DIL #39- Bitterness

157 5 0
                                    

39

-EUNICE-

“Sino ka?” malamig na tanong ko sa kanya. Kita ko ang gulat sa mukha niya. Hindi na niya ako matignan ng diretso at tumakbo siya palabas. Rinig ko ang malulutong na mura niya, lumabas na rin si Pats at Bonnie para pakalmahin siya.

Bumaling ang tingin naming lahat sa doctor na dumating.

“Doc? Bakit ganun? Hindi niya maalala yung isang kasama namin, pero lahat kami naalala niya?” tanong ni ate. Tinignan ko lang siya. Umalis muna si mama para sunduin si Mio.

“Hindi maalala ang isang tao? Well, nangyayari yan minsan. Maaaring sa lakas ng pagkabagok niya ay nakalimutan niya ito. Posible ring dahil sa pinilit ng utak niya na kalimutan ito, maaaring matinding trauma ang nangyari sa kanya. Pero temporary lang yan, pwede namang maalala ulit. Pero, depende. May mga kaso kasing nagiging permanent ito.”

“May ganun ba? Anong tawag dun?” nagkamot ng ulo si Kiko.

Inayos ng doctor ang salamin niya saka tumingin sa akin. Lumapit siya at hinaplos ang ulo ko.

“Repressed Memory ang tawag dun, hijo”

“Paki explain nga po ulit kung ano yun? medyo naguluhan po ako eh. So may amnesia siya?” tinuro nila ako.

“Not necessarily amnesia. Repressed memory is hypothesized memories having been unconsciously blocked, due to the memory being associated with a high level of stress or trauma. Maybe she had a trauma in this accident, or with someone before this accident happened.”

“Shit” mahinang mura ni Carlo.

Lumabas na ang doctor kasama si ate. Mukhang nag-uusap sila.

“Eunice? Bakit hindi mo maalala si Spade?” ngumiti lang ako.

Of course, they won’t know. They shouldn’t know. Paano nalang ako kapag nalaman nilang hindi totoong meron ako nung repressed memory na yun? siguro naman ay convinced ang doctor na meron akong ganun dahil na rin sa lakas ng pagkauntog ko.

But that doesn’t mean may amnesia ako. Hindi ako cliché na tao. Sorry Jette, Kiko, Carlo, Pats, Bonnie, Mama at ate. Sorry I have to pretend.

“Huh? Sinong Spade?” maang maangan ko. I tried to act innocent, at naniwala naman sila.

“He’s your—I mean. Kaibigan ko siya” sabi ni Jette.

“Wala akong maalala na kaibigan mo. All I remember is us playing at that playground” sabi ko. tumayo siya at nag-usap usap sila nila Carlo.

Pumikit muna ako ng mariin dahil sa biglang pagsakit ng ribs ko. What the fuck happened with my ribs? Don’t tell me they’re broken? Shit. Tinaas ko ang kamay ko para sana hawakan ang ulo kong medyo sumasakit pero nahirapan akong itaas ang kamay ko.

Medyo nanghihina rin ako at hindi ko maigalaw ang katawan ko. gaano ba talaga ako katagal dito at parang umugat na ang katawan ko sa kamang to?

Devils In LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon