DIL #45- Universal Rejection

115 4 1
                                    

45

Literal akong napanganga. He just let go of my hand and went out. Napasabunot ako sa sarili ko ng marealize kung anong kaguluhan ang ginawa ko. Alam kong ang pagpapanggap ko ay isang malaking dahilan kung bakit nangyayari ang lahat ng 'to.

I could still hear his footsteps. Agad akong lumabas at hinabol siya. He was headed for the elevator, maybe it's also ang advantage that my room is the last room in this hallway kaya maaabutan ko pa siya. Nakita kong bumukas na ang elevator. Bago pa siya makapasok ay niyakap ko siya mula sa likuran.

Hindi na ako nagtaka ng magulat siya. Alam kong hindi niya ineexpect ito. The elevator closed.

"Jette. Wag, please. Wag mo kong iwan." Hinawakan niya ang kamay ko.

"Icy, kailangan. Hindi ka naman sa akin"

"No. You own me, now."

"Eu--"

"No. Magpapakamatay ako kapag iniwan mo ako"

Dali dali niyang tinaggal ang pagkakayakap ko sa kanya. Hinarap niya ako at hinawakan ang mukha ko. Ramdam na ramdam ko ang init sa kamay niya. I feel safe and secure...but It doesn't feel right. I know it would only feel right if it was Spade, but heck! Ayoko na. Kahit sino naman, kapag niloko ka ng isang tao, gaganti ka. At kahit tanga, kapag sinaktan mo hindi ka na babalikan niya.


Kahit pa sabihin mong 'Let karma do its work', hindi mo parin maiwasan ang gumanti, o pag-isipan man lang siya ng masama. Everyone has that stage when we really wanted revenge. We seek for that person's pain, and when that person felt pain. You feel relieved. Pakiramdam mo, quits na.

Ganun lang naman din ang gusto kong gawin eh, ang saktan at gantihan rin siya ng tatlong buwan. After that, aalis na ako. iiwan ko na sila. I would settle abroad.

"What?! No. Hindi ka magpapakamatay. Walang magpapakamatay. Come on, you're not that desperate right?" malungkot na tanong nito. Sorry. Sorry, I would lie again. Marami na akong kasalanan, pero ngayon lang ako nakokonsensya. Sorry.

"I would be if you leave me" bumuntong hininga siya. Yumuko siya ng kaunti at pinagdikit ang noo namin. Nakapikit lang siya, tinignan ko siya. His eyes look hurt, and full of pain.

"Eunice. Promise me, no matter what happens, isipin mo ang pamilya mo. Tuwing nahihirapan ka isipin mo lang sila. Wag mong sasaktan ang sarili mo ha? Okay. I promise I won't leave you. Pero wag na wag mong sasaktan ang sarili mo."

Ngumiti ako. Kahit isang beses lang, gusto kong patawanin si Jette. "Promise. Lasang kamatis!" sabi ko.

Sa wakas. I felt relieved even if I knew everything isn't right.


___

"Wake up wake up!!!" nagtatatlon ako sa kama sa guest room. Dito natulog si Jette dahil wala naman ang pamilya niya. Nagpunta raw ito sa Bicol para bisitahin ang lupa nila. May lupain kasi sila doon. Malawak yun at maraming tanim, yung sa likod lang ng bahay nila ay mga puno ng saging at mangga tapos yung mas malawak na lupain naman sa harapan ng bahay nila ay mga rice.

Hindi pa ako nakakapunta doon pero alam kong maganda doon. Parang hacienda nga eh.

"Eunice! Ano ba!!" kunot na kunot ang noo ni Jette nang bigla itong bumangon. Gulo gulo pa ang buhok niya at may malaking eyebags. Late kasi kaming natulog kagabi, nanuod kasi kami ng Naruto. Nakakalungkot lang kasi tapos na. No more new episodes.

"Sorry" I said shyly. "What do you want for breakfast?" tanong ko. Napamulat siya ng isang mata at tinignan ako.

"Marunong ka magluto?" umiling ako.

"Then I want pizza. Baka makasunog ka lang." ngumiti ako at Tumango. Konti lang naman ang alam ko, prito prito lang.

While waiting for the Pizza and the J.Co donuts to arrive, gumawa muna ako ng hot choco. Nung may nagdoorbell ay saka na ako tumayo at pagbubuksan sana pero nagising na pala si Jette at siya na ang kumuha ng J.Co.

"Nauna pa talaga yung dessert kesa sa breakfast ha" sabi niya

"Sorry. Mas inuna ko kasing inorder yan bago yung pizza" ngumiti siya at lumapit sa akin. Ginulo niya yung buhok ko at nilgpasan ako para ilagay sa table yung box. Umorder lang ako ng 1 dozen.

Binuksan na namin yun at napaawang ang bibig niya. "Anim na Avocado DiCarpio at anim na Alcapone?" Tumango ako.

"Pareho tayo ng favorite eh" ngumiti siya at nginitian ko siya.

Habang kumakain kami ay hindi namin napigilan ang pagkwentuhan ang tungkol sa mga napanood namin na episodes kagabi. May hangover pa kasi kami doon. Hindi parin kami makagetover.

"Nga pala, pansin ko. Parang bumait ka ngayon" sabi niya habang ngumunguya

Sinubo ko muna yung donut bago nagsalita. "I'll change for the better. I guess you're right. " ng bigla akong may maalala.

"Jette. Ano kasi eh..." tinignan niya ako at tumaas ang kilay niya. Balak ko sanang sabihin sakanya na nagpapanggap lang ako about everything. Na nagpapanggap lang akong walang naalala. Tingin ko kasi, telling himwould make things easier.

"Hmm?"

"Babe, kasi nagpapa--"


Natigil yung sasabihin ko ng may nagdoorbell. He excused to open the door. The moment he stood up, nawalan nanaman ako ng lakas na sabihin yun. Pakiramdam ko, hindi pa right time na sabihin sa kanya. The universe, fate, destiny, everything doesn't agree. Dahil kung aagree ang universe, I would have told him that by now.

Devils In LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon