DIL #38

165 7 0
                                    

UPDATE!!! HAHAHAHA. Natupad ko promise ko mga men.Sorry ulit, for the long wait :)

38

-SPADE-

Akala ko hindi na namin mapapanood ni Eunice ang meteor shower. Nakarecieve ako ng text kanina, sabi niya pumunta raw ako sa bangin kung saan kita ang kalangitan. May emergency daw pero hindi ako naniwala sa kanya, asa pang may emergency na nangyari kay Eunice.

Alam ko naman na may surprise siya sakin eh. Nalaman ko kanina dahil sinabi sa akin ng mga kaibigan niya, sina Carlo, Pats at Bonnie. Napag-alaman kong wala si Kiko dahil may date daw.

“Tara na babe. Malapit nang magsimula oh” yaya ni Eli sa akin.

“Ah. May pupuntahan ako eh, sorry” yumuko ako at humalik sa pisngi niya. Si Felicity, girlfriend ko siya ng tatlong buwan. Alam kong masama ito, pero selosa si Eli.

Noon palang. Naging kami ni Eli ng patago dahil kami ni Eli noon. Mahal ko si Patrice, pero mahal ko rin si Eli. Siya ang palaging nandiyan kapag malungkot ako. Mabait siya, sobrang selosa lang. Naghiwalay lang kami nung mamatay si Patrice, naguilty kaming dalawa.

Pero ngayon, naulit nanaman. Kami ni Eunice, at naging kami ulit ni Eli. Alam kong mali at nagiguilty ako, pero, mahal ko rin si Eli. Nalilito ako, pero alam ko sa puso ko na mahal ko silang dalawa.

Gago ako, oo.

“Ano ba babe! Tara na sabi eh!” sigaw niya sa akin at hinatak ako pero nagpatigas ako at nanatili dito. Pinagtitinginan na kami pero wala akong pakealam.

“May pupuntahan ako. Diyan ka na!” sigaw ko.

“No, please. Babe. Diba sabi mo tayo ang pupunta para panoorin yung meteor shower?” tanong ni Eli. Yumakap siya sa akin at hindi ko siya naitulak. Pinakiramdaman ko kung ano ang pinagkaiba sa yakap ni Eli at Eunice.

“Sinabi ko lang yun dahil wala akong kasama” sabi ko at hinawakan ang balikat niya

“So ganun nalang? Nung tinawag ka niya, pupuntahan mo agad?”  Sumimangot si Eli. “Paano kapag ako ang tumawag sayo, pupunta ka rin ba?” tanong pa ulit niya.

Hindi ko alam ang sasabihin ko, pero alam ko na kung anong nararamdaman ko talaga. Ayokong maulit ang nangyrai kay Patrice. Ayokong hintayin pang mawala pa si Eunice katulad ni Patrice para lang marealize ang nararamdaman ko.

Mali to. Alam ko, sobrang mali to. Sa lahat ng pagkakamali ko, ito ang pinaka.

“Ano? Mamili ka. Ako, o yang Eunice mo?” Hindi ako nakasagot at yumuko nalang.

Si Eunice, siya ang pinipili ko. Mahal na mahal ko si Eunice. Gusto kong sabihin ito, pero hindi ko magawa.

“Eli, alam mo naman na--” Tumalim ang tingin ni Eli sa akin at tuluyan nang nandilim ang paningin niya.

Devils In LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon