si Jaica na magsalita.
"B-Boss!" Utal at halos wala ng lumabas ng tunog sa bibig niya.
Tumitig sa mukha niya si Blade saka sinapo nito ang pisngi niya.
"Good! Boss ang gusto ko, hindi sir o kahit ano. Boss lang at ako lang ang tatawagin mong boss. Nagkakaintindihan ba tayo?" Nakangising ani Blade.
Tumango-tango si Jaica na para bang masunuring bata. Sobrang lakas ng kabog ng kanyang dibdib halos hindi siya makahinga dahil sa nararamdamang pinaghalong kaba at saya.
Laking gulat ni Jaica ng bigla siyang buhatin ni Blade na parang mamahaling bagay. Para siyang isang prinsesa habang nasa mga bisig nito.
Hindi naman niya naiwasang mag-init at mamula ang mukha dahil sa nararamdamang kilig.
At hindi niya maiwasang hilingin na sana'y huminto ang oras ng mga sandaling iyon. Nag-uumapaw sa saya ang puso niya kaya kung nananaginip man siya ay ayaw na sana niyang magising pa.
Mahal na mahal niya si Blade at gustong gusto na niyang sabihin dito ang nararamdaman niya ngunit hindi niya alam kung ano ang magiging reaksyon nito kung sakaling umamin siya dito.
Nang makarating sila sa sala ay umupo si Blade sa sofa saka iniupo niya sa kandungan si Jaica.
Lalong namula ang mukha ni Jaica dahil sa pwesto nilang dalawa.
"B-Boss, h-hindi ba masyadong mahalay y-yung pwesto natin. P-Pwede naman akong umupo sa tabi mo." Utal at halos hindi makatingin na ani Jaica.
Ngumisi si Blade dahil kita niya ang pamumula ng buong mukha nito. Hinawi pa niya ang buhok sa mukha nito at isinipit sa tainga.
"Mahalay na sayo 'to? Paano na lang kung nakapatong na ako sayo?"
Mabilis na napatingin si Jaica sa mukha ni Blade at nanlalaki ang mata niya sa sinabi nito.
"Jusmiyo marimar, boss..!" Aniya.
Humagalpak sa pagtawa si Blade dahil sa naging reaksyon nito. Tuwang tuwa talaga siyang biruin si Jaica dahil sa pagiging inosente nito sa mga bagay.
Lalong lumakas ang kabog ng dibdib ni Jaica dahil sa pagtawa ni Blade. Ibinaon pa nito ang mukha sa pagitan ng kanyang leeg at balikat. Ramdam na ramdam niya ang mainit nitong hininga na tumatama sa kanyang leeg. Hindi niya alam kung naririnig ba nito ang lakas ng tibok ng puso niya.
BINABASA MO ANG
(Agent Series 8) The thief and the agent
RomanceCompleted Warning: Mature Content | R-18 Dahil sa hirap ng buhay at sa pagkakaroon ng sakit sa puso ng kanyang nakababatang kapatid ay pinasok ni Jaica ang trabahong hindi niya gusto upang matustusan niya ang mga pangangailangan nila at gamutan nito...