DIL #14

252 5 2
                                    

14

Ilang araw nang pinag-aawayan ng banda ang Spicy at Jicy. Nakakainis. I never wished to have some abnormal friends. Although, they’re like my brothers. Stupid dumb brothers. Nagiging matino lamang sila kapag may mga gig kami. they start to become serious, lalo na kapag nahawakan na nila ang drumsticks, guitars at ang keyboard.

“Spicy sabi!”

“Jicy nga! ang cute kaya nila!”

“May nasasaktan po! CarCy ako! ” sigaw ni Carlo. Sabay sabay namin siyang binato ng unan, andito ako sa kwarto ko, kasama sila. Akala mo wala silang bahay kung makatambay dito. Tsk.

“Wala kaming pakealam!” sigaw nila.

Umirap na lang ako at tinignan ang phone ko. red hair texted.

‘Morning woman. Wag kang mag-almusal para magutom ka ha?’

Kita mo to. Ang sama. I replied to him.

‘Tss. Whatever. Kumain ka ng marami para maging obese ka at pumangit ha?’

“Hoy! Aba, natuto ka ng ngumiti ha.” Tumunghay ako ng makitang lahat sila naka tingin sa akin. Napawi ang ngiti ko at sumimangot ng makita sila.

“Sakit talaga, may load ka na ngayon ha? Parang dati lang, hindi uso sayo ang load” Carlo said.

“Sorry ha? Hindi kasi tumatanggap ang sari-sari store ng tseke at credit card” sabi ko. umirap naman sila sa akin.

“Eh paano ka nagkaload?”

“Duh, edi nagpaload ako”

“Kanino?”

“Kay red hair. tutal siya naman ang nagdedemand na magreply ako dahil hindi ako nagrereply. Napikon ata, linoadan ako”

Nagtinginan silang apat at may linabas silang papel. Kita kong nagsulat sila ng maliit na linya roon.

“Ano yan?”

“One point sa Spicy!” napairap ako dahil alam ko na kung ano yun.

*ding dong*

Tumayo ako at lumabas. Pagkabukas ko dito ay may dumamba ng yakap sa akin, kasabay ng paghalik sa pisngi ko.

“J-Jette? What the..”

“Sorry. Ang cute mo kasi.”

Instant na namula ako doon. When did I learn to blush? Tss. Stupid Jette. Kung ano ano kasing ginagawa. Ayan tuloy.

Pinapasok ko siya at kita kong nagsusulat nanaman sila. Nagbubulunga pa silang apat. Oo, kasama na si Carlo. Mga balahura talaga ang mga to.

“Coffee? Water? What?”

“Date? Pwede?” tumaas ang kilay ko doon. Date? Nasisiraan na talaga ng tuktok mga tao ngayon.

Devils In LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon