DIL #48- Baby

135 5 0
                                    

48

Hindi kami nagkibuan matapos kong sabihin yun. Alam kong napaisip siya doon dahil halatang wala siyang concentration ngayon. Parang kanina lang, nanonood siya. Tapos nung ililipat sana niya yung channel, phone niya ang tinapat niya sa TV at dun lang siya natauhan na phone ang hawak niya at hindi remote.

"Sorry, ang boring" sabi niya out of the blue

"Ok lang. I enjoy watching and the silence. And you also look boring" sabi ko habang nagfafacebook. Medyo umubo siya nuna tapos nagtanong ulit.

"Nagugutom kaba? Gusto mong gawan kita ng food? What do you want?" nahihiyang tanong niya.

"Bat ka nahihiya? Akala ko ba friends tayo before. Parang hindi naman. You look awkward and tense"

Tumawa siya pero muling nagseryoso. Tumingin siya sa mata ko at napatitig nalang ako sa mata niya. Medyo nagtagal ang tinginan naming kaya umiwas na ako dahil ayoko ng lumala pa ang mga nararamdaman ko. Ang feelings na malala, nawawala kapag nababalewala. Sabi ni Marcelo Santos yan.

Umubo ako at muling tumingin sa phone ko. Habang nagsuscroll down ako. May nadaanan akong picture ng food na mukhang nasarap pero weird. Hinarap ko nalang yung phone sa kanya.

"Make me this. I want this" ngumiti siya sakin.

"I'll do everything that you want me to do."

"Wag kang hugot" sabi ko at natawa nalang siya. Tumayo na siya at naghalungkat sa mga drawers para makagawa siya ng whatever this thing is called.

Habang may dinudurog siyang cookies ay bigla siyang napatingin sakin. Napaiwas naman ako kasi nakatingin ako sa kanya. It's like going back to zero again. It's like, falling in love with him again. But I can't fall in love with him. I just can't, I won't and I will never be.

Nagpaalam siya saking may bibilhin lang daw sa 7eleven sa kanto dahil may kulang na ingredient. Simple lang naman yung pinakita ko pero iba yung ginagawa niya pagtingin ko sa kitchen counter.

Yung nasa picture ay parang cookies na may stuffing na marshmallows. Ewan ko. Pero yung nasa counter na ginagawa ni Spade ay nilalagay niya sa garapon. May tatlong garapon dun, each bottle is filled two thirds with durog na oreo.

Habang tinitignan ko yung mga ginawa niya ay nagulat ako sa malakas na pagbukas ng pintuan. Pawis na pawis siyang dumating at may dalang plastic bag. Ngumiti lang siya sa akin kaya umiwas ulit ako ng tingin. Dumiretso siya sa kusina at nilabas ang mga binili niya. May grahams and maraming marshmallows. Nanlaki ang mga mata ko ang natakam.

"Anong tawag diyan sa ginagawa mo? It's different from the picture" I asked so I could also ask Jette to make me this.

"Smores. Syempre. Iba iba to, maraming ways para gumawa neto. In my case, I wanna do something very special just for you" nakatingin lang siya nung sinabi niya yun. Aware ako na may nararamdaman pa ako sa kanya. Malala nga eh. But I know, one day, mawawala rin 'to.

"Wag ka nga. Ang weird mo magsalita. It's like--"

"It's like your my girlfriend?" umiwas nalang ako.

"Hindi, para kang creepy stalker" sabi ko nalang para mabaon yung mga ganung topic. I hate it.

"Sorry. It's just that I miss our old relationship. I miss everything we do. I miss our conversations. I miss you" seryosong sabi niya

Ngumiti ako ng pilit "Sorry. I'm Eunice v3.0, and everything in the past doesn't matter"

Tumango nalang siya at ngumiti rin ng pilit sa akin, alam kong nasasaktan na siya. And I don't care. That's exactly my point why I go out with him. Para ipamukha sa kanya na kaya ko rin siyang saktan. Para ipamukha sa kanya na hindi ko kailangan ng manloloko. Para ipamukha sa kanya na kaya ko ang lahat ng to. At para ipamukha sa lahat na malakas ako.

"Ayaw mo ba talagang alamin what really happened before?"

"AYAW. AYAW KO. GET IT?" sabi ko ng hindi siya tinitignan. Bakit ba niya pinipilit na alalahanin ko? Tandang tanda ko ang lahat. Ayokong magtanga-tangahan na kunwari hindi ko alam ang mga nangyari noon. Nagpapanggap ako oo, pero hindi ako magtatanga-tangahan. Tama na ang isang kasinungalingan. Hindi ko na kayang patungan ang pagsisinungaling ko ng isa pang pagsisinungaling.

Pinanood ko siya habang gumagawa. Nang malapit na siyang matapos ay kinausap niya ulit ako. He's really curious. He's asking too many things.

"It took you a lot of days before you woke up. Pero bakit mo nasabing si Jette ang boyfriend mo pagkagising mo?" umirap nalang ako ng patago. Nasasaktan akong nasasaktan ko siya, pero mas masakit namang hayaan kong masaktan nalang ako ng hindi siya nasasaktan. Damay damay kami dito.

"I already told you before. Siya ang naaalala ko. Yung proposal niya sa akin sa playground nun." Tumango nalang siya.

"He really proposed?"

"As his girlfriend. But I remember him trying to point out marriage" sabi ko. Totoo naman. Minsan ay nagpaparinig si Jette sa akin about sa marriage, but I don't wanna rush things. I want things to happen in time.

"Anong tingin mo dun?" he asked avoiding eye contact to me. Tumalikod siya sa akin at siniseal na ang mga garapon.

"I don't see anything bad about it. Maybe a yes." Sabi ko. Actually, parang ayoko. Alam ko. I still can't leave Spade like this. I want to be sure he's badly hurt and I want to be sure that I wont be having feelings for him anymore, before Jette happens.

Pinalamig muna naming saglit yung ginawa niya. Tig-isa kami ang yung isang garapon ay binalot niya ng newspaper para di mabasag at nilagay niya yun sa isang paperbag. Iuwi ko daw. Para may kainin daw ako.

Hindi na naming inopen up yung topic about marriage. Hinatid na niya ako pauwi at habang nagdadrive siya ay tanong siya ng tanong tungkol samin ni Jette. Kwento naman ako ng kwento, at kita sa mga mata niya na nasasaktan na siya. Umiiwas nalang ako ng tingin kapag nagkaka eye contact kami.

"Thanks for the...uh, smores?" Sumilip muna ako at hindi pa nakailaw yung unit ko. Saang lupalop ng mundo si Jette?

"Yeah. Sure. Anytime." Ngumiti nalang ako ng tipid at papasok na sana ng bigla niyang hawakan yung kamay ko. Napatigil ako at napatingin sa kamay namin, saka ko siya tinignan.

Umismid ako pero hindi niya parin ako binitawan.

"Pasok na ako. You need anything?" naiinis na tanong ko

Hindi niya ako pinansin at hinila para yakapin. Napapikit nalang ako at tinulak ko siya palayo. Medyo namumula na siya at medyo namamasa na ang mga mata niya. Hindi ko siya maintindihan. Oo, nasabi niyang nagsisisi siya pero hindi ko siya maintindihan. Akala ko ba pinili niya si Eli? Mas mahal niya si Eli, diba? Bakit siya ganto? Naguguluhan na ako.

"I need you back, Baby"

Devils In LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon