Chapter 2

1.5K 49 2
                                    

Habang nasa biyahe ay hindi mapoknat ang ngiti sa mga labi ni Jaica. Sobrang saya niya dahil sa wakas ay maooperahan na rin ang kapatid niya.

Ipinanganak na may butas sa puso ang nakababata niyang kapatid na si Joel. At habang lumalaki ito ay lalong lumalala ang kalagayan nito kaya kailangan maoperahan agad.

Ang totoo ay noon pa sila sinasabihan ng mga doctor na kailangan na itong maoperahan. At dahil mahirap lang sila at walang pera kaya kumapit na lang muna sila sa mga gamot nito at dasal. Lahat ata ng santo ay dinasalan na nila tuwing linggo mapahaba lang ang buhay ng kapatid.

Mayroon din itong asthma kaya lalo itong nahihirapan sa tuwing sinusumpong ito. Ewan ba niya kung bakit lahat ata ng sakit na pang mayaman ay kinuha na nito.

Pwede naman galis aso lang, o di kaya naman ay bulutong tubig. Mga ganon lang sana para hindi sila nahihirapan.

May kaunti naman siyang naipon at iyon ang gagamitin niya upang makaalis sila sa lugar kung saan sila nakatira ngayon. Ang perang nakuha naman niya kay Dino ang ibabayad niya sa ospital at mga gamot nito. Pambayad na din sa lahat ng pinagkakautangan nila. Baka kapag hindi pa sila nakapagbayad ay isumpa at ipakulam na sila ng mga pinagkakautangan nila.

Nang makarating siya sa lugar nila ay napakunot ang noo niya. Kitang kita niya sa madilim na iskinita ang lumulutang na mapuputing ngipin at mapuputing mata.

Kumunot ang noo niya ng matitigan ito. At ganon na lamang ang paghinga niya ng maluwag ng masilayan ng munting liwanag ang kaibigan at kababata niyang si Nognog. Akala niya ay minamaligno na siya.

Nognog ang tawag nila dito dahil mata at ngipin lang nito ang maputi. Tiyak niyang malulugi ang skincare company kung ito ang kukunin na model dahil makakaubos muna ito ng sang damakmak na pampaputi bago pumusyaw ang balat nito. Sigurado siyang sarado na ang kompanya pero ang kulay nito nasa balat pa rin.

Paano nga ba ito puputi kung mula ata umaga hanggang gabi ay laman na ito ng kalsada. Daig pa nito si waze dahil lahat ng kasuloksulukan sa lugar nila ay alam nito. Pati na rin lahat ng nangyayari sa mga kapit bahay nila ay may alam ito. Ito ang literal na walking cctv bukod sa mga chismosa niyang kapit bahay. Ika nga ay mas reliable source ito.

Huminto ito sa harapan niya saka huminga hinga ng malalim habang hawak ang dibdib nito.

"Nog, huwag masyadong lumapit. Naaamoy ko yung kinain mo kahapon at kanina. Amoy panis na." Aniya kaya lumayo naman ito.

Lihim siyang natawa dahil sa pagiging masunurin nito. Kahit madalas na inaasar niya ito ay mahal niya ito. Isa ito sa mapagkakatiwalaan niya sa lugar nila at talagang maaasahan.

"Bakit ba kasi tumatakbo ka? Tingnan mo, kabaong na lang ang kulang mukha ka ng bangkay. Ano ba kasing nangyayari?" Muli niyang tanong.

"Yong..." Hingal nitong ani.

"Yong ano? Nog, ayusin mo. Hihimatayin na ako sa amoy ng hininga mo. Hindi mo pa rin nasasabi kung ano ang sasabihin mo!"

"Si... Si J-Joel.." Putol-putol nitong ani.

Nanlaki ang mata niya saka tumakbo. Ngunit bago pa siya nakalayo ay sinabihan niya ito na tumawag ng taxi.

Nang makarating siya sa harap ng bahay nila ay nagkakagulo na ang mga kapit bahay nila. Mayroong nakikichismis lang at mayroon namang kunyaring naaawa. Mga plastic din naman.

"Lola!" Sigaw niya saka pumasok sa loob ng bahay.

Pagpasok niya ay nakita niyang buhat-buhat ng isang barangay tanod si Joel na walang malay at namumutla. Inilalabas ito mula sa kwarto.

Binundol siya ng matinding kaba at takot. Lumapit siya dito saka hinawakan ang kamay nito.

"J-Joel...! Bunso..! Kapit lang bunso. Dadalhin ka namin sa ospital. Maooperahan ka na. Basta kapit lang, ah." Umiiyak na niyang ani.

(Agent Series 8) The thief and the agentTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon