Chapter 39

1.6K 65 9
                                    

Matapos ang nakakagulantang na sorpresa ni Bryan at Santi sa kanila ay natapos ang tanghalian nila sa hindi maipaliwanag na saya.

Sobrang saya ng mga magulang ni Blade ng malaman ng mga ito na anak nila Bryan at Santi ang mga sanggol na kasama nila.

Hindi nila alam na ginawa nila ang surrogacy sa amerika kaya halos doon na maglagi si Santi habang pabalik-balik naman si Bryan.

Sa teknolohiya ngayon ay hindi na talaga imposible na magkaroon ng anak kahit pa ang gay couple lalo na't kung may pera at gugustuhin nila.

Matapos din ang tanghalian ay niyaya na siya ni Jaica sa sorpresa nito sa kanya.

Habang nasa loob sila ng sasakyan ay paulit-ulit niyang sinusulyapan si Jaica habang tahimik itong nakangiti at nakatingin sa labas ng bintana. Hindi mapuknat ang pagkakangiti nito kaya hindi niya maiwasang magduda lalo na sa ikinikilos nito. Kaya naman hindi na siya nakatiis pa at nagtanong na siya dito.

"Baby, saan ba talaga tayo pupunta?" Tanong ni Blade dito habang nagmamaneho ito ng sasakyan. Nakakunot ang noo niya habang sinusulyapan ang kasintahan.

Nginitian siya ni Jaica saka sumagot sa kanya. "Basta magmaneho ka lang dyan. Malalaman mo rin mamaya." Anito saka kinuha ang cellphone sa loob ng bag bago siya tinalikuran at may tinawagan.

Napailing na lamang siya at nanahimik na nagmaneho. Mabuti pa ngang manahimik na lang siya dahil kahit paulit-ulit niyang tanungin ito ay mukhang wala itong balak sabihin sa kanya.

"HANDA NA BA ang lahat?" Mariing tanong ni Nathalia sa organizer ng event na pinlano nilang magkakaibigan habang kausap niya ito sa telepono.

"Yes mam, ready na po ang lahat. Kayo na lang po ang hinintay." Sagot naman nito sa kabilang linya.

Tumango-tango siya saka nakangiting sumagot dito. "Good, tatawagan ulit kita kapag papunta na kami." Ani Nathalia bago ibinaba ang tawag saka humugot ng malalim na hininga.

Dahil sa hindi magandang nangyari ay nagkaroon ng lamat ang pagkakaibigan ng mga asawa nila. Ang pagkakaibigan na matagal na nilang inalagaan at pinahalagahan. Alam nilang mangyayari at mangyayari ang pagsubok sa samahan nila kaya naman hindi sila papayag na basta na lamang masira at mauwi sa wala ang lahat.

Sa hiling ni Jaica at sa kagustuhan na rin nila ay nagplano sila ng isang event upang magkasama-sama ang mga ito ng hindi nila nalalaman. Nagplano sila na pag-ayusin na ang mga ito.

Bukod din sa plano nilang pagbatiin ang mga asawa nila ay nagplano pa si Jaica ng isa pang sorpresa para sa kasintahan nito na siyang ikinatuwa nilang lahat kaya sinuportahan at tinulungan nila ito.

Masakit para sa kanila na makitang malungkot ang mga asawa nila dahil sa nangyari kaya naman minabuti nila na gawin ito para sa kanila.

Ayaw nilang masayang ang anumang samahan na pinagsamahan ng mga ito sa mga nakalipas na taon.

"Baby, sinong kausap mo?" Ani Jake ng makalapit ito kay Nathalia bago pumulupot ang mga braso nito sa baywang niya.

"Yong organizer ng event para sa birthday party ni Thalie." Sagot niya sa asawa.

Kailangan niyang magsinungaling dahil sorpresa ang lahat at wala itong alam.

Tumango lang ito saka bumuntong-hininga.

Tiningnan ni Nathalia ang asawa saka hinaplos sa dibdib. "You okay?"

Ngumiti si Jake saka tumango muli. "Yeah." Tipid nitong sagot.

Naglakad sila patungo sa lanai ng bahay at doon ay natagpuan nila ang iba pa nilang mga kaibigan kasama ang mga asawa ng mga ito.

Umupo si Jake at kumandong naman si Nathalia sa kandungan nito.

(Agent Series 8) The thief and the agentTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon