DIL #44- Back to Spade

135 4 0
                                    

44

"You heard the doctor." Umirap ako kay Jette. "Now, mind telling me what you have been doing?" nilagay ko ang earphones ko pero hindi ako nagpapamusic. I was just covering my ears, para less ang maririnig ko sa sermon ni Jette.


Kagagaling lang kasi namin ng hospital, nagpacheck-up lang. But the doctor told me that there were just slight improvements. In my case, I should be mending right now, pero dahil sa mga ginagawa ko, it slows down the healing.

Nasa sasakyan kami ngayon at papunta palang kami ng mall, para mag-grocery. And unfortunately, nastuck kami sa traffic. We would wait maybe half an hour para makalusot ng traffic, and it would take us an hour before we reach the mall. Ang tagal, ang lapit lang ng mall, pero napapatagal sa traffic.

"Are you even listening?" See? I told you, effective ang paglalagay ng earphones kapag sinesermonan ka. Naririnig mo nga, pero mahina na lang. And since I'm wearing it, lumilipad pa ang utak ko kaya wala ako sa sarili ko, mentally.

Naramdaman kong may humila ng earphones ko kaya napaamang ako kay Jette at sinamaan ng tingin. Tinaas niya yung saksakan at pinakita sa akin.

"Stop pretending. Hindi nakasaksak" sabi niya habang hawak ang saksakan ng earphones. Oo nga, hindi nakasaksak. Epic Fail. Pero ano daw? Bigla akong napatulala.

Stop pretending.

Two words, hit me hard! Kung alam lang niya. Ako rin naman eh, if I would make a decision, I would also stop. Forgive and Forget. But I'm not the type of person who forgets easily, yes, I may forgive you. But do you think I would forget what happened? That's bullshit. It would haunt me, maybe like forever.

"Icy! Would you stop daydreaming! What the heck's happening to you?!" nagulat ako sa pagsigaw ni Jette.

Yumuko siya at pasimple akong sumilip sa kanya. His knuckles are turning white, sa sobrang higpit ng hawak niya sa manibela.

Isn't he over reacting? I asked myself. Nagagalit na siya ng dahil lang sa hindi ko iniinom ang vitamins ko. Palaging take outs ang pagkain ko. Hindi ako nag-eexercise. I would always laugh my heart out everytime na nanonood ako. I always run, which I consider as the only exercise I'm doing. Parati akong nababangga sa doorknob, sa dulo ng table at sa lababo.

At lahat 'yon, bawal sa akin dahil sa mga fractures ko. And now he's acting like this.

"Wag ka ngang OA. I take my vitamins. Hindi ako marunong magluto. Tinatamad akong mag-exercise. At oo, parati akong nababangga sa kung ano ano. Now, are you satisfied why it's only a slight improvement?"

Imbis na sumagot. He looked at me helplessly. "Icy..." his voice broke off.

Bigla akong kinabahan. Ganito ba kaimportante sa kanya ang kaligtasan at health ko? He's teary-eyed. I didn't know what to do. Iiyakan niya ako dahil lang sa ganito ako?

"Jette. Please, wag OA. At isa pa, okay lang ako, hindi ako baldado." I said. Ngumiti siya na parang timang. He wiped his tears at nagdrive na.

Hindi niya ako kinausap sa byahe. Nakita kong imbis na dumiretso kami sa mall ay dumiretso na kami pauwi. Nakarating kami sa harap ng building. Nagtaka ako. Dapat ay didireto siya sa parking.

"Jette, lumagpas ka" sabi ko. nilingon niya ako.

"Get out." Malamig na sabi niya. nagulat ako. literal.

I tried to hold his hand pero iniwas niya ito. Kumunot ang noo ko, ano na naman ba 'to? Please, kung umaarte lang siya. Tumigil na siya.

"Stop being rude. Bakit ganyan ka?" tumaas na rin ang boses ko.

Devils In LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon