Chapter 11

1.2K 58 14
                                    

Sa dalawang buwan na pagtatrabaho ni Jaica sa bahay ni Blade ay mas lalo niyang nakilala ang binata.

Mas lalo rin siyang napalapit dito dahil sa pagiging mabait nito. Minsan nga lang ay mahirap talaga itong espelengin dahil daig pa nito ang nagbubuntis na pusa kung ito ay toyoin at mag mood swing.

Ngunit hindi siya nito pinabayaan at maging ang kanyang kapatid ay tinutulungan nito. At malaking bagay iyon para sa kanya.

Malaki ang utang na loob niya dito kaya naman ginagawa niya ang lahat upang mapagsilbihan at maalagaan ito sa abot ng kanyang makakaya.

Binabawasan din niya ang pagiging pasaway niya dito lalo na kapag pagod ito at wala pang pahinga.

Mahirap na, dahil baka tuluyan na siyang mapatalsik sa bahay ni kuya. Baka hindi pa man siya nagtatagal ay ma evict na siya.

Dahil din sa pagtatrabaho niya kay Blade ay unti-unting bumubuti ang kalagayan ni Joel. Hindi kasi ito pumapalya sa pag-inom ng gamot at pagkain ng masustansiyang pagkain. Kailangan na lang niya ay makapag-ipon upang maialis niya sa eskwater ang kapatid at Lola Narda nila.

Masaya siya ngayon kung ano man ang nangyayari sa buhay nila. Hindi tuloy niya maiwasang tawaging anghel si Blade kahit pa nga parati itong nakasimangot at galit.

Hulog talaga ito ng langit sa kanila dahil sa dami ng naitulong nito sa pamilya niya.

"Good morning, boss." Masayang bati niya kay Blade ng pumasok ito sa loob ng kusina habang naghuhugas siya ng kawaling pinaglutuan niya.

"Good morning." Tipid namang sagot ni Blade sa kanya.

Agad niyang ipinagtimpla ito ng kape saka pinaghainan ng almusal.

"Bakit mukhang hindi ka ata naka uniform ngayon, boss? Hindi ka ba papasok?" Nagtataka niyang tanong dito.

Umiling si Blade saka sumagot sa kanya. "Mamayang gabi pa ang pasok ko. Kumain ka na dahil may pupuntahan tayo."

Kumunot ang noo niya saka mariing tumingin sa binata. Wala itong nabanggit sa kanya kagabi bago matulog na may lakad sila kaya nagtataka siyang tumingin dito.

Nang umangat ang mukha ni Blade ay salubong ang kilay na tumingin ito sa kanya. "Ano pang hinihintay mo? Bilisan mo, ayokong naghihintay." Anito.

Mabilis siyang kumain, halos hindi na nga niya nalasahan pa ang niluto niya dahil sa pagmamadali niya. Mahirap na at baka masungitan na naman siya ng abnormal niyang amo.

Sabi nga nila ay sala sa init at sala sa lamig ang ugali nito. Mabuti na lang at gwapo kaya bagay ang pagiging masungit nito.

Matapos siyang kumain ay agad siyang tumakbo patungo sa kanyang silid saka mabilis na naligo at nagbihis.

Si Blade naman ay tahimik na naghihintay sa sala habang hawak ang cellphone nito.

Nang lumabas si Jaica ay sakto naman na tumayo si Blade upang sana ay katukin ang pinto niya.

"Okay na ako boss. Tara na." Ani Jaica na parang hinihingal pa.

Tumango si Blade saka nito kinuha ang susi at naglakad palabas ng unit habang nasa likuran nito sa Jaica.

Nang makarating sila sa parking lot at makapasok sa loob ng sasakyan ay hindi na nakatiis pa si Jaica. Kating kati na siyang malaman kung saan ba talaga sila pupunta kaya naman nagtanong na siya dito.

"Boss, saan ba tayo pupunta?"

Sinulyapan lamang siya ni Blade. "Malalaman mo rin kapag nandon na tayo. Kaya manahimik ka lang dyan." Sagot nito saka binuhay ang makina.

(Agent Series 8) The thief and the agentTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon