Chapter 7

2.7K 79 27
                                        

Napasulyap si Blade kay Jaica na masayang nakaupo sa passenger seat ng sasakyan niya.

Nagmamasid ito sa labas ng bintana mula sa loob ng sasakyan na bakas sa mukha nito ang kasiyahan.

Hindi niya alam kung bakit kusang nagdesisyon ang mga kamay at paa niya upang balikan ito sa parking lot na pinag-iwanan niya dito.

Ang totoo ay nakaramdam siya ng awa dito habang papaalis siya. Para kasi itong batang naiwan at nawawala.

Hindi rin maalis sa isip niya ang mukha nitong malungkot habang papaalis siya.

Kahit hindi niya gusto ng may kasama sa bahay at hindi siya sanay na may ibang tao sa bahay niya ay wala siyang nagawa kung hindi bigyan ito ng trabaho upang hindi na bumalik sa pandurukot.

"Boss, thank you ah."

Nakataas ang kilay niyang sinulyapan ito. "Para saan? Eh magtatrabaho ka naman." Aniya saka muling ibinalik ang atensyon sa kalsada.

Humarap si Jaica sa kanya bago ngumiti. "Alam ko naman yon, boss. Pero salamat pa rin. At saka pangako na pagbubutihan ko ang paglilinis ng bahay mo. Sasarapan ko pa ang pagluluto ko. Promise yon." Anito na itinaas pa ang kanang kamay.

Ngumisi si Blade saka sumulyap muli kay Jaica. "Parang duda ako. Ngayon pa lang kinakabahan na ako sa gagawin mo sa bahay ko. Basta huwag ka lang gagawa ng kapalpakan kung ayaw mong mapalayas."

Ngumuso si Jaica kaya napatingin si Blade sa labi nito. Agad niyang inalis ang tingin niya doon. Hindi niya maipaliwanag kung bakit may kakaiba siyang nararamdaman sa tuwing titingin siya sa labi nito. Para bang tukso iyon sa kanya.

"Si boss naman, nega agad. Hindi pa nga nakakapasok sa bahay ni kuya, evicted na agad." Ani Jaica.

Tinaasan muli niya ito ng kilay kaya nag peace sign ito sa kanya saka ngumiti.

Humarap ito sa kalsada saka hinimas ang tiyan. "Boss, malayo pa ba ang bahay nyo? Nagugutom na kasi ako eh."

Salubong ang kilay na tumingin si Blade kay Jaica. Hindi siya makapaniwalang may nabubuhay na ganitong tao. Hindi marunong mahiya at talagang makapal ang mukha. Kung sa kakapalan ng mukha ay talagang nangunguna ito.

"Hindi naman makapal ang mukha mo, ano?"

Sumimangot si Jaica saka bumulong. "Kaninang umaga pa kasi akong hindi kumakain. Gutom na gutom na ako." Bulong niya na hindi nakatakas sa pandinig ni Blade.

Humugot ng malalim na hininga si Blade saka umiling. "May madadaanan tayong fast food. Mag drive thru na lang tayo." Ani Blade saka umiling. "Tsk! Tsk! Ngayon pa lang namumulubi na ako sayo."

Tumango na lang si Jaica at tahimik na umupo.

Ngunit nakaka ilang minuto pa lang siyang nananahimik ay nainip na agad siya. Kaya naman tiningnan niya ang stereo ng sasakyan saka binuksan ito. Naghanap siya ng magandang tugtog sa lahat ng istasyon at nang wala siyang matipuhang kanta ay pinatay na lamang niya ang stereo.

Pinakikiramdaman lamang ni Blade ang lahat ng kilos nito dahil sa kalsada siya nakatingin. Inaabangan kasi niya ang dadaanan nilang fast food chain dahil baka lampasan nila ito.

Nang mainip muli si Jaica ay ang mga compartment naman sa harapan ng sasakyan ang pinagdiskitahan nito.

Sinulyapan ito ni Blade at ganon na lamang ang pag-iling niya ng makitang kinakalikot nito ang mga gamit niya sa dashboard ng sasakyan. "Talaga bang hindi mapakali yang mga kamay mo? Kalikot ka ng kalikot dyan. Mamaya kung ano makita mo dyan."

Inaalala ni Blade ay baka makita nito ang itinago niyang baril sa loob ng compartment. Sadyang naglalagay sila ng baril sa loob ng sasakyan incase na kailangan nila ito.

(Agent Series 8) The thief and the agentTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon