Chapter 10

1.4K 55 13
                                    

Mabilis na napabalikwas ng bangon si Jaica ng magising siya kinabukasan. Agad niyang iniikot ang paningin kung nasaan siya. Ang huli kasing natatandaan niya ay nasa labas siya ng pintuan ng bahay ni Blade dahil nakalimutan niya ang key card kaya hindi niya mabuksan ang pinto.

Hindi niya akalain na makakatulog siya dahil sa paghihintay dito. At hindi rin niya namalayan kung ano ang nangyari dahil sa sobrang pagod at antok.

Nang masigurado niyang nasa loob siya ng bahay at nasa sariling silid ay agad siyang nakahinga ng maluwag.

Tatayo na sana siya sa kama ng bigla siyang may naalala. Natigilan siya at saglit na nag-isip.

"Teka lang, pano ako nakapasok?" Tanong niya sa sarili. Hanggang sumagi sa isip niya ang akala niyang panaginip.

"Ibig sabihin, totoo yung nangyari? Hindi panaginip na binuhat niya ako?" Aniya habang kausap ang sarili.

Ang naguguluham niyang mukha ay napalitan ng saya. Humiga siya sa kama saka niyakap ang unan bago impit na tumili. Nagpaikot ikot pa siya sa kama habang tumitili dahil sa kilig na nararamdaman.

Hindi niya akalain na gagawin iyon ni Blade sa kanya. Napakabait nito kahit minsan ay saksakan ng sungit. Hindi lang masungit dahil may pagkasuplado pa. At alam niyang sa kabila ng kasungitan at kasupladuhan nito ay nagtatago ang kabaitan sa ibang tao.

Sandali siyang natigilan at napatingin sa kisame saka huminga ng malalim at malungkot na ngumiti. Hinawakan niya ang dibdib kung nasaan ang nagwawala niyang puso.

"Hanggang paghanga lang Jaica. Ipapaalala ko lang sayo na malayo ang agwat nyo sa buhay. Amo siya at katulong ka. Isa pa, alagad siya ng batas. Ikaw naman may atraso sa batas. Kaya hindi ka pwedeng mahulog sa kanya. Tandaan mo yan." Pagpapaalala niya sa sarili habang nakatingin sa kisame.

Bumuntong-hininga siya saka malungkot na tumayo mula sa pagkakahiga. Inayos niya ang higaan saka mabilis na pumasok sa banyo.

Siguro ay kailangan lamang niyang mabuhusan ng malamig na tubig upang mahimasmasan siya sa pagpapantasya.

Hindi siya maaaring mahulog kay Blade dahil tiyak niyang masasaktan lang siya. Isa pa ay trabaho ang kailangan niya at iyon ang dapat niyang intindihin. Lalo na may kapatid at Lola siyang umaasa sa kanya. Kaya kailangan niyang pigilan ang kung ano mang namumuong pagtingin niya para sa binata.

Hindi makabubuti para sa kanya kung hahayaan niyang mahulog siya dito. Sa bandang huli ay alam niyang siya lamang ang kawawa.

Nang matapos siyang maligo ay agad siyang nagbihis saka lumabas ng silid. Dumiretso siya ng kusina upang paglutuan ng almusal ang amo niya.

Sigurado siyang tulog pa ito, dahil alam niyang inumaga na ito ng uwi at tiyak niyang pagod ito sa trabaho.

At dahil bacon at hotdog na lang ang laman ng refrigerator kaya naman iyon na lamang ang niluto niya. Nang matapos siyang magluto ay inumpisahan naman niya ang pagba-vaccum ng buong bahay.

Nang matapos siya ay kinuha naman niya ang mga damit na isinampay niya kahapon upang tupiin.

Abala siya sa pagtutupi ng biglang bumukas ang pintuan ng kwarto ni Blade. Agad siyang napatingin dito.

Gumuhit ang tipid na ngiti sa kanyang labi ng makita niya itong hikab ng hikab habang nagkakamot ng noo. Mukhang antok na antok pa ito.

"Good morning boss." Masayang bati niya dito.

"Hmm.. Good morning." Sagot naman nito saka dumiretso sa kusina.

Tumayo siya at sumunod dito saka niya ito inalok ng kape at almusal.

(Agent Series 8) The thief and the agentTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon