DIL 64

123 4 0
                                    

64


"Bakit ang bilis? Akala ko ba isang buwan kayo dito? Eh dalawang linggo palang kayong nandito" sabi ni Mark. Ngumiti nalang ako sa kanya at kumibit balikat. Ayoko na ring alalahanin yung nangyari sa ferris wheel nun.

An arm encircled my waist. Tinignan ko si Spade at masama ang tingin nito kay Mark. Right, naalala ko bigla yung kay Patrice. Pasimple kong kinurot ang braso ni Spade.


"Aalis na kami bukas. Magpaalam ka na dahil hindi ko hahayaang magkita kayo bukas" masungit na sabi ni Spade. Tinawanan lang ito ni Mark at tinaas ang kamay niya para sumenyas na saglit.

"Chill" ngiti nito. "I won't do that, ever again" sabi niya saka nagseryoso ang mukha. Tumango nalang si Spade.

"Dali. Magpaalam ka na" sabi ni Spade. Hindi ko napigilang hampasin ng mahina ang braso niya. Tinignan niya lang ako at tinaasan ng kilay. Tignan mo 'to, kahit ako sinusungitan ngayon.

"Can you leave us, for a moment?" tanong ko. Umiling si Spade at ngumuso. God, why is he so fucking possessive? Pero hindi ko napigilang ngumiti, dahil wala na akong poproblemahin. At dahil, totoo na 'to. Wala nang lokohan. May takot parin ako, but it's part of this relationship right? Hindi mawawala ang doubts ko sakanya, at tanggap niya yun.

"Bibigyan ko kayo ng twenty minutes." Sabi niya at biglang umiling. "No, just fifteen minutes." Nangiti nalang ako habang pinapanood siyang bumalik sa loob ng bahay.


"Aalis na talaga kayo?" tanong ni Mark. Tumango ako, but there's something I wanted to ask him.

"Nalaman ko yung tungkol kay Patrice." Nanlaki ang mata niya at lumapit sa akin lalo. Hinawakan niya ang balikat ko at umiling.

"Promise. Hindi ko intensyon na gawin rin sayo ang ginawa ko noon. Takot ko nalang kay Spade" Ani niya at halatang takot talaga.

Kumunot ang noo ko. "Bakit ka naman matatakot dun?" nagtatakang tanong ko at medyo natawa. Wala naman kasing dapat ikatakot kay Spade, maliban nalang kung lolokohin niya ulit ko. Matatakot talaga ako, that would be my biggest fear, and probably the only fear I have.


"Noon kasi, pinagbantaan niya akong sasaktan niya si Mila kung hindi ko tinigilan si Patrice. Hindi ko siya pinansin, kaya ayun. Nabugbog ako ng sobra nun." Nanlaki ang mata ko. Grabe. Hindi ako makapaniwala.

Lumapit si Mark sa akin at pinakita yung batok niya. I saw a scar. At mukhang alam ko na kung kanino ito galing.

"Nung nagbubugan kami, tumilapon ako sa mga barbed wire. Kaya ayun, natahi yan." Sabi niya at humarap sa akin ng nakangiti. Hindi ko alam kung bakit nakukuha pa niyang ngumiti.

"Akala ko talaga mamamatay na ko nun." Sabi niya.

"Akala ko ba magkaibigan kayo?" tumango siya. "May something sa amin na kahit mag-away kami ni Spade hindi parin namin hinahayaan na mapahamak yung isa. Brothers kami eh" sabi niya. Tumango nalang ako at hindi na nangialam sa kanilang dalawa.


Pilit siyang umubo."Salamat kasi nakilala kita. Salamat kasi pinayagan mo akong maging kaibigan mo" nakangiting sabi niya. Ginantihan ko siya ng ngiti.

"Since baka hindi na tayo magkita bukas, sasabihin ko nalang to ngayon sayo" sabi ko. Humugot ako ng lakas ng loob.

"Crush kita, Mark" kinakabahang sabi ko. Saglit kaming nagkatinginan at natawa pareho. Pinilig ko nalang ang ulo ko.

Devils In LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon