Chapter 24

1.4K 57 8
                                    

"Sigurado ka bang, okay ka lang?" Nag-aalalang tanong ng babaeng tumulong sa kanya.

Tipid na ngumiti si Jaica saka tumango dito.

Nasa ospital sila ngayon matapos ang nangyaring insidente sa mall. Nilapatan ng paunang lunas ang sugat na natamo niya dahil sa mga lalaking nag-abang sa kanya. Hindi naman iyon gaanong kalalim ngunit minabuti na rin nilang ipagamot upang huwag maimpeksyon.

"Salamat sa pagtulong, Mitch. Buti na lang napadaan ka." Aniya.

Tumango si Mitch saka umupo ito katabi sa kamang inuupuan niya. Nasa loob sila ng isang bakanteng kwarto.

"Mabuti na lang talaga nakabantay ako. Kung nagkataon, siguradong pinaglalamayan ka na. Mukhang hindi titigil si Sandra hanggat hindi ka niya naaalis sa landas niya para makuha niya ulit si Blade."

Gulat siyang napatingin dito saka kunot noong nagtanong.

"Nakabantay? Bakit mo naman ako babantayan? At saka paano mo nalaman na si Sandra ang may pakana non?"

Umiwas ng tingin si Mitch sa kanya saka sinagot ang isa sa tanong niya.

"Nalaman kong pinasusundan ka ni Sandra. Pinaimbistigahan ka rin niya. Buti na lang may nakapagsabi sa akin na may balak siyang ipadukot ka." Sagot ni Mitch sa kanya.

Agad na kumuyom ang kamao niya saka nanggagalaiting nagsalita. "Hayop talaga ang clown na yon. Hindi talaga siya titigil. Makikita niya kapag nagharap ulit kaming dalawa."

Napangiti si Mitch saka ito umiling. Sandaling namayani ang katahimikan sa kanilang dalawa hanggang magsalita muli si Mitch.

"Jaica, kailangan mong mag-ingat."

Agad siyang napabaling dito saka mariing tumingin sa mga mata nito. Kita niya ang pag-aalala dito kaya naguluhan siya.

"A-Anong ibig mong sabihin, Mitch? At saka sabi mo kanina binabantayan mo ako? Anong ibig sabihin non."

Umiling si Mitch bago ito lumapit sa kanya at hinawakan ang mga kamay niya.

"Alam kong hindi ka masama. At alam kong ginagawa mo lang ang lahat para sa pamilya mo dahil sayo sila umaasa. Kaya hanggat kaya ko, tutulungan kita, Jaica. Hanggat kaya ko poprotektahan kita."

"Mitch, naguguluhan na talaga ako sayo. Ano bang..."

"Black star." Nanlaki ang mata niya at umawang ang bibig sa gulat. Halos mamutla siya at mawalan ng kulay ang buong mukha niya. Pakiramdam din niya ay namamawis ang buo niyang katawan.

"Pa.. P-Paano mo...!" Kinakabahan niyang tanong na halos hindi niya maituloy.

Iilan tao lang ang nakakaalam ng tunay niyang pagkatao. Kaya nagtataka siya kung paano nito nalaman ang totoo.

"Hindi na mahalaga kung paano ko nalaman. Ang importante ay kailangan mong mag-ingat. Dahil hindi lang ang grupo ni Dino ang nagtataka sa buhay mo ngayon. Mayroon pang iba. Kaya kailangan mong magdoble ingat."

Umiling-iling siya saka tumayo at lumayo ng bahagya kay Mitch. Natatakot siya na baka sabihin nito kay Blade ang pinaka-iingatan niyang lihim. Hindi pa siya handa na magtapat kay Blade. Ni hindi nga niya alam kung paano sasabihin sa kasintahan ang totoo.

"Sino ka ba talaga? B-Bakit kilala mo ako? B-Bakit alam mo...."

"Jaica, makinig kang mabuti." Pagpuputol nito sa anumang sinasabi niya. Mariin itong tumitig sa mga mata niya. "Hindi ako ang kalaban mo dito. Hindi rin ako masamang tao. Nagkataon lang na ikaw ang misyon ko..."

"Misyon? Ano bang mga sinasabi mo, Mitch. H-Hindi kita maintindihan."

"Mahirap ipaliwanag ang lahat. Basta makinig kang mabuti sa akin Jaica. Nanganganib ang buhay mo. Kaya kung maaari talasan mo ang pakiramdam mo. Kung pwede mong paghinalaan ang lahat ng nakapaligid sayo, paghinalaan mo. Huwag kang magtitiwala agad sa iba. Naiintindihan mo ba ako?"

(Agent Series 8) The thief and the agentTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon