"Boss?"
Agad na napatingin si Blade kay Jaica ng tawagin siya nito habang nakaupo siya sa veranda at umiinom ng alak.
Ngumiti siya saka idinipa ang mga kamay habang nakatingin sa kasintahan.
Lumapit si Jaica sa kanya saka kumandong sa kandungan niya at yumakap sa leeg at balikat.
"Hmm, may kailangan ka ba? Meron ka bang gustong kainin?" Tanong niya dito saka marahang hinaplos ang medyo umbok nitong tiyan.
Ngumiti si Jaica bago umiling. Kita niya ang lungkot sa mga mata nito kahit pa nakangiti. At alam niyang ang mga kaibigan nito ang dahilan.
Alam din niyang nangungulila na ito sa mga kaibigan dahil simula ng araw na mailigtas siya ng mga ito ay hindi na ito nagpakita pa sa mga kaibigan. Nalaman din niya na nagpalipat ito sa ibang departamento na siyang ikinalungkot ng lahat lalo na ng best friend nitong si Jace.
"Bakit nagsosolo ka dito."
Ngumiti si Blade saka marahan na pinisil ang tungki ng ilong ni Jaica.
"Sino naman ang gusto mong maging kainuman ko, ikaw, si baby? Kapag malaki na yang baby boss ko hindi na ako magsosolo."
Agad na napataas ang kilay ni Jaica saka pinisil ang magkabilang pisngi ni Blade. "Baby boss? Hindi baby princess? Saan mo naman nakuha ang ideyang lalaki ang nasa tiyan ko?"
Nagkibit balikat si Blade saka muling hinaplos ang tiyan ni Jaica.
"Ganon talaga, father instinct ang tawag don. Nararamdaman kong lalaki siya. Malakas ang kutob kong nagmana siya sa akin."
Tumawa si Jaica saka umiling. "Siguradong sigurado ka ah. Paano kung naging babae 'to?"
Hinalikan niya ang labi ni Jaica saka ang pisngi. "Kahit ano pa siya, mamahalin ko siya at aalagaan. Kayong dalawa. Dahil kayo ang buhay ko. Kayo ang dahilan ko ngayon kung bakit ako humihinga."
Mariing tumingin si Jaica sa mga mata niya saka hinalikan ang noo niya. Niyakap siya nito saka muling nagsalita.
"Tumawag si Nathalia kanina. Tinatanong nga niya kung hindi daw ba tayo pupunta sa birthday ni Thalie." Anito.
Hindi sumagot si Blade kaya tiningnan siya ito. Humugot lamang si Blade ng malalim na hininga saka tinungga ang bote ng alak na nasa mesa.
"Baby, hanggang ngayon ba galit ka pa rin sa kanila?" Malungkot na tanong ni Jaica.
Tiningnan niya ang mukha ni Jaica saka hinaplos ang pisngi.
"Hindi ko alam. Alam kong wala na akong galit sa kanila, pero hindi ko pa sila kanyang harapin sa ngayon."
Bumuntong-hininga si Jaica saka mariing tumingin sa kanya. "Blade, naiintindihan ko kung bakit masama ang loob mo sa kanila. Pero naiintindihan ko rin sila. At kung ako man ang nasa lugar nila ng mga oras na yon, ganon din ang gagawin ko. Mahal ka nila kaya nila nagawa yon."
"At mahal na mahal din kita, kayo ng anak natin. Kaya sana naiintindihan din nila ang nararamdaman ko. Kung alam lang nila ang naramdaman ko noong mga oras na yon. Para akong malalagutan ng hininga dahil sa takot na baka hindi ka makaligtas. Na baka hindi na kita makita pa."
Humarap ng pagkakaupo si Jaica sa kanya saka sinapo ang magkabila niyang pisngi.
"Alam kong naiintindihan ka nila at alam nilang mali ang ginawa nila, pero alam ko rin na wala silang pagpipilian ng mga oras na yon. Kaya nga humingi sila agad ng tawad sayo, hindi ba? Pero hanggang kailan ka magagalit sa kanila? Ayaw kong ako ang maging dahilan kung bakit magkakasamaan kayo ng loob o magkakawatak ang pagkakaibigan nyo. Matagal na kayong magkakaibigan, Blade. Hindi pa ako dumarating sa buhay mo, nandyan na sila karamay mo. Kaya please Blade, gusto kong kapag lumabas na si baby nandyan sila para makasama natin sa sayang nararamdaman natin. Gusto kong nandyan sila para samahan tayong i-welcome ang regalong ibinigay sa atin."
![](https://img.wattpad.com/cover/284463026-288-k250421.jpg)
BINABASA MO ANG
(Agent Series 8) The thief and the agent
Roman d'amourCompleted Warning: Mature Content | R-18 Dahil sa hirap ng buhay at sa pagkakaroon ng sakit sa puso ng kanyang nakababatang kapatid ay pinasok ni Jaica ang trabahong hindi niya gusto upang matustusan niya ang mga pangangailangan nila at gamutan nito...