DIL #47

129 3 0
                                    

47


"Ano na? payag ka? Kahit maging housewife ka nalang, magbake ka ng cookies tapos magbenta ka online. Deliveries nalang, ganun." Napanguso ako at sinipa ang binti ni Jette sa ilalim ng lamesa.

"Shunga! Housewife ka dyan!" tumawa lang siya.

"Dun din ang punta natin. O baka naman may iba kang....hm" sinamaan ko ng tingin si Jette. Bwisit.

"Chill. Joke lang"

Naglakad-lakad na kami dito sa mall matapos kumain. Medyo boring na rin, kahit nakapikit akong naglalakad dito sa mall, alam ko na lahat ng shops at mga booths. Kabisadong kabisado ko na 'to sa araw araw na pamamasyal ko.

"Pero may point ka sa sinabi mo" sabi ko.

"Alin dun? Yung pagiging housewife?" kinurot ko siya at napaigtad naman siya. medyo napangiti ako sa ekspresyon niya.

"Ang sakit. Tama na." mangiyak ngiyak na sabi niya. binitawan ko na siya at nagpatuloy kaming maglakad.

"Yung magbake ng cookies, o kaya mga cakes, tarts, pies. Ganun. Kaso di ako marunong magbake."

"Marunong ako. turuan kita?"

"Magaling ka magluto tapos magaling ka pa magbake? Bading ka siguro" pang-aasar ko.

"Bading ka dyan. Strict kasi yung lola ko, tapos gusto niya marunong ako kaya bata palang tinetrain na niya ako. scary kaya siya."

Napatango na lang ako. Habag naglalakad kami papunta sa supermarket ay nagkwentuhan kami tungkol sa super strict at perfectionist niyang lola. Nang makarating sa supermarket ay nauna ako at namili ng mga pwedeng ingredients.


"Ano bang ibebake natin?" tanong ko.

"Mango pie." Mabilis na sabi ni Jette.


Kumuha kami ng tatlong kilo ng ripe mangoes, mabuti nalang meron dito sa supermarket. Kumuha na rin siya ng watermelon para may kainin kami mamaya sa bahay at hindi daw puro cup noodles. Marami pa siyang pinagkukuha pero sunod lang ako ng sunod. Mapili pala siya, may gusto kasi siyang specific na brand ng ingredients. Parang yung egg kanina, ayaw niya yung SM Bonus. Gusto niya yung Fresh Farm eggs na mas mahal ng 38 pesos.

Tsk. Masyadong magastos.

Medyo marami na yung kinuha niya. kalahati na yung cart.

"Bakit parang ang dami?" tanong ko kasi napansin kong tig-tatatlo o kaya tig-dadalawa bawat ingredient.

"Duh. Para marami tayong magawa. Tingin mo, kakainin ko tong harina?" sabi niya.

"Nagtatanong lang ako. aba malay ko bang ganyan ka katakaw"

"Anong matakaw? Ikaw kaya yun. ikaw kaya taga-ubos ng kanin lagi"

"Ako? matakaw? Luh. Di ah."

"Oo kaya. Kaya nga sa mang inasal tayo kumain kasi gusto mo ng extra rice diba?"

"Ikaw kaya. Gustong gusto mo rin lang. parehas lang tayo."

"Wag mo kong igaya sayo."

"Wag mo rin akong igaya sayo" sabi ko at nagwalk out. Parang nagtatanong lang. tss.


Kumuha nalang ako ng sarili kong basket at nagtungo sa mga junkfoods. Kumuha ako ng maraming cheezy. Kumuha pa ako ng mga ibang chips tapos kumuha ako ng mga Gatorade tsaka Smart C.

Devils In LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon