Chapter 17

2.4K 74 14
                                        

"What are you doing here, Sandra?!" Galit na tanong ni Bryan. Lumapit pa ito ng bahagya kay Blade dahil nag-aalala ito sa kapatid.

"Hi Bryan. Long time no see." Nakangiting anito.

Habang si Blade ay nanatiling nakatitig sa mukha ng dalaga ngunit mababakas sa mukha nito ang matinding galit at pagkamuhi.

"Dad, what's the meaning of this?" Nagtatakang tanong ni Bryan sa ama. Hindi niya alam kung ano ba ang ginagawa ng mga ito. Ngunit malinaw sa kanila na may binabalak ang ama nila.

Ngumiti ang kanilang ama pati na rin ang ina ni Blade.

Lumapit kay Blade ang kanyang ina saka hinaplos ang balikat niya. "Son, alam kong hindi maganda ang paghihiwalay nyong dalawa noon ni Sandra. Pero tapos na yon at nakaraan na. At alam namin na hanggang ngayon ay mahal mo pa rin siya. At ganon din naman si San...."

Mapait na humalakhak si Blade saka ito namumuhing tumingin sa babae at sa mga magulang niya.

Umiling iling pa siya saka nakapamulsang lumayo sa mga ito.

"This is unbelievable. Mahal? Sinong maysabi?" Aniya habang nang-uuyam na tumingin sa mukha ni Sandra.

"Blade.." May pagsusumamong ani Sandra. Lalapit sana ito sa kanya ngunit mabilis niyang itinaas ang isang kamay upang patigilin ito.

"Dyan ka lang. Huwag kang lalapit sa akin." Galit at nanggagalaiti niyang ani.

Tumingin siya sa mga magulang saka nagtanong. "Ito ba yung surprise na sinasabi nyo? Siya ba yung surprise nyo sa akin?" Aniya habang nakaduro ang hintuturo kay Sandra.

Tumawa siyang muli saka umiling bago siya nakangising tumingin sa mga ito. "Anong kalokohan 'to? Well, na surprise naman ako. Yon nga lang hindi ako natuwa sa surprise nyo. Dahil wala naman nakakatuwa sa nangyayari dito. Ano pa nga bang aasahan ko inyo?"

"Blade, please, can we talk." Sabad naman ni Sandra kaya nanlilisik ang mata niyang tumingin dito.

"At sa palagay mo, gusto kitang makausap? Last time we talk, sinabi mo sa akin na ayaw mo sa tulad kong patapon ang buhay. Sabi mo ayaw mo sa tulad kong walang pangarap at walang mararating dahil mas pinili ko ang pagpupulis. Now, you want to talk. Anong kagaguhan naman ngayon ang sasabihin mo?!" Mahinahon ngunit may diin at galit niyang ani.

Kita niya ang pangingilid ng luha sa mata nito. Ngunit wala siyang pakialam. Kung tutuusin ay kulang pa ang mga sinabi niya sa mga naramdaman niya noon.

"Iho, pakinggan mo muna kami." Awat ng kanyang ama.

Dinig nila ang mga bulungan ng mga taong nakakasaksi sa mga nangyayari. At alam niyang nasa kanila ang lahat ng atensyon ng mga ito.

"Sige dad, pakikinggan ko ang sasabihin mo. O baka gusto mo ako na mismo ang magsabi kasi mukhang alam ko na kung saan pupunta tong usapan na to." Nanginginig sa galit niyang ani.

"Son.." Saway ng kanyang ina.

Nginisihan niya ang mga ito at mapait na ngumiti. "Kaya ba may merging ng kompanya dahil plano nyong ipakasal ako kay Sandra? Tama ako hindi ba? At sa palagay nyo, papayag ako?"

"Iniisip lang namin ang makakabuti para sayo." Sagot ng kanyang ama.

Dahil sa galit niya ay nasuntok niya ang mesa kaya napasinghap ang mga tao.

"Damn..! Tang inang rason yan! Bakit ba ang hilig hilig nyong pakialam ang buhay naming magkapatid. Bakit ang hilig nyong panghimasukan ang mga desisyon namin sa buhay. The fact na alam nyong hindi para sa amin yang sinasabi nyo. Alam na alam nyong para sa ikakabuti nyo ang lahat ng ginagawa nyo!"

(Agent Series 8) The thief and the agentTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon