Tahimik sa buong durasyon ng biyahe si Jaica habang nakaupo ito sa passenger seat ng sasakyan.
Pauwi na sila sa condo ni Blade matapos ang nangyaring pananambang at pagtatangka sa buhay nila. Ni hindi nito magawang sumulyap man lang sa kasintahan kahit katabi lamang niya ito sa harapan ng sasakyan.
Maging si Blade ay tahimik lang din na nakikiramdam sa mga kilos ni Jaica. Hindi siya nagtanong ng kahit ano dito. Walang lumabas ni isang salita sa bibig niya. Malalim ang kanyang iniisip at tila ba naguguluhan sa mga nangyayari.
Blade had no idea kung sino ang mga lalaking nagtangka sa buhay nila. Kung ano ang pakay ng mga ito sa kanila lalo na kay Jaica at kung sino ang nasa likod nito.
Ang ipinagtataka niya ay paano nakilala ni Jaica ang mga lalaking iyon. Bukod sa mukhang delikado ang mga ito ay mayroon ding matataas na kalibre ng baril.
Sumulyap siya kay jaica na nananatiling tahimik sa kanyang tabi. Nakatingin lamang ito sa labas ng bintana ng sasakyan na halos talikuran siya nito.
Sino ka ba talaga Jaica? Bakit biglang parang hindi na kita kilala ngayon. Ano ba ang mga isinisekreto mo sa akin? Aniya sa isip habang paulit-ulit niyang sinusulyapan ito.
Hindi sinasadyang nasulyapan niya ang peklat nito na nasa batok. Ngayon lamang niya ito natitigan ng maayos dahil madalas naman ay nasa ibang sitwasyon sila kaya hindi niya ito nabibigyan ng pansin.
Para itong isang paso na halos tumakip sa buong batok niya. Maitim ang paligid ng peklat na animoy may tinatakpan. Kung hindi siya nagkakamali ay para itong tattoo na sinadyang burahin tulad ng hinala niya noong una.
Sinubukan niyang tanungin kay Jaica kung tattoo ba ang nasa batok nito ngunit agad itong tumanggi. Kaya naman hindi na lamang niya iyon inungkat pa.
Pero dahil maliwanag at nakapusod ang buhok nito kaya mas malinaw niyang nakikita ang peklat nito.
Napabuntong-hininga na lamang siya saka hinilot ang sintido pababa sa ilong.
Alam niyang maraming isinesekreto ito sa kanya at ramdam niya iyon.
Marami siyang gustong itanong kay Jaica ngunit hindi niya alam kung paano sisimulan? Ni hindi nga siya sigurado kung magiging honest ba ito sa kanya.
Nang makarating sila sa condo ay tahimik pa rin si Jaica. Sinubukan niyang tawagin ang pangalan nito ngunit para itong wala sa sarili. Parang wala itong naririnig.
Nang makapasok ito sa loob ng unit ay dumeretso ito sa sala at umupo sa sofa na parang may malalim na iniisip.
Kumunot ang noo ni Blade habang pinagmamasdan niya ito. Balisa at paulit-ulit na kinukusot ang palad.
"Baby..!" Malambing niyang pagtawag dito ngunit tulad nung una ay nanatili itong walang reaksyon. Ni hindi ito sumulyap man lang sa kanya.
Humugot ng malalim na hininga si Blade saka siya dahan-dahang lumapit kay Jaica saka umupo at pumantay sa mukha nito.
"Hey, are you okay?" Aniya.
Napatingin ito sa mukha niya saka biglang tumayo at lumayo ng bahagya sa kanya.
Namumutla ito at namumula ang mata na para bang anytime ay tutulo ang luha nito sa mata.
Nakaramdam ng awa si Blade kaya mabilis niyang tinawid ang pagitan nila at niyakap niya ito ng mahigpit.
Dahil sa ginawa ni Blade ay tuluyan ng kumawala ang luha na kanina pa pinipigilan ni Jaica.
Hindi niya alam kung ano ang gagawin. Kinakain siya ng takot kaya halos hindi siya makatingin sa mata ni Blade.
BINABASA MO ANG
(Agent Series 8) The thief and the agent
RomanceCompleted Warning: Mature Content | R-18 Dahil sa hirap ng buhay at sa pagkakaroon ng sakit sa puso ng kanyang nakababatang kapatid ay pinasok ni Jaica ang trabahong hindi niya gusto upang matustusan niya ang mga pangangailangan nila at gamutan nito...
