"Blade..!" Nakataas kamay na ani Bryan. Nakaupo ito sa isang restaurant habang hinihintay siya.
Lumapit siya dito saka yumakap sa kapatid.
"Kanina ka pa?" Tanong niya dito.
Umiling ito saka kinuha ang menu at iniabot sa kanya nang makaupo siya sa harapang upuan nito.
"Halos magkasunod lang tayo. Kumain ka na ba? Hindi pa ako umorder kasi hindi ko alam kung ano ang gusto mong kainin dito." Sagot ni Bryan.
Tiningnan niya ang menu saka sumagot sa kapatid habang nakatuon ang atensyon sa binabasa. "Bakit ililibre mo ba ako?"
Tumawa ng mahina si Bryan saka umiling. "Ang laki na ng sahod mo sa bureau, pero hanggang ngayon kuripot ka pa rin? Kung ganyan ka, hindi ka na talaga makakahanap ng mapapangasawa."
Agad na umasim ang mukha niya saka nakataas kilay na tumingin sa kapatid. "Wala akong planong maghanap kuya. Nananahimik na ang buhay ko at ayaw kong magulo pa."
Tumawa ng malakas si Bryan saka ngumisi sa kanya. "Baka naman hindi na rin babae ang hanap mo? Sabihan mo lang ako para mahanapan kita."
Nanlaki ang mata niya saka hindi makapaniwalang tumingin dito. "What the fuck?! No offense kuya at walang mali sa tulad mo. Pero hindi pa ako nababaliw para pumatol sa kapwa ko lalaki."
Umiling si Bryan saka kinuha ang menu. "Kumain na lang tayo, baka gutom lang yan." Anito na tinanguan niya.
Matapos nilang umorder ng pagkain ay muling kinuha ng waitress ang mga menu na nasa mesa nila.
Hindi naman nakaligtas sa kanya ang malagkit na tingin na ipinupukol ng waitress sa kanilang magkapatid lalo na sa kuya niya.
Bakit hindi kung sa pagwapuhan ay may ibubuga ang kapatid niya. Maganda din ang katawan nito at makisig manamit.
Gwapo siya at sigurado siya doon. Ngunit aminado siyang wala siya sa kalingkingan ng kuya Bryan niya.
Lihim siyang natawa ng bahagyang namula ang pisngi ng waitress. Kung alam lamang nito na mayroon na itong asawa. At hindi lang basta asawa dahil lalaki ang asawa nito.
"Kumusta ang biyahe nyo? Dito na ba ulit kayo o babalik din kayo ng France?" Tanong niya kay Bryan.
Tumango ito saka ngumiti. "Dito na kami. Sabi ko kay Santi, namimiss ko ang pinas kaya pumayag siya na umuwi na kami."
Anak sa pagkabinata si Bryan ng kanilang ama. Noong una ay halos hindi ito matanggap ng kanyang ina. Ngunit wala itong nagawa ng kuhanin ito ng kanilang ama at pag-aralin.
Lalong nagalit ang kanyang ina ng malaman nitong si Bryan ang hahawak ng kompanya na dapat sana ay siya.
Inayawan niya ang kompanya at lumayas siya sa poder ng mga magulang dahil ayaw niya ng pamamalakad ng mga ito. Masyadong pinakikialaman ang mga desisyon nila at kinokontrol. At iyon ang pinaka ayaw niya.
Habang nag-aaral siya noon ay si Bryan ang lihim na sumusuporta sa lahat ng desisyon niya. Maging ang mga gastusin niya sa pag-aaral ay madalas ito ang nagbibigay sa kanya. Kaya naging magkasundo silang magkapatid.
Ito rin ang nagbigay ng condo at sasakyan niya. Na kinita nito sa sariling pera dahil alam nitong hindi niya tatanggapin ang lahat oras na malaman niyang galing ang pera sa mga magulang nila.
Hindi sa nagmamalaki siya, ngunit gusto niyang patunayan sa mga magulang na hindi siya robot upang diktahan kung ano ang dapat niyang gawin.
Masyadong istrikto at nakakasakal ang mga magulang niya. Ayaw ng mga ito ang kursong kinuha niya at dahil sa kagustuhan niyang matupad ang pangarap niya ay lumayas siya sa bahay nila.
BINABASA MO ANG
(Agent Series 8) The thief and the agent
RomanceCompleted Warning: Mature Content | R-18 Dahil sa hirap ng buhay at sa pagkakaroon ng sakit sa puso ng kanyang nakababatang kapatid ay pinasok ni Jaica ang trabahong hindi niya gusto upang matustusan niya ang mga pangangailangan nila at gamutan nito...