DIL #15

296 7 1
                                    

15

I opened the door at may nakita akong bouquet of flowers sa tapat ng pintuan. I picked it up and took the note.

Alam kong sasabihin mong malalanta lang ito, so I bought you plastic flowers. Though they look real, and they don’t wither. Parang yung like ko sayo, hindi namamatay.     –Jette

Napairap na lang ako. sinara ko na ang pintuan at inilagay ang mga bulaklak sa vase. Oo nga, para talaga itong tunay dahil yumuyuko ito ng konti at malambot ito. Hindi siya rubber, o yung matigas na plastic. They actually look real, may amoy pa ito.

Amoy bulaklak talaga.

And Jette, he’s really serious. Natatakot akong masaktan siya, kaya nga I didn’t gave Carlo a chance. Dahil I nurture our friendship, ayokong masira na lang ito dahil sa amin. Pero itong si Jette, matigas ang ulo. Well, bahala siya. Pakealam ko kung masaktan siya.

It’s his feeling anyway, wala akong magagawa doon. I already told him, he didn’t listen.

Umupo na lang ako sa couch at nilabas ang phone ko. I called red hair.

“What?”

“Nothing. Just bored.”

“So you chose to call me?” ramdam ko ang irita sa boses niya

“Yeah. It’s like you’re a clown. You make me laugh” sarkastikong sabi ko

“So tumatawa ka na ngayon? Akala ko ba, you never laugh?”

“Well, kasalanan mo. You made me laugh. Kaya ayan, nasanay na akong tuwing kausap ka ay natatawa na ako.” I faked a laugh at rinig ko ang pagtikhim niya.

“Whatever woman. Hindi lang naman ako ang nagpatawa sayo”

“What do you mean?” kumunot ang noo ko. sino? May iba pa ba?

“Jette made you laugh too, right?” oo nga pala. Naalala ko na.

“So stalker ka na ngayon? Sinundan mo kami kahapon, ano?” napangiti ako ng kaunti

“Ew, never woman. Bumakbibig ka lang naman kasi nito, at bukambibig niya na napatawa ka raw niya.”

“Ok. Nagugutom ako” I told him. Narinig ko kasi ang pagkalam ng sikmura ko.

Umayos ako ng upo at tinaas ang paa ko sa center table.

“Pakealam ko kung nagugutom ka? Mamatay ka sana sa gutom” grr. Nakakainis talaga to. Masyadong demonyo

“Tss. I have a PMS and a GPS.” I said

“So?”

“That means I’m a bitch, and I will find you!” binaba ko na ang telepono at kinuha na lang ang helmet ko. di na ako nagbihis dahil si red hair naman ang pupuntahan ko.

Hindi naman ako galit sa kanya, ano ako? mababaw na tao? Tsk. I just said that. Pero totoong hahanapin ko siya. Magpapalibre na lang ako ng pagkain.

Devils In LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon