Nang magising si Blade kinabukasan ay wala na si Jaica sa kanyang tabi. Agad siyang bumangon saka inayos ang kamang tinulugan bago nagpasyang maligo.
Bahagya pa siyang napapangiti habang naliligo dahil sa magdamag na pinagsaluhan nila ng kasintahan. Talagang pinagbigyan siya nito at hinayaan kung ano ang gusto niyang gawin dito.
Hindi tuloy niya maalis sa isip na magduda at maghinala dahil sa kakaiba nitong ipinapahiwatig, ngunit agad namang napapawi ang pagdududa niya sa tuwing sasambitin nito kung gaano siya nito kamahal.
Mabilis niyang tinapos ang panliligo at saka nagmamadaling lumabas ng banyo. Hinanap niya ang damit na hinubad lalo na ang pantalon dahil sa bagay na itinago niya kay Jaica.
Nang makapa niya sa bulsa ng hinubad na pantalon ang pulang velvet box ay agad siyang napangisi. Binuksan niya ito at lalong lumawak ang kanyang pagkakangiti nang makita ang singsing na binili niya para kay Jaica.
Muntik na niyang ibigay ito kay Jaica ngunit pinigilan niya ang sarili. Gusto kasi niyang maging perpekto ang pagpo-propose niya dito.
At plano niyang alukin ito ng kasal pagkatapos ng kaso na hawak niya. Kaya minabuti muna niyang maipakulong at matapos ang problema nila kay Dino bago siya mag propose dito. Gusto din niyang alukin ito ng kasal sa harap ng mga kaibigan nila at ng pamilya ni Jaica.
Gusto na niyang pakasalan si Jaica at hingiin ang kamay nito sa Lola at kapatid. Gusto na rin niyang bumuo ng pinapangarap niyang pamilya nilang dalawa.
Kaya agad siyang nagplano na mag propose dito. Tinulungan siya ng mga kaibigan upang ayusin ang lahat. Binili rin agad niya ang singsing dahil hindi na siya makakapaghintay pa.
Nakangiti niyang itinago ang singsing sa loob ng closet saka siya mabilis na nagbihis.
Agad siyang lumabas ng kwarto upang hanapin si Jaica. Natagpuan niya ito sa kusina na abala sa pagluluto habang suot nito ang damit niyang hinubad kagabi.
Wala itong suot na sapin sa paa at pang ibabang saplot at tanging t-shirt lamang niya ang suot nito.
Nakapusod paitaas ang buhok nito kaya kitang kita niya ang batok nito pati na rin ang buradong tattoo at peklat.
Dahan-dahan siyang lumapit saka mabilis na niyakap ang baywang nito mula sa likuran.
"Good morning, baby." Malambing na ani Blade bago niya ibinaon ang mukha sa leeg at balikat nito.
Inamoy niya ito at hinalikan sa leeg habang humahaplos ang mga kamay sa tiyan paakyat sa dibdib.
"Good morning, baby boss." Nakangiti namang ani Jaica.
Napataas ang isang kilay niya saka ngumisi at kinagat ng mahina ang nakalabas nitong balikat.
"Baby boss? Hmm?" Aniya habang paulit-ulit niyang kinakagat at hinahalikan ang leeg at balikat nito.
Mahinang natawa si Jaica saka humarap sa kanya at yumakap ang mga braso nito sa leeg niya.
"Bakit? Baby boss naman talaga kita ah. Boss kita tapos baby pa. Kaya baby boss. Ayaw mo ba?" Naglalambing na ani Jaica habang hinahawi ang buhok niya sa noo.
"Hmm... Hindi naman sa ayaw ko. Kaso weird lang. Kasi feeling ko ang laki ng ulo ko tapos naka diaper ako katulad nung baby boss na palabas." Ani Blade
Napahagikhik si Jaica sa pagtawa saka isinubsob ang mukha sa dibdib niya.
Natatawa niya itong binuhat at pinaupo sa ibabaw ng kitchen counter top saka siya pumwesto sa gitna ng mga hita nito habang nakatayo.
Hinalikan niya ito sa noo, ilong, pisngi at labi saka niya tinitigan.

BINABASA MO ANG
(Agent Series 8) The thief and the agent
عاطفيةCompleted Warning: Mature Content | R-18 Dahil sa hirap ng buhay at sa pagkakaroon ng sakit sa puso ng kanyang nakababatang kapatid ay pinasok ni Jaica ang trabahong hindi niya gusto upang matustusan niya ang mga pangangailangan nila at gamutan nito...