DIL #19

229 5 0
                                    

19

Nandito kami lahat sa baba, sa sala.

“Plano niyo talagang manakot ano?” tanong ni red hair sa kanila at umiling sila lahat.

“Kumatok kaya kami pero walang nagbubukas. Akala namin walang tao,” nagkamot ng ulo si mais habang tinitignan siya ng masama ni red hair. si mais kasi ang pasimuno, tinawag lang niya ang banda para sa back-up.

Kumakatok? Well maybe that was them, akala lang talaga namin ay nagmumula ang ingay at kaluskos mula sa maid’s room. Pero kasi, when there was that noise, that maid’s room door was moving. Mukha talaga itong kinakalampag. Now that’s another issue.

“Eh bakit parin kayo pumasok?” yumuko sila ay pianagsalikop ang mga kamay saka sumipol sipol.

“Nagutom kasi kami, baka makahanap lang ng ano. Alam mo na, pagkain” sagot ni Bonnie at naihilamos na lang ni red hair ang palad niya sa mukha niya

“You could just have called me”

“Eeeh. Nahihiya kami” sabi ni Kiko. Si Kiko? Tinatablan ng hiya? Tch. Ang alam ko kasi lahat ng kaibigan ko ay walang hiya.

“Fine. Whatever. Maghanap kayo ng pagkain, kayo na magluto” ngumiti sila lahat at ng tumayo sila ay hinatak ako ni mais.

Nakaramdam rin ako ng kuryente, pero mahina lang ito. Maybe a baby spark? Or a baby electricity? Tch. Whatever, nevermind.

“What?” tanong ko sa kanya at nginitian niya lang ako. pinaupo niya ako sa isang upuan na iniharap niya sa mismong lutuan. Kanya kanyang upo na rin ang banda.

“Lulutuan ko kayo lahat” nakangiting sabi niya. bakit ba ang bubbly nitong taong to?

“HOY ICY! Bakit nandito ka?” tanong ni Carlo. I looked at him and raised my brows.

“Nag-akyat bahay rin ako dito. And you know what? Nakapasok ako ng tahimik, at ng hindi niya napapansin. Why are you guys so stupid?” tanong ko sa kanila at lumaki ang mata nila.

“Umakyat ka? Astigin ka ah! saan ka umakyat?”

“Sa langit” pabalang kong sagot at natawa sila lahat maliban kay red hair. I wonder what’s funny with what I said.

Naramdaman ko ang mabigat na kamay ni Pats sa likod ko at tinapik tapik ito ng malakas.

“Nice humor. At least we know your not that boring” tumigil na sila sa kakatawa. Nahawa na yata sila kay mais sa sobrang kakornihan.

“Shut up” tumawa na lang sila at napatigil na lang silang tumawa ng makita si mais na napakabilis magmince. Seryoso, pwede na ata siyang ilaban sa Masterchef eh.

Nagsimula na siyang magluto at amoy na amoy ang aroma. Ang bango at lalo kang mapapalaway. Nilingon ko si red hair at nakitang nakatingin pala siya sa akin. agad na uminit ang pisngi ko pero mabilis din akong nakabawi.

“Kiko, palit tayo” sabi ko at Tumango siya na parang wala sa sarili. Singhot lamang ng singhot. Sige, singhutin mo lahat ng amoy nung niluluto. Tch.

Devils In LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon