DIL #65- Finale

188 4 3
                                    

65


Kasalukuyan akong nandito sa bahay. Nagtaka naman ako dahil parang hindi sila nag-alala sa akin. Pinagluto kami ni mama ng champorado. Tag-ulan na kasi kaya nagsisimula ng magluto si mama ng mga maiinit at masasabaw na pagkain.

Napatingin ako kaya ate Chio at nakita ang medyo umbok niyang tiyan. Nginitian niya ako at tinawag na para kumain. Tahimik kaming kumain at nagtataka na talaga ako dahil mula ng makabalik ako, ay iba na ang kinikilos nila.

Pagkarating kasi namin ay ibinaba ako si Spade sa condo. Iniwan ko lang ang mga gamit ko doon at pagkalabas ko ay nakita ko si Spade na naghihintay sa akin. Walang sabi-sabi ay dinala niya ako dito sa bahay sa hindi malamang dahilan.

Hindi ko pa nakikita si Jette, at balak ko siyang puntahan. Pero mamaya nalang, dahil nagtataka na talaga ako sa mga kilos nila mama.


Nabasag ang katahimikan ng humingi pa si Mio.


"Ma, can I have some more?" tanong nito at ibinigay ang bowl kay mama.

"Ang bilis mo namang matapos" sabi ni mama. Tumawa nalang kami, and the conversation started.

Umubo ako. "Hindi man lang kayo nag-alala sa akin?" tanong ko. Medyo nadismaya ako ng makita ang pagtataka sa mukha nila. Lalo na kay mama. Lalo akong naguluhan.

"Mag-alala? Bakit? Anong nangyari?" tanong ni mama. Napanganga ako ng malamang hindi nila alam ang nangyari sa akin.

"Spade kidnapped me." Simpleng sabi ko pero ngumiti lang si mama. Tinapik niya ang balikat ko at ngumiti. Tiningnan namin si ate Chio ng bigla itong mabilaukan sa kakapigil sa kanyang tawa. Kinuhanan ko siya ng tubig at mabilis niya itong nilagok.


"Marami kaming alam sayo, Eunice. Hindi nalang kami dumagdag pa sa mga iniisip mo" nakangiting sabi niya.

"When will kuya Spade be my brother in law?" inosenteng tanong ni Mio. Agad na tinakpan ni ate ang bibig ni Mio. Nagtataka na talaga ako. At natatakot. Everyone's acting weird and different. May alam ba silang hindi ko alam? May nangyari ba?

"Am I supposed to know something?" tanong ko. Narinig ko ang malakas na paghinga ni mama. Tinignan ko siya ng hawakan niya ang kamay ko.

"Just follow your heart. Kung tingin mo ay tama, edi go. Kung tingin mo ay mali, iwan mo. What I'm trying to say is, your heart remembers what your mind can not. Ang pagpapanggap at pagbubulag-bulagan ay mali, ngunit nagiging tama sa tamang paraan ng pag gamit mo." Kunot noo ko siyang tinignan.

"Ma? Ano?" she disregarded me and ignored my question.


"Basta, nandito lang kami. Support lang kami sayo. Kung nasaan man ang mommy at daddy mo ngayon, siguradong masaya sila sayo at gusto nila ang makakabuti sayo." Anong koneksyon nila mom at dad dito? Pinilig ko nalang ang ulo ko dahil naghihinala na ako.

Tingin ko ay mamamatay na ako, dahil sa weird na pag-akto nila sa akin. Kakaiba rin sila kung ituring ako ngayon. Parang ingat na ingat sila sa akin at hindi sila masyadong nagsasalita kung ano ang nangyayari. They just leave me dumbfounded with some weird advices. Muli kong ipinilig ang ulo ko at inisip na lang na weird ang foster family ko. Sana nga, weird lang talaga sila at walang nangyayaring kakaiba.

Nagpaalam akong aalis muna ako. I contacted Jette but he wont answer his phone. Ilang ulit ko pa siyang tinawagan hanggang sa Out of Coverage na. Inis kong binulsa ang phone ko at pumunta sa garahe. Napangiti ako ng makita yung motor ko. Bagong-bago. Ayoko na kasi yung dati kong motor, may damage na.

Devils In LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon