DIL #28

195 6 2
                                    

28

Spade’s POV

It all started when Jette asked a famous band to perform at my bar. Maybe for entertainment? Yes. Maybe. It’s been a year when Patrice died. She’s everything to me. She’s all I want. But where is she now? She’s gone.

Masakit. Oo. Masakit isipin na murder ang ikinamatay niya. mas matatanggap ko pa kung may sakit siya, at least that way. I’ll think that she did her best, para sa huli, hindi ganun kasakit. Pero ang murder? Sa isang taong inosente? Napakawalang hiya. Ptngina lang.

“Hey. Sila na yung band na sinasabi ko sayo, di kasi sumama nung meeting namin” bungad ni Jette pagkaupo dito sa table namin. Ito na ang table namin palagi, no one sits here except us.

“Tss”

“Pero hindi din sumama yung vocalist nila. At ngayon, wala pa rin daw. Icy daw ang name.The Five Boys ang band name nila, so I guess that’s a guy too” ang daldal naman.

“Asan na yung dalawa?” I asked. Lima daw kasi sila at tatlo palang nasa stage na nag-aayos ng instruments.

“Andiyan na” sabi niya.

Pagkasabi niya palang ay may umakyat na na isang babae at isang lalaki. Kumunot ang noo ko ng tumapat ang babae sa mic stand.

“Icy’s a girl?” tanong ko and Jette just shrugged.

Tumingin na lang ako sa kanya. She started singing. Tulala ako. Patrice?

I looked at her and she was looking at me. That eyes…Patrice’s eyes. But it can’t be her, she’s dead. Kita ko pa ang katawan niya na nakahimlay. So this girl singing, kaboses niya na, parehas pa ng mata. What could be worse?

Ilang linggo ang dumaan at lagi silang kumakanta doon. Palagi niya akong nahuhuling nakatingin sa kanya. iiwas na lang ako ng tingin. Nasungitan ko rin siya, akala ko masasaktan siya doon. Ilang beses ko na rin siyang nasungitan.

Pero ganun din pala siya. Ang sungit din niya. ang cold din niya. Nakikita ko ang sarili ko sa kanya, just that she’s not broken. Wala siyang problema, she has the money, she has everything.

Isang beses, dinala ko siya sa bahay. Sobrang natutuwa ako sa kanya. at kahit may nangyari sa amin na horror noon, yung tungkol sa kalendaryo at multo, na hindi naman pala multo, natutuwa talaga ako sa kanya. she’s the exact opposite of Patrice.

“Gusto na kita woman. Pero hindi ko na sure kung mahal kita. Pero totoo kayang pwedeng nagresurrect ang soul ni Patrice at napunta sayo? I don’t care. Woman. Ano bang ginawa mo sakin? Tinamaan na ata ako sayo, ata lang ha. I’m not sure. Oo, gago ako, kaya sisiguraduhin ko muna” para akong tanga na kinakausap siya.

Tulog siya sa couch ko habag ako dito sa kama ko. hinintay ko talagang makatulog muna siya, bago ako.

Devils In LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon