"Anak ng...!" Gulat na bulong ni Blade ng makapasok siya sa loob ng rest house at makita niya doon ang mga kaibigan at kasamahan na tulad niya ay gulat din ng makita siya.
Tumingin siya kay Jaica na may pagtataka sa mukha ngunit nginitian lamang siya nito kaya muli niyang ibinalik ang tingin sa mga kaibigan.
Ang akala talaga niya ay sila lamang dalawa ang magbabakasyon kaya nga pinaplano niyang magpropose dito habang nasa bakasyon sila.
"Boss?"
Napatingin siya kay Jaica ng tawagin siya nito at malambing na yumakap sa leeg niya. Hinaplos pa nito ang isa niyang pisngi saka ngumiti sa kanya.
"Alam kong miss mo na silang lahat, kahit hindi mo sinasabi." Ani Jaica.
Umingos siya saka tumingin sa mga kaibigan. "Bakit ko naman sila mamimiss? Sino ba sila?" Nakasimangot niyang ani.
Dahil sa isinagot niya ay mahinang natawa ang mga kaibigan niya at napailing pa ang mga ito.
"Boss, alam kong kahit nagtatampo ka sa kanila eh gusto mo pa rin silang makita at makasama. Kahit sinasabi mong ayaw mo at galit ka sa kanila, alam ko dyan sa puso mo ay mahal mo sila. At dahil mahal kita at ayaw kong nakikita kang malungkot, kaya gumawa na ako paraan para magkaayos na kayo." Ani Jaica.
Naging malambot ang kanyang ekspresyon saka buong pagmamahal na tumingin kay Jaica. Sa paningin niya ay para itong isang anghel na ibinigay ng diyos sa kanya.
Sobrang mahal niya si Jaica at nagpapasalamat siya sa pagmamahal na ibinibigay din nito sa kanya. Hindi nga niya alam kung deserve ba niya ang pagmamahal na ipinapakita nito sa kanya. Kung karapat-dapat ba siya para kay Jaica.
Minsan natanong pa niya ang sarili kung ano bang magandang nagawa niya at pinagkalooban siya ng tulad ni Jaica.
Ibinaba niya ang nakasukbit na bag sa balikat saka nakapamaywang na tumingin sa mga kaibigan. Nagkamot pa siya ng noo bago bumuntong-hininga.
"Bakit parang baliktad ata? Wala naman akong kasalanan sa kanila para ikaw ang gumawa ng way para makausap ko sila. At isa pa, ang panget ng surprise mo, baby. Hindi ko gusto." Aniya saka siya umingos muli.
Natawa na lamang si Jaica pati na rin ang mga kaibigan nila.
"Paano ka naman namin makakausap. Eh ikaw ang lumalayo sa amin, ayaw mo kaming kausapin." Ani ni Jace na bahagyang naglakad palapit sa kanya.
"Tama, ikaw nga itong nang-iwan hindi kami. Ikaw itong tumalikod sa amin." Nagtatampong ani naman ni Xander.
Bumuntong-hininga muna si Jake saka nagsalita rin ito. "Gaano ba kalaki ang galit mo sa amin para magpalipat ka pa ng ibang departmento. Kahit ayaw ko may nagawa ba ako para pigilan ka?" Hinanakit naman ni Jake.
"At saka aminado naman kami na may kasalanan kami. Pero hanggang kailan ka ba magagalit sa amin?" Tanong naman ni Hiro na tulad ng iba ay lumapit na rin sa kanya.
"Pilit kaming lumalapit sayo pero ikaw itong lumalayo. Parang ayaw mo na kaming makita at makasama pa. Hindi mo na ba talaga kami mapapatawad?" Malungkot na ani naman ni Kurt.
"Best friend, namiss ka na namin. Lalo na ako. Miss na kita best friend." Ani naman ni Jace.
Tiningnan niya isa isa ang mga ito saka siya napabuntong-hininga at umiling.
Wala naman siyang magagawa dahil kahit anong gawin niya ay mahal niya ang mga kaibigan niya at pamilya para sa kanya ang mga ito. Kahit pa nga puro kalokohan lang ang dulot ng mga ito sa kanya.
Tumingin siya sa mga ito saka para sumusukong tipid na ngumiti sa mga kaibigan.
Napangiti na rin ang lahat at sabay-sabay na lumapit sa kanya at yumakap. Ginulo pa ng mga ito ang buhok niya kaya naiinis siyang itinulak ang mga ito. Alam nila na ayaw niyang pinagdidiskitahan ang buhok niya. Kaya tumatawang lumayo ang mga ito sa kanya.
![](https://img.wattpad.com/cover/284463026-288-k250421.jpg)
BINABASA MO ANG
(Agent Series 8) The thief and the agent
RomanceCompleted Warning: Mature Content | R-18 Dahil sa hirap ng buhay at sa pagkakaroon ng sakit sa puso ng kanyang nakababatang kapatid ay pinasok ni Jaica ang trabahong hindi niya gusto upang matustusan niya ang mga pangangailangan nila at gamutan nito...