DIL #52- Kiss

115 4 1
                                    

52


Hyper na hyper ako nung sumunod na araw. Mahaba kasi yung tulog ko, at bukod doon, uuwi na kasi si Jette. Matapos ang apat na araw na wala siya ay uuwi na rin siya ngayon, kaya maaga palang ay naglinis ako ng unit at nag-ayos ayos. Naninibago ako sa buhok ko dahil ang daling shampuhin at hindi ko na kailangang suklayin, pero dahil ipapakita ko to kay Jette, sinuklay ko siya ng sinuklay.

Medyo kinulot ko yung buhok ko sa ends. Mabilis na akong nakaayos at maya maya ay nagtext na si Carlo sa akin na nasundo na daw nila si Jette. Ibaba nalang daw nila si Jette sa tapat ng condo at hindi na sila sasama para daw makapagbonding kaming dalawa lang ulit.

Naexcite naman ako kaya flinood ko ng texts ang banda. Inis na inis na sila sa mga reply nila na parating na daw, at maya maya ay hindi na nila ako nirereplayan.

Nakaupo palang ako sa salas ng magtext ulit si Carlo sa akin.


Ang laki ng pinagbago mo.Parang nagkabuhay na yung dating Eunice. Who did that to you? Spade ba o Jette? Wala akong pake kung sino, pero thankful akong hindi ka na yung dating parang patay na walang pakealam sa sarili at mundo. BTW, nasa baba na kami. Paakyat na siya, good luck! :)


Napangiti ako sa hindi malamang dahilan. Nung may nag dorrbell na ay agad akong tumakbo papunta sa pinto at dahan dahan itong binuksan. Nakayuko si Jette at naka formal attire pa siya. Napansin yata niyang nakabukas na ang pinto kaya nung nagtama ang mga mata namin, nanlaki ang mata niya at ngumiti.

"What happened to your hair?" agad niyang tanong at niyakap ako. Niyakap ko rin siya pabalik at kinagat ang tenga niya. Tumawa nalang siya.

"Naging alien na ako" tumawa ulit siya at kinurot ang pisngi ako. Pumasok muna kami at pagkapasok ay agad niyang tinanggal ang neck tie niya.

"Bat ganyan pa suot mo?" tanong ko.

"Katatapos lang ng meeting, nagbyahe na ako agad. I was missing you too much" sabi niya ng nakapikit. Napangiti nanaman ako ng palihim. Halatang inaantok siya pero pinipigilan lang niya.

Bumukas ulit ang mata niya at napatingin sa akin.

"You still look pretty. Walang pinagbago. Mas minahal lang kita, yun lang ang nagbago." Ngumiti siya at mabilis akong hinila para halikan sa labi. Mabilis niya lang akong hinalikan at tumayo na siya dala ang maleta niya.

"Tulog muna ako Eunice. I love you, pagkagising ko, gusto ko ikaw una kong makikita" sabi niya at saka dumiretso sa kwarto. Hindi na niya sinara pintuan. Nakita ko pang tinanggal niya lang ang jacket at pants niya. Pagkatapos ay bumabsak nalang siya sa kama na nakashirt at boxers.

Agad nag-init ang mukha ko ng makita ko yun. Unti unting bumilis ang tibok ng puso ko ng bigla ko nanamang maalala ang paghalik niya sa akin. Hindi yun ang first time, pero pakiramdam ko yun ang pinakafirst time ko.


Matagal akong nakatulala hanggang sa bigla nalang akong tumatawa mag-isa. Natatakot na ako sa sarili ko at hindi ko na alam ang pinag-gagawa ko. Nakita ko nalang ang sarili kong tumabi sa kanya at tinitigan siyang matulog. Hindi ko alam ang nararamdaman ko, hindi ko na maintindihan ang sarili ko, but I knew it was something different and weird and scary.

Masyadong malalim ang tulog niya kaya niyakap ko nalang siya at natulog na rin.

--


Nagising akong may humahaplos sa buhok ko. Madilim sa kwarto kasi nakapatay ang mga ilaw at nakasarado ang mga kurtinang inayos ko kanina. Balot na balot rin pala kami ng kumot.

Devils In LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon