Chapter 12

1.4K 66 9
                                    

"Hays..! Nakakapagod, tapos ang mahal pa ng mga bilihin ngayon." Pagrereklamo ni Jaica ng mailapag nito ang pinamili nilang grocery sa kitchen top sa kusina.

Kararating lang nila galing sa supermarket upang bumili ng mga stocks nila sa bahay. At talagang nagulat siya sa mahal ng mga bilihin.

Hindi siya makapaniwala sa binayaran ni Blade sa cashier. Nagreklamo pa nga ito na ubos na daw ang laman ng wallet niya. Medyo nagulat pa ito dahil sa mahal ng binayaran niya. Pero alam naman niyang sisiw lang kay Blade ang binayaran nila.

Samantalang silang mahihirap ay kulang na lang magdala ng calculator habang namimili upang ibudget ang hawak nilang pera. Medyo kabado pa dahil nakakahiya kapag lumagpas sa budget. Tiyak niyang maiiwan sa pushcart ang mga kinuha niya.

Nalulula na lang siya sa mga presyo ng mga bagay na kinukuha ni Blade. Siya itong napapabuntong hininga.

Mayayaman talaga. Bulong niya sa sarili habang abala sa paglalabas ng mga pinamili mula sa plastic.

Napatingin naman si Blade sa kanya saka ngumisi ito habang kumuhuha ng tubig sa baso. "Makapagreklamo ka, akala mo ikaw ang nagbayad ah." Umiiling na anito saka uminom ng tubig.

Ngumiti si Jaica bago nagkamot ng ulo. "Syempre naman boss, naaawa ako sayo kasi pinaghirapan mo yong pera. At saka ang mahal kaya ng binayaran mo para lang sa limang plastic ng grocery." Sagot niya dito.

Lalong lumawak ang ngisi ni Blade.

Ibinaba nito ang baso sa sink saka naglakad palapit sa kanya.

Natigilan si Jaica ng makita ang ngisi nito sa labi habang papalapit ito sa kanya kaya napaatras siya.

At dahil nasa likod niya ang kitchen countertop kaya na corner siya nito. Nasa pagitan na siya ng counter top at matigas at matipunong katawan ni Blade.

Halos isang dangkal na lang din ang pagitan ng mukha nilang dalawa. At dahil matangkad ito kaya bahagya din itong yumuko na halos maamoy na niya ang mabango at mainit nitong hininga na tumatama sa kanyang tainga.

"B-Boss.." Utal niyang ani.

Napahawak na siya sa matitipuno nitong dibdib upang pigilan ang pagdikit ng katawan nito sa katawan niya.

Pakiramdam niya ay maririnig nito ang tibok ng nagwawala niyang puso.

Jusko.. Kumalma ka naman heart. Ang pangit naman tingnan kung aatakihin ka sa puso ng dahil lang sa gwapong lalaking ito. Hindi makatarungan yon. Pakikipag usap niya sa sarili.

Dahil sa kaba ay napayuko siya habang pilit na pinapakalma ang sarili. Ilang beses pa siyang huminga ng malalim at lumunok ng laway. Pakiramdam din niya ay nanlalambot ang tuhod niya. Mabuti na lamang at nakasandal siya sa kitchen countertop.

Nagulat siya at nanlaki ang mata ng hawakan ni Blade ang baba niya saka marahang iniangat iyon. Pakiramdam niya ay nagwawala na ang kanyang puso at gusto na nitong lumabas mula sa katawang lupa niya.

Jusko boss.. Huwag naman ganito. Papayag naman ako sabihin mo lang. Ani ng malandi niyang isip.

Nagtama ang kanilang paningin at sandali siyang napatitig sa mata nito. Nang hindi na niya makayanan pa ang uri ng mga titig nito ay umiwas na siya. Pakiramdam kasi niya ay binabasa nito ang kanyang iniisip.

Baka mabasa pa nito na ginagahasa niya ito sa isip. Mahirap na, may saltik pa naman ang amo niya.

Bumaba sa labi nito ang kanyang tingin. Muli siyang napalunok ng laway nang makita ang natural at mapupula nitong labi.

(Agent Series 8) The thief and the agentTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon