DIL #60- About the doubts

105 3 1
                                    

60


Napairap ako nung buksan ni Mark yung pinto. Dumating na kasi si Spade, kasama yung Mila na mukhang ipis. Umupo siya sa tabi ko at si Spade naman dun sa isang upuan. Napairap ako lalo nung kumapit sa braso ko yung Mila.


"Alam mo ba, dinownload ni Mark yung mga cover niyo." Tumingin ako kay Mila, at sa braso niyang nakakapit sa akin. Naiirita na talaga ako. Hindi ko nalang pinahalata.

"Mila!" sigaw ng tita niya mula sa kusina. Tumingin si Mila doon at sumenyas ng saglit. Tumingin ulit siya sa akin at ngumiti. Bumitaw na siya at nakahinga ako ng maluwag.

"Saglit lang ah? Tutulungan ko lang si Mark. Siya daw magluluto" sabi niya. Sinundan ko siya ng tingin at nakita ko yung tita nila na papunta dito. Sumilip ako sa likod niya at nakita ang gwapong likod ni Mark na nagluluto. Turn on, magaling magluto.


"Didn't I tell you not to go anywhere alone with that guy?" halos magulantang ako ng magsalita si Spade. Nilingon ko siya at tinaasan ng kilay. Kumunot naman ang noo niya.

"We're not alone. Nandito ang tita niya" pamimilosopo ko. Rinig ko ang paghinga ni Spade. Tumayo siya at lumapit sa akin, dito siya umupo sa tabi ko.

"Bakit ba ang sungit mo nanaman? Akala ko ba okay na tayo? Bakit mukhang nag-aaway nanaman tayo?" tanong niya. Hindi ko siya pinansin. Gusto ko sanang sabihin na dahil yun sa pesteng Mila na yun. Kung wala sana yang Mila na yan, edi hindi ko aawayin si Spade.


Kumibit balikat nalang ako at tinignan siya gamit ang walang emosyon kong mukha. Naiinis talaga ako sa tuwing naaalala ko ang tawanan at harutan nila nung Mila. Ugh.

Nakita kong lumingon si Mark sa akin. Ngumiti siya at tinanggal yung apron niya. May sinabi lang siya kay Mila at umalis na. Lumapit siya sa akin at ngumiti ulit.


"Tara, kain na" sabi niya. Tumango nalang ako. Tumingin siya kay Spade at tinawag rin ito.

Nagtipon na kami sa mesa at nakita kong ang dami niyang niluto. Napatingin ako sa niluto niya. Hindi ko alam kung ano 'to, pero mukhang masarap. Nagdasal muna kami, na pinangunahan ni Mark. Grabe, crush na crush ko talaga siya. Naramdaman kong sinipa ako ni Spade. Umirap nalang ako.

Magkaharap kasi kami, katabi niya si Mila, at katabi ko naman si Mark. Nang matapos magdasal ay si Mark ang naglagay ng kanin sa plato ko. Nginitian ko nalang siya.


"Masarap magluto yang si Mark. Tikman mo, dali!" sabi ni Mila.

"Ate talaga" naiiling na sabi ni Mark. Tinikman ko yung ulam, kahit hindi ko alam kung ano to, masasabi kong masarap nga.


Tumingin ako kay Mark at nginitian siya. Nagthumbs rin ako. Hindi ako makapagsalita dahil puno yung bibig ko. Ngumiti nalang siya at inurong yung upuan niya para lumapit pa sa akin.

Patuloy lang kaming kumain ng tahimik. Nabusog ako kaagad at napansin kong ako nalang pala yung kumakain. Natapos na ako at tumayo yung tita nila. May kinuha ito sa ref nila.

"Malagkit!" natutuwang sabi niya. Naghati-hati siya at naglagay sa mga plato namin.

Nagsubo ako at nanlaki ang mata ko dahil ang sarap. Tumingin ako kay Tita Ro at halatang inaabangan niya ang reaksyon ko. Ngumiti ako ng malapad.


"Ang sarap po! Super!"sabi ko at mabilis kong naubos yung akin. Binigyan pa niya ulit ako ng isa at naubos ko ulit ito. Hindi na ulit ako humingi dahil nakakahiya na, at isa pa, sobrang busog na ako. Hindi ko maalala kung kelan ako nabusog ng sobra na katulad nito.

Devils In LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon