"Manang Norma, nailista nyo ho ba ang lahat ng ibinilin ko? Huwag na huwag nyo pong kakalimutan ang lahat ng ipinabibili ko."
"Oo Jaica. Huwag kang mag-alala nailista ko lahat." Sagot ng matandang kasambahay sa kanya.
Napapagod siyang umupo sa harap ng mesa saka iniabot sa kasambahay ang pera.
"Sige ho. Mag-iingat ho ako. Bumalik ho kayo agad." Ani muli ni Jaica saka hinaplos ang malaki niyang tiyan.
"Ayos ka lang ba? Okay lang ba na iwanan kita sandali?" Nag-aalalang tanong naman ng matanda sa kanya.
Nakangiti siyang tumango dito. "Ayos lang ho. At saka tumawag na ho si Blade sa akin na pauwi na siya."
"Siya sige. Aalis na ako ng makabalik ako agad."
Pinilit niyang tumayo saka sumabay na naglakad sa matanda palabas ng kusina.
"Sige ho, magpasama na lang ho kayo kay Mang Badong. Para makabalik kayo agad. Medyo marami yang ipinabibili ko para sa party namin mamayang gabi."
Tumango ang matanda saka siya inalalayan nitong maupo sa sofa. Itinaas pa nito ang paa niya saka ipinatong sa unan.
"Maupo ka muna dyan. At huwag ka ng magkikikilos. Kabuwanan mo na kaya mahihirapan ka ng kumilos."
Bago umalis ang matanda ay ibinigay nito sa kanya ang cellphone upang may magamit ito incase na may mangyari sa kanya.
Nang makaalis ang matanda ay sandali siyang nag scroll sa facebook at nanood ng ilang nakakatuwang video sa YouTube nang biglang maramdaman niya ang paghilab ng tiyan.
Huminga muna siya ng malalim bago binitawan ang cellphone sa ibabaw ng coffee table saka dahan-dahang tumayo sa pagkakaupo.
Para siyang naiihi habang sunod-sunod na ang paghilab ng tiyan niya.
Ilang beses siyang bumuga at humugot ng hangin.
Dahan dahan siyang naglakad patungo sa banyo ngunit hindi pa man siya nakakapasok sa loob ay mayroong ng madulas na likido ang dumaloy mula sa binti niya.
"Ma-manganganak na ako." Aniya saka siya bumalik sa sala upang kuhanin ang cellphone.
Nang makarating siya sa sala ay agad niyang dinampot ang cellphone at tinawagan si Blade.
Ilang ring lang ay agad din naman nitong sinagot ang tawag niya.
"Yes, my baby. Need anything?" Masayang ani Blade sa kabilang linya.
"B-Blade."
"Baby, are you okay?"
"Ma-manganganak na ako." Mahinahong ani Jaica. Walang mababakas na pagpapanic sa mukha nito.
"What?!" Sigaw na ani Blade. Dahil sa gulat at naipreno pa niya ng malakas ang sasakyan. Mabuti na lamang at walang ibang sasakyan ang kasunod niya sa likuran.
"Manganganak na ako. Kaya bilisan mong umuwi." Ani muli ni Jaica.
Natulala si Blade at hindi agad nakakilos. Para bang biglang tumigil ang pagtibok ng puso niya at hininga.
"Blade?" Pagtawag ni Jaica sa kanya ngunit hindi siya sumagot.
Mukhang alam na ni Jaica kung ano ang nangyayari sa asawa kaya naman humugot muna siya ng malalim na hininga bago sinigawan ang asawa sa telepono.
"Blade...! Manganganak na ako! Kapag may nangyari sa amin babarilin kita! Bilisan mo!" Sigaw ni Jaica sa kabilang linya na siyang nagpanumbalik ng kulay ng mukha ni Blade at ulirat nito.
"N-Nandyan na baby. H-Hintayin mo ako. H-Hinga ng malalim. P-Paparating na ako. H-Huwag kang matataranta. H-Huwag kang magpa panic." Natatarantang ani Blade.
BINABASA MO ANG
(Agent Series 8) The thief and the agent
RomanceCompleted Warning: Mature Content | R-18 Dahil sa hirap ng buhay at sa pagkakaroon ng sakit sa puso ng kanyang nakababatang kapatid ay pinasok ni Jaica ang trabahong hindi niya gusto upang matustusan niya ang mga pangangailangan nila at gamutan nito...