Nang matapos ang naging date nila sa isang shooting range, kung matatawag nga ba ni Blade na date ang ginawa nila, ay nagpasya silang dumeretso sa isang malapit na mall.
Kahit gulat at hindi pa rin makapaniwala sa natuklasan si Blade ay nagpasya na lamang siyang nagpatianog sa gusto ng kasintahan.
Mahirap na dahil baka talagang samain siya lalo na't marunong itong humawak ng baril. At mukhang mas asintado pa kaysa sa kanya.
Mukha ring ginutom si Jaica dahil nag-aya na itong kumain sa isang fast food chain at namili na rin sila ng iba pang kailangan sa bahay.
Habang kumakain sila ay panay rin ang pagsulyap ni Blade sa kasintahan. Hindi siya makapaniwala sa natuklasan niya ng araw na iyon.
Hindi naman sa ayaw niyang matuto ito. Sa katunayan ay masaya siya dahil magiging panatag siya kung sakaling matuto itong protektahan ang sarili. Kung tutuusin ay gusto rin niya itong matuto ng taekwando para mas mapanatag siya.
Hindi lang niya mawari na ganon ito kagaling bumaril. Bigla tuloy siyang natakot para sa kinabukasan niya.
"Boss, kanina ka pa ganyan. Ang tahimik mo tapos kakaiba ka kung makatingin? Siguro sobrang na inlove ka sa akin noh. O di kaya nagagandahan ka sa akin?" Nakangiting tanong ni Jaica.
Mabilis na umiling si Blade.
Ang pagngiti ni Jaica ay nauwi sa pagngiwi at pagkunot ng noo.
"Hindi ako maganda?" Tanong nito sa kanya.
"Sinong may sabing hindi ka maganda?" Nagtataka namang tanong ni Blade.
"Ikaw! Eh, umiling ka kaya nung tinanong kita." Ani muli ni Jaica saka sumimangot ito at isinubo ang pagkain.
Napailing si Blade saka hinaplos ang pisngi ni Jaica. "Maganda ka. Ikaw ang pinaka maganda sa paningin ko." Aniya kaya agad na nagliwanag ang mukha ni Jaica.
"Okay, alam ko naman yon." Ani ni Jaica na tinawanan naman niya. Napailing pa siya habang nakangiti.
Masaya na ulit itong kumakain habang nakatitig lamang siya dito.
"Baby?!" Pag-agaw niya sa atensyon nito habang pinupunasan niya ng tissue ang labi nito.
"Hmm?" Tanong naman ni Jaica na nasa pagkain pa rin ang tingin nito.
Kailangan niyang malaman kung paano ito natutong humawak ng baril. At kung sino ang nagturo dito.
Simula rin ng malaman niyang marunong itong humawak ng baril ay iniisip na niya kung saan ba niya itatago ang mga baril niya sa bahay. Mahirap na dahil baka sa kanya nito gamitin iyon. Siguradong tapos siya."Ahm, baby. Paano ka natutong...?"
"Paano ako natutong bumaril? Yon ba?" Sansala ni Jaica sa itatanong niya.
Tumango si Blade saka uminom ng tubig.
"Dahil sa mga girls..."
"Wait...! Ibig mong sabihin sila ang nagturo sayo?" Gulat at kinakabahan niyang tanong dito.
Hindi na siya nagulat pa kay Avia at Aria dahil dating alagad ng batas ang magkapatid kaya marurunong ang mga itong humawak ng baril. Ngunit si Nathalia, Althea, at Beatriz ay tiyak niyang tulad ni Jaica ay nag-aral din.
Kailangan niyang mawarningan ang mga kaibigan niya. Kung hindi tiyak niyang may paglalamayan oras na gumawa ng kalokohan ang mga kumag niyang kaibigan.
Tumango-tango si Jaica habang kumakain ito. Si Blade naman ay tila ba hindi na natutunawan sa kinakain niya kaya hindi na niya inubos ang pagkain at inilayo niya iyon sa harap niya.
BINABASA MO ANG
(Agent Series 8) The thief and the agent
RomanceCompleted Warning: Mature Content | R-18 Dahil sa hirap ng buhay at sa pagkakaroon ng sakit sa puso ng kanyang nakababatang kapatid ay pinasok ni Jaica ang trabahong hindi niya gusto upang matustusan niya ang mga pangangailangan nila at gamutan nito...