Chapter 8

1.2K 59 28
                                    

Nang makapasok sila sa loob ng unit ni Blade ay namamanghang inikot ni Jaica ang buong condo nito.

Para itong bata na tumakbo sa sala, kusina at labas ng balcony ng condo.

"Grabe, ang ganda ng bahay mo, boss. Ikaw lang mag-isa ang nakatira dito?" Tanong ni Jaica habang tinitingnan ang mga larawan na naka sabit sa dingding.

Pagod na tumingin si Blade kay Jaica saka sumagot. "May nakikita ka pa bang ibang tao?" Aniya saka niya ipinasok sa loob ng kwarto ang mga gamit niya.

Nang lumabas si Blade ay kinuha nito ang ulam na ibinigay ng kapatid saka dumiretso sa kusina.

Sumunod naman si Jaica sa kanya saka tiningnan ang mga gamit bago binuksan ang ref.

Nakasandal sa counter top si Blade habang nakahalukipkip ang mga braso at pinagmamasdan si Jaica na abala sa pagkakalikot ng mga gamit niya. Napailing na lamang siya habang pinagmamasdan ito.

Parang kiti-kiti. Grabe ang likot. Ani ng isip ni Blade habang pinagmamasdan ito.

"Boss, penge akong tubig ah." Anito kaya tumango si Blade.

Kumuha ito ng baso saka binuksan ang ref. Ngunit wala itong nakitang tubig kaya humarap ito sa kanya.

"Wala kang tubig boss? Pwede bang inumin yang sa gripo?" Tanong nito.

Itinuro niya ang water dispenser sa likod nito kaya tumingin ito doon.

"Alam mo ba kung paano gamitin yan?" Tanong niya dito na tinanguan naman nito.

"Oo boss, meron nito doon sa karinderya na pinasukan ko noon."

Nang makakuha si Jaica ng tubig ay umupo ito sa harap ng mesa.

"Napagod ako." Reklamo ni Jaica saka ito uminom ng tubig.

Napangisi naman si Blade at umiling. "Paanong hindi ka mapapagod? Eh para kang bata na ginawang playground ang bahay ko."

Tumawa si Jaica saka nag peace sign ito sa kanya. Sandali itong natahimik kaya nanibago si Blade sa kanya.

Magtatanong sana siya dito ng bigla itong magsalita.

"Alam mo boss, pangarap ko rin na magkaroon ng sariling bahay. Pangarap kong maialis sa magulong lugar ang Lola at kapatid ko. Ayokong nakikita silang nahihirapan. Ayoko ng pakiramdam na parating pinapalayas kasi wala kang pambayad sa renta." Ani Jaica.

Lumapit si Blade sa mesa saka umupo din siya paharap kay Jaica. Kita ni Blade ang sakit na bumalatay sa mata nito kahit nakangiti pa ito sa kanya.

"Nasaan ba ang mga magulang nyo?" Tanong ni Blade.

Bumuntong-hininga ito saka ngumiti sa kanya ng hindi man lang umabot sa mata. "Ayon, maagang nakipag kita kay San pedro. Nagsawa agad sa buhay kaya iniwan kaming dalawa."

Tumango-tango si Blade saka mariing tumingin sa mata ni Jaica.

Humugot ng malalim na hininga si Jaica saka tumingin sa mata niya. "Alam mo boss, simple lang naman ang pangarap ko. Hindi ko naman gusto na yumaman tulad nyo. Gusto ko lang na mabigyan ng magandang buhay si Lola at si Joel. Gusto ko lang na mapakain sila ng tatlong beses isang araw. Sapat na sa akin yon basta alam kong okay silang dalawa."

Napangiti si Blade sa pagiging mapagmahal nito sa pamilya. At iyon ang isa sa ugali na hinahangaan niya kay Jaica. Mas uunahin pa nito ang pamilya kaysa sa sariling kapakanan.

Inabot niya ang ulo ni Jaica saka ginulo ang buhok nito. "Huwag kang mawalan ng pag-asa, Jaica. Malay mo, may plano si god para sa inyo."

Natigilan si Jaica saka tumitig sa gwapong mukha ni Blade. Napalunok siya ng ilang beses at napahawak sa dibdib ng maramdaman niyang mabilis na tumibok ang puso niya at parang may nagliliparan na insekto sa tiyan niya.

(Agent Series 8) The thief and the agentTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon