DIL #32 (A Mother's love)

171 8 4
                                    

 32

Tatlong araw ko na siyang iniiwasan. Hindi ko rin alam kung bakit. Basta, nagising na lang ako at nakatatak na sa isipan ko na dapat ko siyang iwasan. I can’t find the answer why.

*bzzzt*

 

Where are you?

Si red hair. Bigla akong kinabahan kaya kung ano ano nalang ang nireply ko. oh shit! Mukhang mali pa ang reply ko.

I’m not free today

Tinanong niya ako kung nasaan ako pero ang sagot ko ay hindi ako pwede. It’s like I assumed that he’ll be iniviting me to something. Parang napaghahalataan tuloy na iniiwasan ko siya. Hala. Tumatawag siya. Dinecline ko ito at nagtext ulit siya.

Why are you avoiding me?

Hindi ko na siya nireplyan. Inoff ko nalang ang phone ko at tinago sa drawer ko. Nagbihis ako at lumabas. Ginamit ko ang mahal na mahal kong motor at dumiretso sa bahay.

“Oh! Pasok ka.” Pinapasok ako ni ate Chio. Wala si Mio, may pasok. Tuesday kasi ngayon.

“Si…uh. Ma?” tanong ko. ngumiti lang siya sa akin.

“Wala. Nasa banko.” Tumango na lang ako. nagtatrabaho kasi si mama sa banko. Ayaw sana ni lolo noon kasi may business naman pero mapilit si mama na magtrabaho sa banko.

“Ah..”

Nagtititigan lang kami ni ate. Hanggang sa tumawa siya at hinampas ako sa balikat. Kumunot ang noo ko at nawirdohan. Usually kasi, cold siya sa akin at snob. Pero ngayon, parang masiyahin siya.

“Ingay. Tsk.” Sabi ng isang lalaki. Napatingin ako sa taas ng bumukas ang kwarto ni ate at lumabas ang isang bagong gising na lalaki. Gulo gulo ang buhok nito, naka plain white shirt at suot ang pajama I ate na Keropi.

Bumaba yung lalaki ng nakapikit at humiga lap ni ate. Piningot siya ni ate at bigla itong napabalikwas at nagtatatalon habang hawak ang tenga.

“Pucha. Masakit yun Chio!” sigaw niya. bigla siyang napalingon sa akin at nag-iba ang itsura niya. tinaasan ko siya ng kilay. Sino to?

“Icy, si Matt. Fiancé ko.” nanlaki ang mata ko.

“Fiancé? Ate? Kelan pa? Bakit parang ngayon ko lang yan nalaman?” taas kilay na tanong ko.

“Eh hindi naman kasi tayo close noon. Matagal na kami. 5 years na. Last week lang siya nagpropose” nakangiting sabi niya.Tinaas ni ate ang kamay niya at iniharap sa akin ang palasingsingan niya. Maganda ang singsing.

Simple lang ito na may infinity symbol at may tig-isang maliit na blue gem sa butas ng infinity.

Tinignan ko yung lalaki at nakatingin lang siya sa akin.

Devils In LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon