DIL #59- Crush

110 3 0
                                    

59


Kahit labag sa loob ko, kahit ayaw ko, kahit hindi ako makapaniwalang ginawa ko to at kahit hindi ako makapaniwala, nagkakamabutihan na kami ni Spade. Three days straight, walang away. Except maybe sa kung anong uulamin at kung sinong unang maliligo. Yun lang.

Hindi ko alam kung bakit gustong gusto ito, at parang masaya na ako kahit hindi na kami bumalik. At kapag iniisip ko naman na hindi bumalik, I feel sorry for Jette. Parang pakiramdam ko, pinapaasa ko siya. At kasalanan ko ang pagiging miserable niya.


"Sabing ayoko ng isda eh" pagmamaktol ko. Paano, bangus yung ulam. Tapos kagabi tilapia. Eh ayaw ko ng isda.

"Hindi naman kasi kailangan puro karne eh" sabi niya habang nagluluto ng almusal namin.

"Eh gusto ko ng tocino. O kaya hotdog" ngumisi siya sa akin.

"May hotdog ako" malokong sabi niya. Inirapan ko nalang siya at pinalo yung likod niya. Tumawa nalang siya at nagpatuloy na magluto. Nakaupo nalang ako at naghihintay ng pagkain. Hindi kasi ako maalam magluto, kanin lang pwede pa.


Nakaluto na siya at nagsimula na kaming kumain. Kanin at sabaw lang yung ulam ko. Ayaw ko talaga ng bangus, ayaw ko rin naman nung gulay na kasama nung bangus na lumalangoy sa sabaw. Tumingin siya sa akin at pumantay ang mga labi niya. Binaba niya yung kutsara at tinidor, saka hinawakan ang pulso ko.


"Tingnan mo, ang payat payat mo. Hindi ka kasi kumakain ng masusustansyang pagkain." Sumimangot nalang ako at binawi ang kamay ko. Nagpatuloy nalang akong kumain at hindi siya pinansin. Ako ang naghugas ng pinggan ngayon. Palitan kasi kami, at hindi ko akalain na pumayag ako.

Hindi rin ako sanay na maghugas ng pinggan kaya ang tagal kong maghugas, kahit na ang konti lang ng huugasan ko.

Noong matapos ako ay nakita kong bukas yung pintuan at may kausap siya. Sisilipin ko pa lang sana ay pumasok na silang dalawa. Napatitig ako sa kanila, lalo na kay Spade. Tumaas ang kilay ko at automatic na tumiklop ang mga braso ko sa ibaba ng dibdib ko.


Patuloy parin silang nag-uusap at nagtatawanan kahit nakapasok na sila. Umubo ako, at napansin nila 'yon.

"Ah. Mila, si Eunice pala. Yung kinekwento ko" pagpapakilala ni Spade sa akin doon sa babae. Mila? Tss.

"Hi! Ako pala si Carmela, Mila for short. Ako yung anak ni Rosa" Rosa? Si manang Rosa? Ah. Yung matandang kasambahay nila Spade.

Nilahad nung Mila yung kamay niya pero tinaasan ko lang siya ng kilay. Tinignan ko yung kamay niya, saka ang mukha niya. Tinignan ko rin siya head to toe. Ayos na rin. Medyo morena, hanggang balikat lang ang buhok, malaking mata na may mahabang pilikmata. Medyo hawig nga ni manang.


Mas maliit siya ng konti sa akin. Tinanguan ko nalang siya.

"Why are you here?" tanong ko. Siguro dahil sa inis ko ay iningles ko siya. At sa pagkakasabi ko, halatang tinatarayan ko siya.

Dahan dahan niyang binaba yung kamay niyang nakalahad. "Lagi kang kinukwento ni kuya Andoy samin. Totoo nga yung sabi niya, masungit ka nga." Sabi niya at humagikgik pa. Inirapan ko nalang siya at pumasok sa kwarto para kumuha ng damit.

Pagkalabas ko ay nagtatawanan parin sila. Hindi ko nalang sila pinansin at pumunta na sa banyo para maligo. Buti nalang at may malaking drum na dito, kaya doon na akong kumuha ng tubig. Mas madali ng kumuha ng tubig kesa sa mag-iigib pa ako.

Devils In LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon