Mataas na ang sikat ng araw nang magising si Jaica kinabukasan. Pupungas pungas siyang napalingon sa kanyang tabi upang tingnan ang kasintahan.
Umupo siya saka naghikab at banayad na inihilamos ang kamay sa mukha.
Natatandaan pa niya kagabi ng magising siya at nasa mga bisig na siya ni Blade. Mahigpit itong nakayakap sa kanya na para bang mawawala siya oras na bitawan siya nito.
Naalala din niya ang mga sinabi nito sa kanya bago siya tuluyang makatulog.
Ang mga binitawan nitong salita na kahit papaano ay nakaalis ng mga agam agam niya at pangamba. Ngunit hindi pa rin niya maiwasan na matakot para sa kaligtasan ng mga mahal niya sa buhay.
Nang iwanan siya ni Blade ay nakapag-isip isip siya at napagdesisyunan niyang tapusin na ang lahat ng kinakaharap niyang problema. Hindi niya alam kung paano ngunit gagawin niya ito upang hindi na madamay pa ang Lola at kapatid niya. Lalong lalo na ang pinakamamahal niyang lalaki.
Hindi siya makakapayag na madamay ito sa mundong tinakasan na niya ng maraming taon. At hindi niya mapapatawad ang sarili kung sakaling may mangyari ditong masama ng dahil sa nakaraan niya.
Kung kinakailangan niyang harapin si Dino ay haharapin niya ito. At kung kinakailangan niyang bumalik sa El Diablo ay gagawin niya para sa ikatatahimik ng lahat.
Humugot siya ng malalim na hininga saka bumagon sa kama bago iniligpit ang hinigaan.
Pumasok siya sa banyo upang maligo at magsipilyo.
Nang matapos siyang maligo at magbihis ay ayad siyang lumabas ng kwarto. Napakunot ang noo niya ng marinig ang mga ingay na nanggagaling sa loob ng kusina at ang boses ni Blade na para bang may kausap ito.
Kunot noo siyang sumulyap sa wall clock na nakasabit sa dingding ng sala saka walang ingay na naglakad patungo sa kusina.
"Bakit kaya hindi siya pumasok?" Mahina niyang bulong sa sarili.
Naabutan niyang abala ito sa pagluluto habang nasa tainga nito ang cellphone na tila importante ang pinag-uusapan.
Hindi agad siya pumasok sa loob ng kusina at nanatili lamang siya sa tapat ng hamba ng pinto. Ilang minuto niya itong tinititigan at malayang pinagmamasdan.
Hanggang sa mga oras na iyon ay hindi pa rin siya makapaniwala na makakatagpo siya ng lalaking tulad ni Blade. Sa lahat ng paghihirap at pagdurusa na dinanas niya simula ng mamatay ang mga magulang niya ay tila ba nabura ang lahat ng iyon dahil sa pagmamahal na ibinigay ni Blade sa kanya.
Tila nagkaroon siya ng pag-asa sa buhay na maaari rin siyang maging masaya. Na maaari ding magbago ang kapalaran niya. Ngunit parang tila may hangganan ang lahat ng kasiyahan na nararanasan niya. Dahil unti-unti ng bumabalik ang madilim niyang nakaraan. Unti-unti ng nagpaparamdam ang bangungot na pilit niyang tinatakasan.
Agad niyang pinunasan ang luhang lumandas sa kanyang pisngi. Ayaw niyang makita iyon ni Blade dahil ayaw niyang dagdagan pa ang alalahanin nito.
Napabuntong-hininga siya kaya biglang sumulyap sa pwesto niya si Blade. Siguro ay narinig siya nito at naramdaman din nito ang presensya niya.
Nang magtama ang kanilang paningin ay may kakaibang naramdaman si Jaica. Pakiramdam niya ay may kung ano sa mga tingin nito sa kanya. Para bang binabasa siya nito mula sa kaibuturan ng kanyang puso. Kaya agad na nagrigudon ang puso niya at halos marinig na niya ang malakas na tibok nito.
Hindi inaalis ni Blade ang titig nito sa kanya habang nananatili ito sa telepono at nakikipag-usap.
Napalunok siya ng laway at dahan dahang pumasok sa loob ng kusina saka tumayo sa gilid ng pinto.
BINABASA MO ANG
(Agent Series 8) The thief and the agent
RomanceCompleted Warning: Mature Content | R-18 Dahil sa hirap ng buhay at sa pagkakaroon ng sakit sa puso ng kanyang nakababatang kapatid ay pinasok ni Jaica ang trabahong hindi niya gusto upang matustusan niya ang mga pangangailangan nila at gamutan nito...
