Chapter 14

1.4K 70 19
                                    

Agad na bumuga ng hangin si Blade nang makalabas siya sa entertainment room.

Pakiramdam niya ay kinakapos siya ng hininga dahil sa pagwawala ng puso niya. Halos nabibingi na siya sa lakas ng tibok nito at hindi na normal ang paghinga niya.

Hindi niya akalain na ganon kaganda si Jaica. Hindi naman nakapagtataka iyon, dahil kahit simple at walang kaayos ayos ito sa sarili ay maganda na. Lalo lang lumabas ang tunay nitong ganda ng maayusan.

At talagang nabuhay ang lahat ng natutulog niyang dugo. Hindi lang dugo ang nabuhay sa kanya. Dahil literal na nabuhay ang pagkalalaki niya. Hindi tuloy niya alam kung paano niya ito titingnan kapag sila na lamang dalawa. Sana lang ay makontrol niya ang sarili.

Ang totoo ay gustong gusto na niya itong hablutin at ikulong sa mga bisig niya upang huwag makita ng iba kung gaano ito kaganda. Parang bigla siyang nakaramdam ng galit at selos at gustong na lang niya ay ipagdamot ito sa iba.

Bago pa man niya ito mahablot at yakapin ay minabuti na lamang niyang umalis mula sa silid. Hindi maganda para sa kanya ang nararamdaman niya.

Hindi rin magandang senyales iyon, dahil huli niyang naramdaman iyon para sa isang babae ay noong panahong minahal niya si Avia.

At natatakot siyang maramdaman muli iyon. Natatakot siyang maiwan at ipagpalit sa iba.

Bata pa lang siya ng ipagpalit siya ng mga magulang dahil sa pera at kapangyarihan. Muli niya itong naramdaman ng iwanan siya noon ng dating nobya at ipagpalit sa karangyaan. Kaya hindi na niya hahayaan pa ang sarili na umibig at masaktan muli.

Pipilitin niyang pigilan ang kung anomang namumuong damdamin niya para kay Jaica.

Hindi naman siya tanga para hindi malaman kung ano ang nararamdaman niya. Kung bakit ganon na lang kahalaga si Jaica sa kanya. Kung bakit parati niya itong tinutulungan. At ayaw niya ring nakikita itong nahihirapan at umiiyak. Gusto niyang tulungan ito sa abot ng makakaya niya. At umpisa pa lang ay alam na niyang may espesyal na itong parte sa puso niya.

Ngunit pilit niyang nilalabanan ang nararamdaman, dahil takot siyang masaktan muli. Grabe ang trauma na dinanas niya sa mga taong nakapaligid sa kanya noon. Sila ang nagtanim sa isip niya na hindi siya karapat dapat mahalin. Sila ang naging dahilan kung bakit tingin siya sa sarili ay hindi worth it upang mahalin.

"Blade..!" Napatingin siya sa likuran ng tawagin siya ni Avia.

Agad na gumuhit ang ngiti niya sa labi. "Anong ginagawa mo dito? Pinasunod ka ba ng magaling mong asawa?" Tanong niya.

Tumawa ng mahina si Avia saka lumapit sa kanya.

"Bakit ka umalis? Galit ka ba?"

Kumunot ang noo niya saka tumingin dito. "Galit? Bakit naman ako magagalit?"

"Eh bakit ka nag walk out? Ano yon trip mo lang?"

Natawa siya saka niya ginulo ang buhok nito.

"Ano ba? Hanggang ngayon hindi ka pa rin nagbabago. Parati mo pa ring ginugulo ang buhok ko." Pagrereklamo nito sa kanya.

"At hanggang ngayon maliit ka pa rin, baby girl."

Ngumuso ito at akma siyang hahampasin sa balikat ng mabilis siyang umilag dito.

Sandaling natahimik silang dalawa at walang nagsalita. Nakatingin lamang silang dalawa sa mga bulaklak na natatanaw nila sa hardin. Hanggang putulin ni Avia ang katahimikan nilang dalawa.

"I'm sorry." Ani Avia kaya salubong ang kilay niyang tiningnan ito.

"Hmm? Sorry saan?"

Tumingin si Avia sa mata niya saka sumagot. "Pakiramdam ko kasi ang laki ng kasalanan ko sayo. Kaya gusto kong mag sorry."

(Agent Series 8) The thief and the agentTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon