DIL #30

197 7 0
                                    

30

Magaling na ako dahil inalagaan ako ni red hair. kapalit daw yun ng pag-aalaga ko sa kanya. at dahil responsibilidad daw niya, hindi ko lang alam kung saan.

Tatlong araw na pero hanggang ngayon, bumabagabag parin sa akin ang sinabi niya. I love you…woman. Hindi ko alam kung matutuwa ba ako o hindi, dahil walang kasiguraduhan yan. Masakit umasa.

Binisita din ako ng banda. Kasama pa ni Kiko si Shaina. Medyo open na si Shaina sa amin dahil nakikipagjoke na siya sa kanila at naasar na rin niya ako. tinuruan kasi nila na asarin ako ni Shaina kay Jette at red hair.

“JETTE!” sigaw ko ng makita ko siya. Inaantay ko siya ngayon dito sa airport. Nilingon niya ako at kinawayan ako. tinanggal niya ang shades niya at tumakbo palapit sa akin.

Binitawan niya ang maleta niya at yinakap ako. pinudpod niya pa ako ng halik sa pisngi. Napangiti na lang ako.

“Namiss kita” bulong niya at tumingin sa akin.

“Yung dutyfree ko?” tanong ko at pinat niya ang ulo ko.

“Hindi mo man lang ako namiss?” nagpout pa siya. Akala mo cute.

“Namiss kita syempre. Pero, yung dutyfree ko?” tanong ko.

Tinuro niya sa likod niya yung dalawang katulong na may dalang tig-apat bags ng dutyfree sa kamay nila. Napangiti ako. anim na bags? Mas Masaya, bahala na kung magkatonsilitis ako.

“Akin lahat yan? THANK YOU NG MARAMI!” sigaw ko at ginulo niya yung buhok ko.

“Sayo yung dalawa. Yung isa sa banda, yung isa kay Mia, yung isa kay Kevin, yung isa sa akin, yung isa kay Mio na kapatid mo at yung isa kay Kisar. Nagpabili din kasi sa akin eh.” Tumango ako. ang generous niya talaga.

Imagine bumili ng walong bags at pasalubong niya yun sa amin. Ang bait lang.

“Ako lang yung dalawa?” tanong ko at Tumango siya. Pinulot niya yung maleta niya at inakbayan na ako. sumunod naman yung dalawang katulong na kilig na kilig sa amin. Tss.

“Syempre. Malakas ka sakin eh” nakangiting sabi niya, may kasama pang kindat.

Hinampas ko siya.

“Ikaw ha. Nag-US ka lang, pakindat kindat ka na. Siguro palagi kang nasa bar doon ano?” tumataas baba pa yung kilay ko. tumawa lang siya. Sumakay na kami sa SUV nila.

“Di ah. pero kung oo, magseselos ka ba?” tanong niya.

“Hindi. Kasi may dutyfree na ako eh. kakain nalang ako” ngumiti na lang siya at pinisil ang pisngi ko.

Bumaba kami sa isang malaking room. Iniwan na namin yung mga gamit sa SUV dahil iuuwi na nila yun. kami naman ay magpaparty, welcome party daw. Tsk. Arte, akala mo naman isang taon sa US kung makapagparty.

Devils In LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon