DIL #6

372 9 0
                                    

6

Nagising ako na wala na si red haired guy sa guest room. Magulo pa ito at nalaman ko nalang na umalis siya. Di man lang ako ginising. Well, ayoko rin namang magising.

At dahil maaga akong nagising ngayon, 11 am, ay mamamasyal ako. pumunta muna ako sa mall at nag-ikot ikot. Pumasok ako sa isang shop at sunod ng sunod sa akin ang saleslady. Psh.

“Ano po yun ma’am?”

“Katahimikan. Pwede umalis ka? Naalibadbaran ako sa pagmumukha mo” agad siyang umalis at inirapan pa ako. sino ba kasing nagsabing sumunod siya sa akin? magtatawag naman ako kapag may gusto ako eh. tss.

Wala akong makitang magaganda ngayon kaya pumunta muna ako sa playground. Maraming bata dito. Nakaupo lang ako sa swing at tinitignan ang phone ko.

Walang kwentang phone to. Walang load, tss. Tsaka aanhin ko ba to? Tapos ko nalang kaya?

“Ate, oh, pinapabigay” binigyan ako ng isang bata ng ice cream.

“Kanino galing?” tanong ko

“Secret daw po” sabi niya tapos tumakbo na at naglalaro.

“Baka may lason” sabi ko. pero tinikman ko ito at wala naman. hindi ako nahilo. Kaya inubos ko na ito.

“Pssst”

Napatingin ako sa phone ko at 3 pm na. uuwi na ako, mag-aayos pa ako.

“Pssst! HOY! BABAENG NAKABLACK!” may narinig akong sumigaw. Napatingin ako sa damit ko at naka-all black ako. tumingala ako at tumingin sa harapan ko.

Ang banda. Nandun sila lahat.

Lumapit sila sa akin. hinila ni Kiko ang kamay ko kaya napatayo ako. tumingin ako sa likuran niya, si Carlo na hindi makatingin sa akin. tss.

“Sorry na” sabi ni Kiko

“What?”

“Eto naman. yung tungkol sa nasabi namin sayo kagabi. Kami ni Bonnie.” Tinignan ko si Bonnie at niyakap niya ako. agad ko siyang tinulak at sinamaan ng tingin.

“Ew. Don’t hug me” sabi ko at tumawa lang siya

“Buti pa ako, walang kasalanan” sambit ni Pats.

“Gusto mo bigyan kita? Marami ako.” sabi ko. sumeryoso na ang mukha niya at dumila sa akin.

“Uy. Pero sorry na fren” pagpupumilit ni Kiko

Nasaktan parin naman kasi ako kahit na loko loko lang yun. Tsaka oo, may kasalanan ako, oo, siguro sinagot ko yung mga lalaking yun. Eh sa wala akong magawa eh.

“I don’t care”

“Balik ka nanaman sa pagiging cold mo” hindi ko siya pinansin at tinignan lang si Carlo. Tumingin siya sa akin pero umiwas din.

Devils In LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon