Chapter 37

2.5K 68 12
                                        

Malalakas na pagsabog at sunod-sunod na putok ng baril ang gumising kay Jaica mula sa pagkakatulog.

Kahit nanghihina at panay sugat ang katawan sanhi ng pagpapahirap ng mga dumukot sa kanya ay pinilit niyang tumayo at sumilip sa labas ng kulungan kung saan siya nakakulong.

Medyo madilim at hindi gaanong maaninag ngunit dinig niya ang mga nagtatakbuhang yabag ng mga paa. At sigurado siyang hindi maganda ang nangyayari sa labas at hindi na rin ligtas kung nasaan siya ngayon.

Hindi niya alam at wala siyang ideya kung ano ba ang nangyayari sa labas. Hindi rin niya alam kung ano ang mangyayari sa kanya dahil hindi niya magawang makatakas sa kulungan na kinalalagyan niya.

May takot at matinding pangamba siyang nararamdaman para sa sarili at lalo na para sa batang dinadala niya. Inaalala niya ay baka tamaan sila ng bala at mas malala pa ay madamay sila sa pagsabog.

Iika-ika siyang naglakad pabalik na kinahihigaan niya saka naupo ng dahan-dahan sa malamig na sahig. Niyakap niya ang sarili at tahimik na nagdasal para sa kaligtasan nilang mag-ina.

Ngunit laking gulat niya ng biglang may dumating na tatlong lalaki at binuksan ang kulungan niya.

"S-Sino kayo?" Nahihintakutan siyang tumingin sa mga ito saka tanong.

Imbis na sumagot ay hinawakan siya ng mga ito sa magkabilang braso saka pilit na itinayo at kinaladkad palabas sa loob ng kulungan.

"S-Saan nyo ako dadalhin? P-Parang awa nyo na..!" Nanginginig at umiiyak niyang ani habang pilit siyang kumakawala sa pagkakahawak ng mga ito.

Ngunit tila mga bingi at walang naririnig ang mga lalaki. Habang naglalakad sila ay kita niya ang mga nakahandusay na katawan na tila ba duguan at wala ng buhay. Mga naliligo sa sarili nilang dugo, kaya lalo siyang kinain ng takot.

Napahawak siya sa impis na tiyan habang umiiyak at nanlalaki ang mga matang nakatingin sa mga lalaking may hawak sa kanya. Puno ng pagmamakaawa at pagsusumamo siyang umiiyak sa mga ito.

"P-Parang awa nyo na. Huwag nyo akong patayin. H-Huwag....!" Patuloy niyang pagmamakaawa habang humahagulgol sa pag-iyak.

Hindi niya alam kung makakaligtas ba siya sa kamay ng mga ito. Ayaw man niyang humantong sa masalimuot na pagkamatay ang mangyari sa kanya, ay wala siyang magawa. Tiyak niyang hindi ito matatanggap ni Blade. Lalo pat nangako siya na babalikan niya ito. Ngunit paano kung nasa sitwasyon siya na halos wala na siyang lakas at wala ng pag-asa na makaligtas pa siya.

Nang makarating siya sa isang silid ay nakita niya doon ang dating kasamahan na si Hendrix? Tulad niya ay napilitan din ito at pinahirapan upang maging kaisa nila. Ngunit malaki ang ipinagbago nito simula ng mawala ito. Para itong naging ibang tao at naging mabangis pa sa hayop. Tila din ay hindi na siya kilala nito at para bang nabura na ang lahat ng dating ito. Para bang ibang tao sa dati nitong mukha.

Balot ng itim na gloves ang mga kamay nito habang may nakasubong tabako at may naglalarong ngisi sa labi.

"H-Hendrix!"

"Kumusta black star?"

"Hendrix, p-parang awa mo na. P-Pakawalan mo na ako. H-Hendrix, please." Pagmamakaawa niya sa lalaki.

Ngunit tinawanan lamang siya nito saka ngumisi at naglakad palapit sa kanya. Hinawakan nito ang baba niya saka binugahan ng usok ng tabako sa mukha.

Napapikit siya habang umiiyak.

"At bakit ko naman gagawin yon? Ano naman ang mapapala ko kung gagawin ko yon, hmm?"

Tiningnan niya ito sa mata saka sumagot dito. "P-Please, Hendrix. B-Buntis ako. Parang a-awa mo na. K-Kahit para na lang sa batang dinadala ko." Aniya bago lumuhod habang umiiyak.

(Agent Series 8) The thief and the agentTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon