DIL #42- Goodnights

146 4 1
                                    

42

"Baby. Sorry na. Uy, Icy. May dala akong pasalubong sayo oh, ang daming chocolates. Sige na, bati na tayo oh." Hindi ko pinapansin si Jette.

Kaming dalawa lang kasi dito sa condo ko, at pag-gising ko ay katabi ko na siya. Hindi ko na kasi siya nahintay kagabi at nakatulog na ako sa kwarto. Mga alas dos na nga daw siya nakauwi eh, at ngayon ay tinulak ko siya pagkagising ko.

Aba, nakayakap kaya sa akin, ayun tinulak ko kaya nahulog sa kama. Karma niya yan, hindi man lang ako tinawagan.

"May companya kayo. Mayaman kayo. Pwede kang bumili ng phone anytime, tapos tatawagan mo lang ako, hindi mo magawa? Wag ka ring magrarason na mahal ang tawag sa roaming. Bakit noon? Tumatawag ka sa akin kahit nasa Cali ka rin?"

Imbes na magmakaawa pa siya ay ngumiti siya sa akin. tumayo siya sa sahig. "Naalala mo pa yun? Naks naman" sabi niya at parang bilib na bilib pa sa sarili niya. "Ang hirap kasing kalimutan kapag gwapo ano?"

Inirapan ko nalang siya at tumayo na pero agad akong napahawak sa dibdib ko. Medyo kumirot yung ribs ko. Hindi ko alam kung ribs ko ba yun, pero alam ko yun yun eh.

"Icy?" agad lumapit si Jette sa akin at inalalayan ako. naramdaman ko rin ang paninikip ng dibdib ko. napapikit nalang ako at kumapit ng mahigpit sa shirt ni Jette.

"Babe! Shit. Saglit, tatawag lang ak—" halata ang pag-aalala sa boses niya.

"Hindi na." sabi ko at huminga ng malalim. Medyo nawala na yung kirot kaya bumitaw na ako.

Nagulat ako ng yakapin ako ni Jette. "Fuck. Akala ko kung ano na. Mag-ayos ka. Ipapacheck up kita"

"Hindi na. Saglit lang naman yun, tsaka, ito yung unang beses na nangyari sakin to kaya wag kang mag-alala. Okay?"

"Hindi. Hindi okay"

"Pero okay nga lang sa akin"

Sinamaan ako ng tingin ni Jette. "Eh hindi okay sa akin eh. Wag kang makulit"

___

"Bakit po ganun?" pinanood ko lang si Jette na nakikipag-usap sa doctor ko. Napairap nalang ako, sobrang arte.

Hindi ko na sila pinansin at tumayo ako. nag-ikot ako dito sa maliit na office nung doctor. Habang tinitignan ko yung mga instruments niya ay may nakita akong isang maliit na jar na may lamang mga candy. Lumingon ako sa kanila. Seryoso silang nag-uusap.

Napangisi ako. Minsan lang naman 'to. Dahan dahan kong binuksan yung jar at kumuha ng dalawang candy. Isinubo ko ito agad at sinara ang jar. Ang sarap.

Maasim siya sa una tapos magiging matamis, tapos parang may aftershock na medyo mapait, pero masarap. Parang dark chocolate lang, medyo mapait, pero masarap parin.

"Hija?" agad akong lumingon at tinago yung candy sa magkabilang gilid ng pisngi ko. Bumalik ako sa upuan ko at nakitang nakangiti si doc sa akin.

"Ikaw talaga, kinuha mo pa talaga yung mga candy na binibigay ko sa mga bata" sabi niya.

Nanlaki yung mata ko at agad na umiling. "Hindi po ah." ngumiti nalang siya at napailing sa kalokohan ko. masama bang kumuha ng candy? Dalawa lang naman.

Devils In LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon