DIL #61

97 3 0
                                    

61


"Pupunta lang ako kila Mark. Magpapractice kami." Sabi ko kay Spade. Tinignan niya ako ng may pagtataka. Umirap nalang ako.

"Practice? For what?" tanong niya.

"May fiesta daw in three days. Sinabi na rin ng Mayor na magiging guest ako sa singing contest nila, since nalaman nilang sikat nga ako." Bumalik yung inis ko. Pinagkalat kasi ni Mila na sikat ako. Na singer ako, though hindi naman yung singer na singer talaga. Basta, yun. Pinagkalat niyang singer ako so wala na akong nagawa.

Yung mga tao na rin yung pumilit kay Mayor kaya pumayag na rin siya.


"I-text mo nalang ako. Baka doon na rin ako magdinner." Sabi ko at binulsa yung phone ko. Isasara ko palang yung pintuan ng hatakin niya ako paloob.

"Magbihis ka. Hindi yung nakasando ka nanaman ng fitted" umirap ako.

"Hindi pa nga tuyo yung mga shirt ko na nalabhan. And puro sando yung kinuha mong damit ko sa condo" sabi ko.

"Hindi ko alam na sando naman kasi yun eh"

"Eh bakit ka nagagalit? Kasalanan mo naman pala yung bakit ganto suot ko eh"

"Hindi ako nagagalit Eunice. Tumataas lang kasi yang boses mo" Ani Spade

"Nauna kang tinaasan ako ng boses, sinabayan lang kita" sabi ko at bumalik sa kwarto. Nakakainis talaga. Umagang-umaga. Sira na talaga araw ko.


Pumasok rin si Spade sa kwarto at dumiretso sa kama niya. Tumayo na ako para umalis ng hagisan niya ako ng isang jersey. Tinignan ko ito.

May isang malaking number 1, at sa itaas nito ang apelyidong Porte. Jersey niya to.

"Isuot mo na yan. Maliit sakin yan" sabi niya at lumabas na. Napairap nalang ako. Eh ganun din naman na walang sleeves to. Ano bang pinuputok ng butchi niya? Ish. Sinuot ko nalang ito pero medyo mahaba siya kaya tinuck-in ko ito sa shorts ko. Tinali ko rin yung buhok ko dahil mainit at magpapractice kami.

Maikli yung buhok ko kaya may mga nahuhulog sa may bandang batok, hinayaan ko nalang yun.


Lumabas na ako at naghintay ng trycicle. Nang may dumating na ay sumakay na ako pero nagulat ako ng biglang sumakay rin si Spade. Hindi niya ako pinansin at nanatiling nasa daan ang tingin. Hindi ko nalang din siya pinansin.

Sinalubong ako ni Mark. Nginitian ko lng siya. Pumasok na kami ni Spade at nakita ko nanaman yung Mila na yun. As usual, mababa ulit yung suot niya kahit wala namang cleavage na maipapakita. Pumasok nalang kami sa kwarto ni Mark. May tatlong lalaking nakaupo. Nginitian nila ako.


May mga itsura rin sila, pero crush ko parin talaga si Mark. Nagsimula na kaming magpractice. Napagkasunduan namin na dalawang kanta ang kakantahin namin, magkasunod na daw. Sila ang namili ng kanta at masasabi kong may taste din sila. Isang tagalog at isang English yung kakatanhin namin.


"Ayos. Okay na. Practice palang ang galing na" pagkukumento ni Mark. Nginisian naman siya nung tatlong lalaki.

"Ikaw naman magpractice. Diba kakantahin mo 'yong kinompose mo?" tumango si Mark.

"Dalawa rin daw ang kailangang kantahin ng bawat contestant. Choice namin kung ano."


Pinractice muna ni Mark yung isang kanta, na common song. Parokya ni Edgar. Nung matapos ay pumalakpak ako. Ang galing kasi. Kung pwede nga lang ay isasama ko siya sa banda, pero hindi na pwede. Yung kompanyang pinirmihan kasi namin nila Carlo ay kami lang. Kaming lima.


"Kantahin mo rin yung isa" sabi ko. Umiling siya at ngumiti lang.

"Surprise ko nalang sayo yun. Maririnig mo nalang kapag contest" ngumuso ako. Ang daya naman. Naexcite pa naman ako marinig yung kinompose niya.

Lumabas muna kami para magmeryenda. Nandun din si Spade at Mila na mukhang nagkakasiyahan nanaman. Umiling nalang ako at umiwas ng tingin. Doubts lang to. Kumain nalang kami ng pancit canton na niluto nila.


"Magpractice nalang tayo the day before the contest, since okay naman na. Ang galing niyo nga sumabay eh" sabi ko dun sa banda ni Mark. Tumango nalang sila.

"Ate, pwedeng papicture?" nahihiyang tanong ni Miks. Tumango nalang ako at natawa. Nagpicture kaming dalawa. Pati yung dalawa ay nagpapicture na rin. Hindi ko na sila tinanggihan, dahil nakakahiya. Hindi ko naman alam na sikat nga pala talaga ako.

"Ate pag balik mo, magkikita parin tayo dun." Sabi nung isa sa kanila. Nalilito kasi ako sa mga pangalan nila eh. Hindi ako sanay, nasanay akong kapag banda ang usapan, yung pangalan nung apat ang naaalala ko lagi.


"Oo nga ate. Gusto ko magpapicture kay kuya Kiko." Napangiti ako. Tumango nalang ako.

"Sige. Kapag balik ko doon, sasabihin ko sa banda ko na dito kami magbakasyon. Matutuwa yung mga yun, lalo na pag nakita kayo." Sabi ko at nginitian sila. Nag-agree naman sila.

Nang matapos ay naglaro sila ng basketball. May court kasi na malapit dito. Sumama na rin ako. Lilim naman eh. Iba parin talaga pag probinsya, kakaiba yung hangin na malalanghap mo. Fresh, tsaka, wala kang maririnig na mga busina.


Tumingin ako sa tumabi sa akin.


"Crush ka ni Mark, alam mo ba yun?" iniwasan ko siyang tarayan pero hindi ko magawa.

"Ah." Tanging nasabi ko. Nakita kong nakilaro na si Spade sa kanila. Nanood lang kami ni Mila.

"Idol ka nga daw niya eh. Ang galing mo kasi kumanta, tapos maalam ka pa pala mag-gitara tsaka magpiano" sabi niya.


"Kailangan eh. Ganun kapag may banda, dapat alam mo kung ano rin yung ginagawa ng iba." Sabi ko nalang. Drums lang ang hindi ko alam. Hindi ko talaga kasi ma-gets kapag si Kiko ang nagtuturo sa akin. Ang bilis niya kasi magturo, tsaka wala rin akong synchronization.

Tumango siya. "Alam mo, naiinggit ako sayo" napatingin ako sa kanya at kumunot ang noo ko. Nakita niya yun.

"Kasi parang na sayo na lahat. Wala ka ng hihilingin pa" umiling ako.

"Nasa akin nga lahat, hindi naman ako masaya" sabi ko ng hindi siya tinitignan.

"Bakit? Ano bang kulang?" tanong niya.

"Complicated. Wag mo nang alamin" hindi ko talaga maiwasan ang hindi tarayan siya. Nakita ko sa gilid ng mata ko na ngumiti siya.


"Naiinggit ako sayo, kasi mahal na mahal ka ni Spade." Hindi ko siya tinignan at hindi ako nagpaapekto.

"Hindi totoo yan" sabi ko at prenteng umupo. Naramdaman ko ang paghawak niya sa braso ko kaya tinignan ko siya ng nakataas ang kilay. Pero di siya natinag. Kaya tinignan ko siya gamit ang malamig kong tingin.

"Tuwing nagkukwentuhan kami, hindi nawawala yung pangalan mo. Tapos kapag binabanggit niya yung pangalan mo, iba yung tingin niya. Halatang mahal na mahal ka niya. Sinabi nga niya sakin na nagsisisi daw siya eh. Hindi ko lang alam kung bakit, ayaw na niyang sabihin eh."

Tinignan ko siya. Nakatingin siya kay Spade.


"At ikaw? Gusto mo si Spade?" tanong ko. Ngumiti siya.

"Pero nandyan ka na eh. Magiging happy nalang ako para sainyo. Ang swerte mo."

"No. Will you still believe that he loves me if I told you that he cheated with some girl?" tanong ko. Mukhang nabigla siya sa pag-iingles ko. Umismid nalang ako.

"Niloko ka niya?" kumibit balikat ako.

"That's the reason why I'm not happy. And I'm still not happy because I'm starting to feel it again, and having doubts again." Sabi ko at tumayo na pero nagulat ng makitang nasa harap pala namin si Spade. Narinig kaya niya yung sinabi ko? Sana hindi. Baka kasi umasa siya sa sinabi ko.

Devils In LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon