DIL #46- Los Angeles

128 4 0
                                    

46


Two weeks passed at maraming missed calls and texts galing kay Spade. He said he wanted to meet up and have dinner. Hindi ako pumayag, I had so many excuses until naubusan na ako and decided not to reply anymore. Pero patuloy parin siya sa pagtawag at pagtext. Natatakot ako. Nagmomove on na ako kasama si Jette, kahit hindi pa alam ni Jette ang tungkol sa pagpapanggap ko, I'm thankful dahil hindi niya ako iniwanan.

"Tingin ka ng tingin sa phone mo these past few weeks" tumingin muna siya sakin saglit bago itinuon ang tingin sa daan ulit. "May problema ba?"

Hindi ako makasagot. Gustong gusto ko nang sabihin ang lahat pero inuunahan ako ng takot. Dinadaga ako.


Nakita kong inihinto niya muna ito sa gilid ng kalsada at tumingin sa akin pero hindi ko siya tinignan. Nilahad niya ang kamay niya. "Akin na nga phone mo. Ayaw mo sabihin eh" sabi niya. Bumuntong hininga ako.

"Natatakot ako. Marami akong dapat sabihin sayo pero hindi ko magawa, Jette" sabi ko. Binaba na niya ang kamay niya at nagsimula na ulit magmaneho.

Narinig ko ang mahinang tawa niya.

"Ano ba kasi yun? Kinakabahan naman ako sayo"

"Sa bahay ko nalang sasabihin." Tumango naman siya. Hindi halatang excited siya, overtake ba naman ng overtake at overspeeding pa siya. Palibhasa gabi.


__

Pagdating sa unit ay nagbihis muna kami at inayos ang binili naming mga stock ng pagkain. Dumoble ang binili namin ngayong dito na daw muna titira si Jette sa unit ko. Suicidal daw kasi ako at kailangang bantayan. Medyo lang naman, kaso nakita kasi niya yung mga gamot ko sa first aid. Nilalaklak ko kasi yun noon, making me overdose. Kaya ayun, minsan na rin akong naitakbo sa ospital dahil dun.

Tinago niya lahat ng mga gamot or anything na makakapagpahamak sakin. As if naman uulitin ko yun.

Nakaupo na kami sa couch at nanunuod lang ng Gravity Falls. Alam kong hinihintay niya na ako ang maunang magsalita. Huminga muna ako ng malalim, saka ko kinapa ang bulsa ko at kinuha ang phone ko. Kinuha ko ito at binuksan ang call logs. 181 missed calls galing kay Spade. Last month pa ito kaya marami, ayun, naipon ng naipon.

Pinakita ko 'yon sakanya. Hindi siya nagulat, kumunot ang noo ko dahil para bang inexpect na niya ito.

"Anong meron?" he asked. Handing me the phone back.

"Ewan." Mabagal na sagot ko. Hindi ko rin naman kasi alam.

Matagal siyang hindi sumagot. Nang matapos ang pinapanood namin ay sinara na niya ang tv at tumayo na. Dumiretso siya sa veranda kaya sumunod din ako. Mahangin paglabas ko dahil February palang. Tumabi ako sakanya. Nakatingin lang siya sa kawalan.

"Jette. Sorry. Sorry sa lahat. Alam kong mali ako, alam kong pinagulo ko lang ang lahat. Hindi ko deserve na mabigyan ng second chance dahil sa mga kasinungalingan ko. Sorry for everything" That's when he looked.

"Anong--"

"Just hear me out" sabi ko. Nanahimik na siya at hinintay pa ang mga susunod kong sasabihin.

Kinakabahan ako but I know this is right. Kahit mahihirapan ako, kahit masaktan ako, I'll make things right this time.


"Tulad ng sabi ko kanina, Sorry. I know everybody deserves a second chance but not everybody should be given it. Dahil sa mga kasinungalingan ko, I think I'm one of those who should not be given second chances. Just like Spade, I didn't give him a second chance. I don't want to forgive him. I'll never have the courage to forgive him. Mali siya sa ginawa niya sa akin at alam nating lahat 'yon. Pero ako, mali ako at ako lang ang nakakaalam nun. Jette, sorry." tumingin siya sa akin.

Devils In LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon